Charlotte's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko! Iniisip lahat ng mga naganap ngayong araw!
At sa tuwing maalala ko yung katotohanang may girlfriend na nga si Richard... Kumikirot ang puso ko!
Nagseselos nga ba talaga ako?
Pero, baket naman ako magseselos?
Magpinsan kame, kaya anong pagseselosan ko?
Pero, bakit ganito na lang kasakit ang puso ko sa tuwing maaalala na may girlfriend na sya!
So, nagseselos nga ako! Nagseselos ako kase, nasanay ako na nasa akin ang atensyon nya! Tama! Tama! Isang selfishness lang ang nararamdaman ko!
Kaya pumunta ako sa may bintana ng kwarto ko, para makalanghap ng sariwang hangin!
Nang mapatingin ako sa ibaba... Kung saan nasa harap ng gate nitong mansyon na kinaroroonan ko, si Richard at yung girlfriend nya!
Kitang kita ko kung paano sya hinalikan sa pisngi nung babae!
'Di ko alam pero, mas lalong bumigat yung nararamdaman ko! Mas lalong nanikip ang dibdib ko...
At 'di ko namalayang... Tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko, habang nakadungaw sa bintana at nakatingin sa malayo!
"Lottey!" rinig kong tawag nya sa akin
Bakit naman nya ako tatawagin? 'Di ba nandun sya sa baba kasama yung girlfriend nya?
"Lottey!" muli nyang tawag sa akin
Nag-iilusyon lang siguro ako! Hindi pwedeng nandito sya... kasi kasama nya nga yung girlfriend nya 'di ba?
Kaya pinahid ko yung mga tumutulong luha sa aking pisngi!
"Lottey! Umiiyak ka ba? Sinong may gawa?" muli nyang wika sabay hawak sa wrist ko kaya napaharap ako sa kanya
Shomay... Nandito nga talaga sya!
Anong gagawin ko?
Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa kanya kaya ako umiiyak!
============================
Richard's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lottey!
Nakailang beses na akong tawag sa kanya... Pero, di pa rin nya ako pinapansin!
Nang marinig ko ang hikbi nya saka may parang pinunasan sa pisngi nya!
Nga pala nakatalikod sya sa akin! Pero, alam kong uniiyak sya...
Kaya lumapit ako sa kanya...
"Lottey! Umiiyak ka ba? Sinong may gawa?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang hinihila sya paharap sa akin
Kase, mamaya may nanakit na naman sa kanya eh! Mabubugbog ko talaga kung sino man yung nanakit dito kay Lottey!
Umiling lang sya... Bilang tugon sa tanong ko... Alam kong mabigat ang nararamdaman nito... Hindi 'to iiyak kung hindi! Kilalang-kilala ko na sya... 18 years ko na syang nakasama!
Kaya niyakap ko na lang sya! Para ma-comfort sya... Alam kong hindi magsasalita ito kapag walang lambing ng isang kuya!
"Chard! Bitawan mo ako!" wika nya
Dahil makulit ako... Hindi ko sya binitawan!
"May g-girlfriend ka na di ba? Siya na lang yakapin mo!" sabe nya
Alam ko na... Nagseselos sya! Ngayon lang kasi nya ako nakitang may kasamang ibang babae na hindi pa nya nakikilala...
"Ssssh! Hindi ko sya girlfriend okey!" pang-aalo ko sa kanya
BINABASA MO ANG
My Dear Cousin
RandomMy dear cousin... Magpinsan sila, but not biologically na magpinsan sila, I mean, basta ang alam nila magpinsan sila biologically! So, ang story pong ito ay simply naglalaman ng kahalagahan ng magpinsan... But, also, the love can exist pa rin naman!