Update 3: She's different

41 1 0
                                    

Nakatingin lamang si Yen sa bagong estudyante habang papasok ito.

Nagpunta ito sa gitna at nagpakilala.

"Hi, ako nga pala si Marie Jane Marzan Nice to meet you all."

Yumuko si Jane matapos niyang magpakilala. Sa pag angat ng kaniyang ulo, agad niyang napansin si Miguel na tila kanina pa nakitingin sakanya. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang pagtitig ni Miguel sakanya. Nginitian na lamang niya ito nang biglang nabalin ang kaniyang pansin sa kanilang prof nang sabihin nitong maupo na siya.

Tumabi si Jane kay Ryanna Nicole Gamboa na agad naman siyang binati.

Nginitian niya ito dahil mukha siyang mabait at pala kaibigan.

"Pwede ba kong magtanong?" pangiting sinabi ni Jane sakanyang katabi.

"Oo naman! Ano ba yun?" masayang sagot nito sakanya.

"Anong pangalan nung lalaki na yun? Napansin ko kasi na nakatingin siya sakin kanina habang nagpapakilala ako."

"Ahh, yun ba? Si Miguel yun. Vittorio Miguel Gonzales. Pogi noh!" patawang sinabi ni Ryanna kay Jane.

"Ha?! Ah ewan." nginitian niya na lamang ito at lumingon ulit kung san nakapwesto si Miguel.

-------------

"Ba! Grabe ang ganda niya." kinikilig na sabi ni Miguel kay Yen.

"Hoy Pot! Mag tigil ka nga diyan ha. Kakabreak mo lang sa girlfriend mo last month diba?"

"Ba, ikaw na din ang nagsabi. Last month pa yun! Ang tagal na kaya."

"Kahit na! Di mo ba alam yung 3 month rule?"

"Kung ano ano nanaman yung nakukuha mo sa mga pinapanuod mo na movies. Alam ko yan eh, One More Chance. Basha and Popoy. Nako Ba! HAHAHA."

"Nako Gonzales ha! Umayos ka, kaya sumasakit yung ulo ni tita sayo eh. Palagi ka na lang nagpapaiyak ng babae."

"Nagpapaiyak ka diyan. Goodboy kaya toh! Diba Pagdanganan!" kinindatan niya si Yen pagtapos niyang sabihin ito.

Habang busy sa paguusap sila Miguel at Yen, di nila napansin na papalapit na pala sakanila yung professor nila.

MR". GONZALES AND MS. PAGDANGANAN. BAKA NAMAN GUSTO NIYO ISHARE YANG "MAHALAGANG" PINAGUUSAPAN NIYO SA KLASE KO! KUNG AYAW NIYONG MAKINIG, YOU ARE VERY FREE TO LEAVE MY CLASS."

"Sorry Mam." sabay na sinabi ng dalawa.

Natawa na lang sila dahil napagalitan nanaman silang dalawa.

---------------

*RIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGG!

"Class dismissed. By the way, don't forget to pass your assignment. Ginawa ko nang by partners yan dahil alam kong mahihirapan kayo. So I expect you to do your best ok?! See you next meeting."

SIGE NA. TAMA NA HULA NIYO. SYEMPRE SILA MAGKAPARTNER BESTFRIENDS FOREVER EH. Kahit anong tanong ng mga kaklase nila kay Miguel, hindi na agad ang isasagot nito dahil understood na, na sila ang magkapartner.

-------------

"Pot samahan mo nga muna ako sa locker, ibabalik ko lang tong books. Ang bigat eh."

"Sige, tara."

Habang papunta sila sa locker ay hindi nakita ni Yen ang papasalubong sakanya.

*BAAAAAAAAAAAAG!

"Ahhhhhhhh!"

"Ay ate sorry!"

"Uyy Ba! Di ka kasi nag iingat eh. Miss ok ka lang ba?!" inalok ni Miguel ang kamay niya sa babaeng nabangga ni Yen. Hindi niya namalayan na si........

"Ok lang ako. Salamat."

"Jane? Ikaw si Marie Jane Marzan diba? Yung new student? Ako nga pala si Miguel, pero Migs na lang for short." ngumiti si Miguel kay Jane.

"Ah, oo. Nice to meet you Migs." nagshake hands sila, na kinakilig naman ni Miguel.

"AHEM!"

"Ayy! Eto nga pala yung bestfriend ko, si Yen."

"Hi Yen! :)"

"Hello! Uyy Pot, ano na? Ilalagay ko pa ba to sa locker o hindi na?"

"Ayy oo nga pala. Sige Jane mauna na kami ha. It was nice meeting you."

"Sige. It was nice meeting you too Migs. Bye."

------------------

"Grabe ka naman Ba! Yun na yun eh! Chance na yun oh! Nagpapapogi points pa naman ako, bigla kang sumingit. Lalanding na yung airplane ko sa puso niya eh!"

"Ano nanamang kakornihan yan ha! Eh bigat na bigat na kaya ako sa dala dala ko. Alangan naman hintayin ko pang matapos yung conversation niyo na halata namang kina eenjoy mo."

"Ba! Di ka ba mag eenjoy kung ganun kaganda yung kausap mo? Basta, iba siya. GRABI NA ITUUU X">"

"Hoy! Maghunusdili ka nga, baka himatayin na ka diyan ha."

"Basta ba! Ako bahala. Sakanya ko lang naramdaman to."

"Sa lahat naman ng naging babae mo, yan yung sinasabi mo eh. Ano bang bago?"

"Basta! THIS IS IT PANSIT!"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon