Update 6: I Smell Something Fishy

9 0 0
                                    

Hindi napansin ni Miguel na nakatingin lang pala sakanila si Jane hanggang sa pag alis nila. Napa ngiti si Jane dahil sa ginawa ni Miguel para sa bestfriend niya.

"Grabe ang cool niya pala, at ang bait pa." -Jane

"Sobra! Kaya nga madaming nagkakagusto diyan eh." -Ryanna

"Halata ko nga eh. Ibang klase siya." pangiting sinabi ni Jane

"Oh, wag mong sabihin na nagkaka crush ka na sakaniya."

"Di naman siguro masama na maging crush siya diba? Crush lang naman eh."

"Madami kang kaagaw diyan, ingat ka lang haha."

"Oo naman." napabuntong hininga na lang siya

-----------------------------------

(KINABUKASAN)

Ano ba naman to, lahat ng tao nakatingin sakin. I mean mga babae lang pala. Yung mga tingin nila na naiirita na naiinis sakin. Grabe, feeling ko sinusuntok at sinasabunutan na nila ako sa isip nila. Haist! Pero okay na din siguro na sinabi ni Miguel yun kahapon, atleast wala talagang gumagalaw sakin. Pero parang mas nakakatakot yung mga nanlilisik na mata nila. Parang mga vampires na gutom eh, at gusto akong kainin.

"Uyy Ba! Kamusta?"

"Anung kamusta? Eto halos mamatay na sa takot at kahihiyan. Tignan mo kung pano makatingin sila Gwyneth, Jessa at Tahara. Lalo na yung dalawa. Sila Gwendellyn at Bhea. Para akong lalamunin ng buo."

"May ginawa ba sila sayo?"

"Huh? Ahm. Wala naman."

"Oh, wala naman pala eh. Wala ka dapat ikatakot. Sabi ko naman sayo diba...."

"Oo na. Na hangga't bestfriend mo ko, walang mangyayari sakin."

"Exactly. Kaya wag ka na maginarte diyan ha."

"Oo na, pumasok na nga tayo."

"Ayy tara tara." masayang sabi ni Miguel

"Oh, teka. Bat parang excited ka?! Kelan ka pa naexcite sa pagpasok ha!"

"Simula nung pumasok si Jane." pabulong na sabi ni Miguel

"Anong sabi mo?!"

"Ha! Ah wala. Sabi ko simula nung.... pasukan natin! Syempre college na tayo eh hehe. Tara na."

May kakaiba talaga sa kinikilos nitong taong to eh. O baka masyado lang ako nagiimagine?! Hmmm.

-----------------------------------------

Pumasok na sila at ang iba pa nilang blockmates, kasama na dun si Jane.

"Hi Jane! Good morning." masiglang bati ni Miguel

"Good morning." nginitian niya si Miguel sabay talikod. Namula si Jane sa pagbati sakanya ni Miguel.

"Hoy Pot! Akala ko ba titigilan mo na yan si Jane?"

"Oo nga. Binati ko lang naman, eto talaga."

"Sus!"

(TEACHER)

"Okay class we're going to do some activity today and I need you to go and pick your partner. I'll give you 5 minutes to decide."

"Uyy Pot....."

Di pa tapos si Yen sa sinasabi nang biglang tumayo si Miguel papunta kay Jane.

"Jane, pwede ba ikaw yung partner ko?" pangiting sabi niya.

"Huh? Diba si yen yung kapartner mo palagi? Pano siya?"

"Ahm, para maiba naman. Wag ka magalala, makakahanap din ng partner yan."

"Ah, sige." medyo kinilig si Jane dahil siya ang piniling partner ni Miguel

Bumalik na si Miguel sa upuan niya.

"Hoy Pot! Ano yun?! Diba tayo yung magkapartner palagi? Pano naman akoooo!" >.<

"Ano ka ba! Ang dami dami naman diyan, minsan lang to Ba. Ngayon lang, please?!"

Ano bang meron diyan sa Jane na yan. Psh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon