Chapter 8- Climax na ba 'to?

141 6 1
                                    

I told you! Chapter 8

-

-

-

Previously…

Nag COD kami at lahat kami nageenjoy. Or so I thought.

“Ano ba yan! Ang boring naman niyang nilalaro niyo eh! Makaalis na nga lang!” Pagdadabog niya palabas ng bahay.

Wew. Drama Queen.

-

-

-

Lara’s POV

-

-

-

Halatang nagulat lahat sa outbreak nung babaeng yun. Pati rin naman ako.

Nakita ko na lang na tumakbo na rin ng palabas si Kuya DJ. Syempre, ayaw niya magalit yung kalove team niya.

Nagmadali akong tumakbo sa may bintana.

At nakita kong parang tinawag ni Kuya DJ si Kath, buti lumiko siya sa kanan, kung saan kitang kita ko na ngumiti muna siya ng masama, or ewan, bago nagmukhang naniinis parin.

Hindi ko naman na maintindihan yung sinasabi nila from where I am. At ayaw ko rin mahuli ni Kuya DJ na nakikiusyoso sa usapan nila at uupo na lang sana ulit sa living room nang mapansin ko na wala na pala akong mga katabi.

Yung mga P5 naman kasi, nandun sa may pinto. Nakikinig!

Mga loko talaga. Tatayo sana ako nang magsalita si Ate Juls.

“Sasama ka dun sa mga mokong na yun?” nakasmile niyang tanong.

“Bakit hindi?” tanong ko pabalik sa kanya.

“Wag na. Baka masama ka lang sa galit ni DJ.” Sabi niya. “At least, sakanila na lang matutungo yung galit.” Natatawa niyang sabi. Nagtaka ako at umupo na lang sa sofa.

Hmmm… Ano na kayang nangyayari sa labas?

-

-

-

DJ’s POV

-

-

-

“Ano ba yan! Ang boring naman niyang nilalaro niyo eh! Makaalis na nga lang!” sigaw ni Kath.

Ha? Anong nangyari dun? Lahat naman kami okay kanina ah?

Feeling ko lang pala.

Tumayo na ako at hinabol, baka mamaya kung anong gawin nun.

Magpakamatay pa dahil sa kagwapuhan ko.

Mini Lara: WOOOSSHHHH!!!! Ang hangin.

DJ: Nge?! Bakit ikaw?

Mini Lara: Anong ako?

DJ: Ikaw yung konsensya ko?

Mini Lara: Oo bakit? Tumigil-tigil ka nga sa over confidence mo. Mamaya, magkabagyo na lang dito. :))

DJ: O sya, umalis ka na nga. Panira ka ng scene eh.

Mini Lara: Sorry naman. Sige na. Bye. -_-

Buti umalis na yung asungot na yun.

“Kath!” tawag ko sa kanya.

Tumigil siya.

“Ano bang meron sayo?” tanong ko sakanya at hinawakan braso niya para mapaharap sa akin.

“Anong meron sa akin? Yang pinsan mo! Yang Lara na yan!” sigaw niya sa akin.

“Wala naman ginagawa sayo yung bata ah?” sagot ko.

“Anong wala? Halata namang pinagsasama kayo nung pinsan mo eh.” Sabi niya at naglakad palapit sa akin at dunuduro ako. Ako naman, napapaatras.

“Kami? Sinong kami?” pagtataka ko.

“Ganun ka ba ka ingnorante? Si Julia! Pinagsasama kayo nung wierdong fanatic na yun!” Galit niyang sabi. Pero bigla rin nagbago yung emosyon niya. “Ang balita ko JulNiel fan yun eh. Gumagawa nga yun ng mga istorya galing sa crazy little world niya.” Bulong niya.

Napatigil ako sa mga naririnig ko. Hindi naman sa hindi ako makapaniwala. Naiinis lang talaga ako dahil nagpapaloko ako sa isang katulad niya.

Umikot si Kath sa akin.

“At ngayon nakahanap siya ng paraan para magkatuluyan ang matagal na niyang pinagpapantasyahan na love team, gagawa at gagawa siya ng mga paraan para magkatuluyan kayong dalawa.” Giit niyang sabi.

At umalis rin siya.

Every word struck me.

Tae! Bakit hindi ko napansin yung pinag-gagawa nung pinsan ko?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi! Hehe. Another updeyt. Malapit ko na ata tapusin ‘to. Naboboringan na ako eh. Or ewan ko. Sige. Ciao, chicas! XD

-Lara P. XD

I told you! (A JulNiel FanFiction) ~Complete~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon