Chapter 2

87 6 0
                                    

Khale's POV

Nakakainis naman 'yung Rhianne na 'yun! Kinakausap ko pa 'yung eengot-engot na babae kanina, naki-epal pa.

Hindi naman talaga imposibleng stalker ko 'yan ah! Sa gwapo kong 'to! Tsk.

"Oh, Khale, bakit ikaw lang mag-isa dito sa locker area?" tanong sa'kin ni Ayish kasama si Ella habang papalapit sa'kin.

"Tanga! Sure kang ako lang mag-isa? Anong tawag mo sa kanila?" pamimilosopo ko sabay turo sa mga estudyanteng bising busy agad sa kung anumang ginagawa nila.

"Gagu! Ang ibig kong sabihin ay bakit 'di mo kasama ang tropa? Sina Xyren, Matt at Nicko?" sabi niya.

"Sina Matt at Nicko eh nasa covered court tas si Xyren eh wala pa nga." sagot ko. "Ge, alis na 'ko at hihintayin ko na lang si Xyren sa may gate."

"Naks, sweet!" sabi ni Ayish. Tas dinugtungan pa ni Ella.

"Uy, baka iba na 'yan huh?"

"Tss, inyong ilong at puel!" pang-aasar ko din. Tas umalis na ako ng tuluyan.

Kukulit talaga ng dalawang babaeng 'yun! Hindi pa rin nagbabago simula nung mga freshman pa kami.

Si Larissa o kilala bilang Ayish, hindi pa kami nagkakahiwalay ng klase. Bata pa 'yan at wala pa sa kanyang nakakatalo. Pero 'wag kayo! Ang dami na niyang naging boyfriend! Pero nakahanap na 'ata siya ng "The One" sa katauhan ni JM.

Si Karmela o Ela naman eh pang model ang katawan. Sexy, matangkad at medyo brainy din kaso nga, PANGO! Kaya ang tawag namin jan eh ilong!

Dumaan muna 'ko sa covered court ng school para tawagin sina Matt at Nicko.

Mga putsa naman 'yung mga 'yun! Agang-aga eh naglalaro agad ng basketball. Tas ang aga-aga rin namin pumasok wala pa pala si Tol!

Si Tol eh si Xyren. Kababata ko. At siyempre, 'pag sinabi kong kababata ko, eh di 'yung mismong feature niya ay kapareho ko!

Kahit babae siya, nag click agad ang samahan namin. Pero hindi siya tomboy huh! May pagka-boyish lang. At Tol na namin ang isa't isa simula pa nung mga bata kami. Siguro mga sanggol pa! XD

Kaya siguro ganito ang samahan namin. Ang trip niya eh trip ko na rin, vice versa lang. Magkapartner kami sa mga kaokohan at idagdag mo pa ang dalawang mokong na papalapit ngayon sa'kin.

"Langya naman, Tol. Naglalaro pa kami eh. Epal ka naman." Reklamo ni Matt habang nagpapahid ng pawis.

"Grabe, Tol, agang aga laro agad? Baka ito na ang first at last day mo sa school." Sabi ko.

"OA! Bakit ba kasi?" Tanong ni Matt.

"Wala pa si Xyren. Intayin natin sa me gate." Sabi ko.

"Yun lang pala, Tol eh!" Akala ko sang-ayon si Nicko sa'kin tas dinugtungan pa. "Yun lang pala, inistorbo mo pa kami! Edi sana ikaw na lang!"

Edi binatukan ko. "Putsa, 'kala ko payag ka, hindi pala!"

"Eh kung hinahanap mo muna kung sang section ka!" Sabi ni Nicko habang hinihimas 'yung binatukan ko.

"Nahanap ko na. Tsaka, tanga ka? Sabay sabay kaya tayo! Lolokohin mo pa ko eh!" Sabi ko.

"Kala ko mauuto ka namin eh!" Paliwanag ni Matt.

"Eh ano na nga?! Sasamahan niyo ba 'ko o hindi?"

"Hindi!" Sabay sabi ng dalawa.

"Gagu kayo. Ano, wapakels na ke Tol?" Asar na ko.

"Naks, beki na si Tol. Maka-wapakels. Hahahahaha" hagalpakan ang dalawa.

Taina, sarap pag-untugin nung dalawa habang pinagmamasdan ko oh!

"Gege, tama na, Tol Nicko, baka maasar na eh." Sabi ni Mat kahit halatang nagpipigil ng tawa.

"De, ok lang. Parang first time niyo lang tumawa eh. Baka mausog pa kayo." Sabi ko at umalis na.

Wala naman akong mapapala sa mga hinayupak na 'yun!

"Ge, Tol, goodluck sa pagpunta sa gate!" Sigaw nila.

Mga mokong na 'yun talaga oh!

Pero masanay na kayo. Ganito talaga ang usapan at gawain namin. Para kaming sira.

Gangsta eh!!!

Andito na 'ko sa gate kaso wala pa rin si Xyren. Babaeng 'yun oh! First day of school late agad.

Hindi pa rin nagtetext. Ano na kayang nangyayari dun?

Maikli lang muna

-MhArDjZmallow [ 50 reads? ]

6 Broken Pieces of Heart : LOVE in a RIOT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon