Chapter 3

48 2 1
                                    

Xyren's POV

"NO!" mariing tanggi ko.

"But, Xyren, magandang alok 'to mula kay Ms. Torres." sabi ni Mama.

"Oh tapos? Wala akong pakealam. Hindi ako interesado sa mga ganyan." sabi ko.

"But, hija, ikaw ang perpekto sa proyektong 'to. Matangkad, sexy, natural complexion, tsaka 'yung beauty mo pang model talaga ang feature." sabi ni Ms. Torres.

Habang sinasabi niya 'yan. Nasusuka ako. Kailangan ba talagang idescribe ako? Ganyan talaga mga tao. 'Yung itsura lang ang pinagbabasehan. Pano kaya kung malaman nila totoong ugali ko? Tss, ewan ko lang. "Wala po 'kong pakialam. Kung gusto niyo eh si Mama na lang ang alokin niyo. Mukhang siya ang interesado eh."

"Pero, hija, ayaw mo bang makatulong sa Mama mo?"

"Ayoko po. Marami pa kaming pera. Si Daddy may trabaho naman. Kaya ayoko." tapos tumayo na 'ko at hinalikan sa noo si Mama. "Aalis na 'ko. Atsaka Ma, sa susunod 'wag na natin 'tong pag-usapan at mabibigo lang kayo. Tsaka, male late na 'ko oh! First day of school pa naman." sabi ko at tuluyan ng umalis.

 Nag-abang ako ng masasakyan. Nakaalis na agad si Papa kaya hindi pwede ang kotse. Kasi hindi naman ako marunong mag-drive.

Kaya nung may dumaang jeep, sumakay na agad ako.

Hindi sana ako mababadtrip kung hindi na naman nangyari 'yung kanina.

Parati na lang ganito ang nangyayari sa tuwing dadating 'yung mga katulad ni Ms. Torres na mag-aalok (o sabihin na nating mamimilit) na gawin akong model nila sa magazines o runway.

Nakakabusit na! Hindi ako ganung babae. Ayoko sa mga exposure. 'Yung tipong maglalakad o magpopose ka na kokonti 'yung damit na suot mo. O kaya balot na balot ka nga, ang weirdo naman ng damit. Tss. Tsaka, naiinis ako kay Mama kasi gusto niyang gawin ko 'yun. Pinagkakanulo 'ata ako neto eh.

Pero sa totoo lang. Hindi ko naman sure kung habang buhay tatanggihan ko 'yung ganung alok. Bata pa naman ako, at marami pang pwedeng mangyari sa pagdaan ng mga araw na pwedeng magpabago ng isip ko. Pero sa ngayon, kuntento muna 'ko sa ganitong sistema. May tropa pa naman ako na talaga namang nag-eenjoy ako kapag kasama ko.

 "Para na!" sabi ko at inabot na ang bayad.

Ok. Pasukan na naman. Kung ako lang masusunod 'di na talaga ako papasok. Nakakatamad! Pero ayos na rin, masaya namang gumawa ng mga kalokohan kasama ang tropa.

 "Xyren!" may tumawag sa'kin. At paglingon ko si Tol Khale pala! (Sa totoo lang, nababaduyan ako sa tawagan naming 'to pero ewan ko ba, nakasanayan na nain ng 'di namin namamalayan.

"Oh, Tol, bakit andito ka sa gate? Sino pang hinihintay mo." tanong ko.

"Malamang ikaw. Sina Matt at Nicko andun na sa loob. Buti hindi ka nalate."  sabi niya habang naglalakad na kami.

"Badtrip kasi sa bahay eh. Si Mama.." sabi ko.

"Ah, tungkol na naman sa model model! Eh bakit nga kasi ayaw mong pumayag nang makita ko ang sexy mong, witwiw, katawan!" sinuntok ko siya sa braso.

"Walanghiya ka talaga, Khale, walang paglagyan 'yang kalibugan mo!"  sabi ko. Pero wala na sa'min 'yun. Biruan lang 'yun. Mga gunggong kasama ko eh! Nagiging understanding lang ako!

Gwapo naman 'tong si Khale. Kung walang mga hikaw 'to sa kilay, kaliwang tenga, sa may baba ng bibig at sa dila, at kung maayos manamit na 'di pang astig, maamo tingnan eh. Eh kaso HINDI! At malabong mangyari.

"Xyren, dito tayo sa Section 3- C! Kasama natin sina Nicko at Matt." massayang masayang sabi niya.

"Tangna, Khale, 'di nga? Nagdedayream ka na naman eh!" sabi ko. 'Di talaga ako makapaniwala eh. Nung 1st at 2nd year, class E at F kami tas ngayon, C?! Himala!

"Xyren, 'di ako nagbibiro. Tsaka masyado mo namang inaunder-- under de saya ang sarili natin."

"Bobo mo talaga, Khale, underestimate 'yun." pagtatama ko.

"Pareho na rin 'yun basta may under! Tara na pumasok, hayaan na natin 'yung dalawa pang eng eng." sabi niya tas hinila na 'ko sa may kamay.

At sa 'di na namang malaman na dahilan, sa pangilang million na, may naramdaman na naman ako. Parang kuryente?

--- mhardjzmallow (50 reads?)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

6 Broken Pieces of Heart : LOVE in a RIOT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon