KABANATA 3: GAZELEM

26 0 0
                                    

~--=[ Shiz ]=--~

"Handa ka na ba?" pagtatanong ng maestro habang itinatali ko ang benda sa aking kanang braso. "Handa na po ako," tugon ko.

Maaga kami bumangon ngayong araw. Mainam kasi kung hindi pa sumumisikat ang araw ay aakyat na kami ng bundok na malapit sa aming tirahan. Unang araw ko ngayon upang mag-ensayo. Hindi ko parin lubos maisip na gagawin ko ito sa mundong ito.

Isinuot ko ang ibiniling damit sa akin ng maestro kahapon. Inilagay ko sa aking likuran ang espadang nakuha niya mula sa silid ni ginoong Nostrad. Isinabit ko naman ang dalawang punyal sa aking magkabilang baywang. Kulang nalang ay baluti at handa na akong makidigma. Nagbaon narin kami ng pagkain at inumin dahil tiyak na aabutin kami ng maghapon sa aming pagsasanay.

"Huwag kang mag-alala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huwag kang mag-alala. Hindi mabigat ang gagawin nating pagsasanay dahil hindi pa tuluyang naghihilom ang iyong sugat," sambit ng maestro nang marating namin ang paanan ng bundok.

Kumpara sa ibang bundok dito sa bayan ay hindi ito gaanong kataasan. Sinimulan naming umakyat. Napakaganda ng lugar na ito tila isang paraiso. Nang marating namin ang tuktok ay mas lalo akong namangha rito. Nakita ko ang maraming kabahayan sa sentro. Napakalawak ng lupaing ito.

Ang tuktok ng bundok ay napalilibutan ng maraming puno at makukulay na bulaklak. Tila nagsasayaw sila sa saliw ng ihip ng hangin. Ang mga paru-paro'y dumagdag pa sa kagandahan nito.

"Sige. Ilagay muna natin ang ating mga gamit sa ilalim ng punong iyon," sabi niya habang itinuturo ang isang puno na may pulang mga dahon.

Matapos niyon ay umupo kami sa may damuhan. Nagsalita muli ang maestro, "Disiplina ang kailangan upang magamit mo ng tama ang iyong kapangyarihan. Nangangailangan din ito ng matinding konsentrasyon ng kaisipan."

Itinaas niya ang kaniyang mga kamay sa hangin at unti-unting pinagharap ang mga palad habang ibinababa ito. Ipinikit rin niya ang kaniyang mga mata sabay hinga ng malalim.

Sinunod ko ang kaniyang ginagawa. Naramdaman ko ang napakasariwang hangin na dumampi sa aking balat. Malamig ito ngunit sapat lamang upang pakalmahin ang aking kaluluwa.

Matapos niyon ay tumayo ang maestro at lumuhod sa aking harapan. Inilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang dibdib at nagsabi, "Susubukan kong pag-isahin ang ating mga puso."

Pumikit siya at may ibinulong sa hangin. Biglang may kung anong liwanag ang lumbas sa kaniyang kamay at nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo. Tila ba'y kinukurot ang aking puso ngunit hindi ako nakararamdam ng anumang sakit. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at may lumabas ring kulay asul na liwanag dito. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at naglaho ang liwanag. Inialis niya ang kanyang kamay sa aking dibdib. Umupo siya sa aking tabi.

Ang MaestroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon