Chapter 9- Ay Hindi pa pala. :)

130 8 4
                                    

I told you! Chapter 9

-

-

-

Previously

"Kami? Sinong kami?" pagtataka ko.

"Ganun ka ba ka ingnorante? Si Julia! Pinagsasama kayo nung wierdong fanatic na yun!" Galit niyang sabi. Pero bigla rin nagbago yung emosyon niya. "Ang balita ko JulNiel fan yun eh. Gumagawa nga yun ng mga istorya galing sa crazy little world niya." Bulong niya.

Napatigil ako sa mga naririnig ko. Hindi naman sa hindi ako makapaniwala. Naiinis lang talaga ako dahil nagpapaloko ako sa isang katulad niya.

Umikot si Kath sa akin.

"At ngayon nakahanap siya ng paraan para magkatuluyan ang matagal na niyang pinagpapantasyahan na love team, gagawa at gagawa siya ng mga paraan para magkatuluyan kayong dalawa." Giit niyang sabi.

At umalis rin siya.

-

-

-

Lara's POV

-

-

-

Kanina pa yun ah...

Sino?

Si Kuya DJ, kanina pa sa labas kasama si Ate Kath. Ang tagal nila. Ano na kaya nangyayari?

At nang isipan kong tumayo na dahil di ko na talaga take ang curiosity, nagtakbuhan ang P5 papunta sa amin.

Napasimangot ako dahil lahat ng mukha nila parang natatakot.

"Lara, lagot ka sa Kuya DJ mo..." pananakot rin sa akin nila Kuya Lester.

"Ha? Anong ginawa ko dun?"

"Sabi kasi nung kalove team niya, parang gumagawa ka daw ng paraan para magkasama sila." Sabi ni Kuya JC at ngumuso kay Ate Juls.

Hala! Alam ni Ate Kath! Shocks! Pa'no na 'to?

"H-hindi ah! Nagkataon lang na fan ako ni Ate Juls at gusto ko siya makasama." Pagd-deny ko. "At tsaka-"

Naputol ang sinasabi ko nang marinig ko bigla si Kuya DJ sumigaw.

"Lara!"

Buti na lang wala dito pamilya ko. Kung di, dedbols. Malamang malaking gulo 'to.

-

-

-

Julia's POV

-

-

-

Akala niyo wala lang akong pakialam, nakikinig rin ako sa usapan nila ah.

Pero si Lara? Match maker lang ang peg? Ang totoo niyan, minsan ako pa nga ang sumasama sa batang yan.

Ang feeler naman kasi ni Kath kung bakit ganon ang mga sinabi niya.

Di naman siguro yun totoo.

Delikado ngayon si Lara, baka kung ano nang mangyari dun sa dalawang magpinsan.

-

-

-

DJ's POV

-

-

-

"Lara!" sigaw ko.

I told you! (A JulNiel FanFiction) ~Complete~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon