Update 2: Who's that girl?

38 2 0
                                    

"Hoy Pot! Itago mo kooo!"

"Teka lang! Magtago ka muna dun sa may likod, bilis!"

"Hi migs!" -mean girls

Gwyneth, Jessa at Tahara. Ang tatlong mean girls. Sila yung magaganda at mayayaman na sikat dito sa school. Kinaiinggitan sila ng mga babae kasi ang c-cool nila. Well, hindi ako isa sa mga girls na yun. Ang totoo kinaiinisan ko sila, gusto niyo malaman kung bakit? Keep reading.

-------------------

"Hi Gwyneth, Jessa and Tahara :)"

Habang naguusap ang apat tahimik lang na nakikinig si Yen sa likod.

"Ang pogi mo talaga :">" wika ni Gwyneth

"Hoy! Mahiya ka nga, babae ka pa din noh. Kamusta ka naman Migs? :)" pakilig na sabi ni Jessa

"Oo nga, kamusta ka naman? Atsaka, nasan nga pala yung bestfriend mo? Himala di mo siya kasama." -Tahara

("Haliparot talaga tong tatlong to." sabi ni Yen sa isip niya.)

"Okay lang naman ako. Thanks for asking. Nasa cr pa kasi Ba, hinihintay ko lang din kasi kakain na kami ng lunch."

"Oh! Sabay nanaman kayong kakain? Eh kung ako na lang kaya sabayan mo? ;)"

("Ang landi! Nakakainis.")

"Ay, salamat na lang. Pero mas prefer kong kumain kasama si Yen. Sige mauna na ko."

-------------------

"Asan kaya yun si Yen, nakakainis." sabi ng mga mean girls habang naglalakad.

-------------------

"Hayy buti naman wala na sila. Nakakainis talaga! Di man lang ako makabawi sakanila."

"Ba hayaan mo na lang sila."

"Hayaan?! Eh binubully kaya nila ako! Sa harap mo akala mo kung sinong mga anghel. Pero pag wala ka, alam mo ba pinag gagawa sakin ng mga yun! Nakakainis talaga."

Binubully kasi nila Gwyneth, Jessa at Tahara si Yen dahil malapit siya kay Migs. Naiinggit kasi palagi niyang nakakasama ito. Yung tipong pag wala si Migs aalilain. Utos dito utos doon. Umabot na nga sa point na binuhusan nila ito ng softdrinks. Kaya grabe ang galit ni Yen sakanilang tatlo.

"Tama na nga yan Ba. Alam mo ikain na lang natin yan. Ililibre kita ng paborito mo. Isaw :))))"

"Hmp! Nako talaga, di ko mapigilan yung...... Teka isaw ba kamo??? Edi tara na dami pang sabi eh! HAHAHA."

"Sabi ko na nga ba eh, mapapatigil ka din. Tara."

---------------------

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila ng school para sa natitira pa nilang subjects. After nun, umuwi na din sila kagad. Oo sabay sila umuwi. Eh magkapit bahay lang naman saki sila eh.

"Ma! Nandito na po ako."

"O Yen, kumain ka na ba?"

"Tapos na po, kumain na kami ni Migoy kanina."

"Hindi talaga kayo mapaghiwalay dalawa ano."

"Ma, bestfriend ko kaya yun. Sige po, magccomputer muna ako."

Habang nagccomputer napapaisip si Yen about kay Miguel.

"Hay. Eto nanaman tong mga message ng mga may gusto kay Pot. Di ko talaga alam kung bakit madaming nagkakagusto dun. Oo gwapo siya, pero yung buhok niya pang k-pop. tapos ang payat pa! Akala mo di pinapakain sakanila, pero ang lakas naman lumamon. Tapos yung mga mata niya, akala mo palaging inaantok. Ano kaya nakita netong mga to sakanya....................... Tama na nga to. Matutulog na lang ako, at baka malate pa ko bukas."

-----------------------

After 1 week

*RIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!

"Ok class, we have a new student. Late enrollee siya kaya ngayon lang siya nakapasok."

Nagkkwentuhan yung magbestfriend ng biglang pumasok yung new student.

"HAHAHAHA."

"Hoy Ba! Kanina mo pa di matapos yang storya mo ha! Tawa ka kasi ng tawa."

"Kasi Pot habang pababa siya ng jeep muntikan na siyang malaglag, natatawa talaga ako sa expression ng mukha niya"

"ANG GANDA O.O"

"Nako Pot ha! Wag mo nga akong bolahin XD"

"Hindi naman ikaw Ba eh. Siya........."

"Ha?! Sinong siya???"

Sabay tingin ni Yen sa bagong studyante.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon