CHAPTER FOUR: HAPPY

9 1 0
                                    

CHAPTER FOUR: HAPPY

>>>>>IVAN'S POV<<<<<

"Ivan? Di pa ba tayo aalis? Naiwan na nila tayo oh! Ang boyfriend ko talaga! I love you!" hinila ako ni Shana palabas ng bus at naiwan ni Jazzmine sa loob. Hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in sa utak ko yung mga sinabi ni Shana sa harap ni Jazzmine.

"Uyy Ivan? Okay ka lang ba?" nagulat nalang ako nang biglang nagsalita si Shana habang naglalakad kami. 

"Ha? Eh ano? K--kasi! T--tayo na ba?" nauutal ako! Baka kasi mamaya ginu-good time nya lang ako dahil na badtrip sya kay Jazzmine.

"Ayaw mo ba?" nagsmile sya ng nakakaloko at inunahan ako paglalakad. Natulala padin ako sa sinabi niya, makalalag panga at puso! 

"Baby Shana! Hintay naman oh!" sabi ko sa kanya habang hinahabol ko sya, di ko kasi napansin na medyo napalayo na pala sya sakin. Nung nahabol ko na sya, sabay na kaming pumasok sa AFP Theater ng magka holding hands! Sya ang first girlfriend ko and I'll do everything para sya na din ang maging last.  Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, ang alam ko lang ay pangangalagaan ko siya hanggang sa kaya ko!

Naupo na kami ni Shana sa inassign saming upuan.

"Baby? Tulog muna ko ha?" aghh! Ang mahal kong katulog! Hahaha.

"Ikaw talaga! Sige, sandal ka sa balikat ko." ginawa nga niya yung sinabi ko. Pinatong ko naman yung ulo ko sa ulo nya at hinawakan ko yung kamay nya at bumulong sa kanya.

"Hindi mo 'to pagsisisihan baby." 

"Ikaw ang magsisisi Ivan kapag niloko mo ko at kapag nakipag-usap ka pa sa tour guide na yun!" sumama na naman ang timpla nya! Aghh.

"Hahaha! Di ko na kakausapin pa, I promise. :)" nagsimula na ang play na hindi ko naman maintindihan yung mga ginagawa nila dun. Naku naman! -_- Tulog nalang din ako.

*click! click! click!* 

Bigla akong nagising sa tatlong sunud-sunod na flash ng camera na tumama samin ni Shana. Hindi pa naman ako masyadong tulog nun at halatang halata naman talaga yung flash ng camera dahil madilim sa paligid. Pero ewan ko ba sa taong ito kung papaano nakapagdala ng camera sa loob eh pinagbawalan na nga kami sa bus palang! >.<

"Gotchaa! May idadagdag na naman ako sa scrap book ko! Yiipiie! Couples of the year talaga kayo!" medyo mapikit-pikit pa ko nung makita ko sa harap namin ni Morie. Ang kulit talaga nito! =_=

"Morie naman!" yun lang ang nasabi ko at ginising na nya si Shana. Take note: inalog alog, hinampas hampas at sinigawan nya si Shana. Break daw kasi muna namin, kumbaga recess kaya pala nagawa na naman ng Morie na 'to ang plans nya.

"ANO BA?!" akmang susuntukin na nya yung gumigising sa kanya. Nanlaki naman yung mata nya nang makita nyang si Morie ang gumigising sa kanya.

"Morie naman! Natutulog ako eh. =_=" -Shana

"Eh girlfie naman kasi, 15mins break daw muna at saka 2 1/2 hours ka ng tulog dyan, hindi ka pa satisfied?! Oh baka naman gusto mo lang talagang sandalan ang balikat nitong suitor mo ha?! Ikaw may pagnanasa ka din kay papa Ivan!" panunukso ni Morie sa GIRLFRIEND KO. Hindi pa siguro nya alam na kami na ni Shana. ;)

"Excuse me Morie dear, for your information, hindi ko na sya suitor." biglang tumingin sakin si Shana at nag wink! 

"HA?! SHANAJHANE ANDREANNE F. ZABANDA NAMAN! TANGA NAMAN NETO! PINAGTYAGAAN ANG LOKA MONG UGALI TAPOS PINAASA MO LANG?! MAY SCRAP BOOK PA KONG GINAGAWA PARA SA INYO TAPOS WALA DIN PALA? I'M VERY DISAPPOINTED!" nagpipigil na talaga ko ng tawa dito! Grabe magreact si Morie, kasi andami nyang ginagawang paraan para maka-pogi points ako kay Shana at akala nya lahat yung nasayang. HAHAHA.

CATCH ME I'M FALLIN' FOR YOUWhere stories live. Discover now