From the start
Ang alam ko lang ay nakatulugan ko ang pag iisip kung siya ba talaga yun o hindi. Nag aaalala ako kung ano ang rason niya kung bakit siya bumalik dito. Dahil ba sa akin? Aasa na naman ba ako na ako ang dahilan kung bakit siya bumalik? O iba pang rason kung bakit nandito siya? I pity myself to believe that.
Nag-simula na naman ang araw ko na kagaya ng dati bubuksan ang store at mag-aayos ng mga paninda at maglilinis habang wala pang masyadong costumer sa store.
"Ako na ma'am. Hindi bagay sa isang magandang gaya mo ang humawak ng walis at basahan. Kaya ako na ma'am." Sabi sa akin ni Caloy sabay ngiti ng napakatamis.
"Uminom ka nga ng kape.. Baka sakaling mahimasmasan ka. Parang tulog pa ang diwa mo e." Tumatawang sabi ko.
"Ma'am naman. Ayaw mo bang maniwala sa akin? Isa ka ngang diyosa para sa akin e. Diyosa ng outer space. Bagay nga sayo yung pangalan mo ma'am. 'Ju-piter'.." Sabi niya sa akin na parang nasa kalawakan nga siya.
"Earth to Caloy.." I snap in his face.
"Sorry ma'am na dala lang ako." Sabay tawa nito.
"Doon kana sa loob. Doon ka manggulo not here." Pinapaalis kong sabi.
"Okay ma'am. Kung may kailangan ka ma'am.. I'm just one call away from you." Sabi nito na may kasamang kindat pa. Kina-gwapo niya ba ito? In his case, unfortunately not. Creepy.. Ngiti lang ang sagot ko bago ito nakaalis.
Baliw din ang isang iyon. Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko kanina. Nang matapos ko dun ng nag-simulang dumami ang gustong kumain sa store namin.
Wala na akong ibang magawa kaya sumama ako sa mga nag-cocounter na aligaga sa mga umoorder sa kanila.
"Yes, ma'am?" Tanong ko sa costumer
na ngayon ay abala sa kakatingin sa naka display sa taas ng mga pwedeng i-order."I want that beef stake, pancake, pie and coffee." Sabi nito sa akin na nakangiti at inaabot ang isang papel na bill. Kaya nginitian ko din ito.
"Yes, ma'am. Just for a minute ma'am." Sabi ko na inaabot ang kanyang sukli.
"Okay." Tipid na sabi pero naka ngiti pa din sa akin.
Nang maiabot ko sa kanya ang kanyang inorder ay may tinanong siya sa akin na kinagulat ko. "What's your name, hija?"
"Ma'am, Jupiter po." Nahihiya kong sabi dito.
Kumunot ang noo nito na animo na may inaalala ito. "Parang narinig ko na ata ang pangalan mo hija. O sadyang madami lang talaga ang kapangalan mo?" May ngiti pa din nitong turan.
"I don't know, ma'am." Sagot ko naman sa kanya.
"I'm sorry if I ask this question. May I know what is your surname?" Tanong na naman niya sa akin.
"Valderama po." Sagot ko ulit dito.
Halata dito ang pagkakagulat. Na parang tinuklaw ito ng ahas.
"Bakit po ma'am." Tanong ko dito.
"So, ikaw pala yun hija. All this time, I thought your in America." Turan nito
"P-poo?" Nag-kakadautal kong tanong sa kanya.
"Can I excuse this young lady in front of me?" Tanong niya sa mga kasamahan kong counter. Tango lang ang naging sagot ng mga kasamahan ko.
Hinila niya ako sa isang bakanteng lamesa. Nang makaupo kami ay sinimulan na nitong simsimin ang kape nitong inorder kanina.
Nagtataka ako kung bakit niya ako kilala. Sino ba itong talaga?
BINABASA MO ANG
Stay And Wait Until It Happen
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, incidents are their the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...