CHAPTER TWO: MY SUITOR <3
Waa! Seatmate ko sya! Panaginip lang ba 'to? Kung panaginip lang 'to, pakigising ako! Baka umaasa ako. Chos! Hahaha. De, totoo nga!
"Yan ang sitting arrangement nyo hanggang secon grading." yes! Matagal ko pa sya makakatabi! ^__^
"Jhane, masaya ako na seatmate kita." nagulat naman ako dun! Bigla syang nagsalita, kaya lang ayoko ng tawag nya sakin.
"Ah. Hehehe. Shana nalang, IAN. :-)"
"IAN? Hahaha. Ikaw lang tumawag sakin nya. Cute naman ng Jhane ah?"
"Hahaha. Kinuha ko lang yung initials ng tatlo mong pangalan. Hehehe. Ayoko ng Jhane eh. Basta. Shana nalang o kaya Andreanne.
"Okay Shana."
Kung dati gustong gusto kong magbell para sa lunch, break at uwian, ngayon, AYOKO NA! DITO NALANG KAMI PLEASE! T___T hahahaha.
<KRRIIINGGGGGG>
Ayan! Nagbell na nga! Tsss.
"Hoy Shana! Ikaw malandi ka ne? Hahahaha." si Morie pala! Bigla nalang syang sumulpot sa likod ko.
"Luka!" -ako
"Sus! Alam ko type mo si papa Ivan no!" -Morie
"Che!" -ako
"Morie, bakit antagal mag bell?"
"OMG SHANA! ILANG MINUTES PALANG KAYONG MAGKALAYO NI IVAN, MISS MO NA AGAD?" medyo napalakas ata ang bunganga ni Morie, ayy hindi! TALAGANG MALAKAS!
"Morie! Si Ivan nakatingin!" nakita ko si Ivan na nakatingin sa direksyon namin! Naku! Sana lamunin na ko ng lupa! Sige na please!
"Ooopss, sorry!" tapos tinakpan nya yung bibig nya. NAKAKAHIYA!
Hinila ko si Morie sa hindi gaanong mataong lugar. Isang part ng campus.
"Morie naman! Paano na ko haharap kay Ivan?!"
"S--sorry Shana."
"Ok, next time pakihinaan ang volume ng bibig mo."
"Sorry, Shana." tapos hinug nya ako. Di naman kaya ng konsensya kong magalit sa best friend ko. Haay naku! Bakit ba mahal na mahal ko 'to?
---
Nasa room na kami. Sobrang naiilang ako kay Ivan.
"Sorry ka--kanina, Ivan."
"Ok lang." tapos nag wink sya.
"Namiss mo talaga ko, Shana?"
"H--huh?" parang nabingi ako sa tanong nya pero rinig na rinig ko!
"Hahaha. Wala! Ikaw talaga!" hala? nagba blush ako! *^_^*
"Ang bilis mo naman mag blush. Hahahaha!" di na ko sumagot, nabuko na nya ko! Tunawin nyo na ko sa kinauupuan ko please!
>>>>FAST FORWARD>>>>
Wala naman masyadong especial na nagyari nung mga nakakaraang linggo except sa pinapakilig ako araw araw ni Ivan.
Nag announce si Ms. Dana na may tour daw kami. Tatlo lang naman ang pupuntahan: Mind Museum, AFP Theater and Enchanted. Wala talaga kong balak sumama! Sayang lang pera.
"Shana, sama tayo?" ako ba? Ako ba yung niyayaya niya?
"A--ako?" eto na naman ako! Hayy naku!
"Hahaha! Oo ikaw." jusko Ivan! Wag mo kong titigan ng ganyan! Nagiging kulay kamatis na hinog yung muka ko!
"Ha? O--oo. Hahaha" napa-oo ako! Si Ivan ba naman ang nagyaya eh! Tatanggi pa ba ko? Hahaha.
YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN' FOR YOU
RomanceAno ang gagawin mo kung itaboy ka ng taong pinakamamahal? Sabi nga, kung sino pa yung pinakaminamahal mo, sya pa yung pinakanakakasakit sayo. Pag bumalik sya sa buhay mo, tatanggapin mo pa ba? Paano kung may taong handa kang damayan habang wala sya...