Chapter 9

2 0 0
                                    

Charlotte's POV

Gulong-gulo ako sa mga nalaman ko! Ngunit wala nang rason upang manatili pa ako rito! Tutal mukhang alam naman ata ni Tita Alexa ang lahat, siguro sa kanya na lang ako hihingi ng tulong!

Kaya agad kong hinanap ang calling card ni Tita Alexa... I texted her na if pwede kaming magkita sa labas ng subdivision nila Auntie...

Gumawa ako ng sulat ng pamamaalam at pasasalamat!

Lubos na akong nahihiya sa kanila, kaya hindi ko na masabi ng personal pagkat alam kong pipigilan nila akong umalis!

Sinamantala ko ang pagkakataong umalis ng bahay, habang sila ay nasa kani-kanilang kwarto! Ang tanging dala ko lamang ay ang aking damit, at school things... Iniwan ko yung mga mamahaling ibinigay nila sa akin... Hindi naman ako abusada...

Nagkita kami ni Tita Alexa... 

"Bakit dala mo ang mga gamit mo? May nangyari ba?" taranta n'yang tanong sa akin

"Mamaya ko na lamang po ikwento, pero kakapalan ko na po ang mukha ko kung maaari po ba akong pansamantalang makituloy sa inyo?" tanong ko sa kanya

"Sure, halika na rito sa kotse," wika nya pagbukas nya ng pinto ng passenger's seat

----------------------------------------------------------

Richard's POV

Hindi maprocess ng utak ko yung mga rebelasyong nalaman ko! Hindi ko pala talaga pinsan si Lottey!

Kaya pala may ganito akong nararamdaman para sa kanya!

Kaso nga lang... Hindi ko alam kung paano namin sasabihin ang lahat kay Lottey! For sure mahihiya at tatanggi yun!

Ang isang way na lang siguro para mag-stay sya rito ay ang pakasalan ko sya! Para hindi na nya maramdamang hindi sya belong!

Mahal ko si Lottey... Noon pa habang lumalaki kaming magkasama! Akala ko pagmamahal lang sa isang pinsan yung nararamdaman ko... Kaso hindi pala... Pag-ibig na pala yun.. dahil hindi man alam ng isipan kong hindi kami magkadugo pero ang puso ko alam nya pala yun!

Ngunit paano ko sasabihin kay Lottey? At paano namin ipaliliwanag sa nakararami?

Pero, ano't anuman ang mangyare... Ilalaban ko si Lottey!

For sure umiiyak yun sa kwarto n'ya dahil ampanget ng scene na inabutan kami ni mama kanina!

Nandito na ako sa tapat ng kwarto n'ya... Nakasarado yung pinto kaya kumatok muna ako...

"Lottey... Si Chard 'to okey na... Naipaliwanag ko na kay Mama," sabi ko habang kinakatok yung pinto

Ngunit walang sumasagot... Sinubukan kong pihitin ang doorknob... Umikot ito...

Bukas naman pala... Kaya binuksan ko na ng tuluyan ang pinto... Ngunit walang Lottey ang bumungad sa akin...

Baka naman nasa CR?

Pumunta ako sa may tapat ng pinto ng CR ni Lottey... Ngunit wala akong marinig na may tao sa loob... Kumatok ako sa pinto... Ngunit walang sumagot!

Kinakabahan na ako...

Pinihit ko ang doorknob ng CR ni Lottey... Kaso wala ring tao!

Lalong lumakas ang kaba ko... Saan naman kaya nagpunta yon?

Baka nasa baba?

Kaya naman nagmadali akong lumabas ng kwarto ni Lottey...

"Ma, nakita nyo si Lottey?" Tanong ko kila mama pagkababa ko

"Hindi eh... Wala ba sa kwarto?" Tanong nya sa akin pabalik

"Wala po eh," tugon ko

Saan kaya nagpunta yon?

"Saan naman magpupunta yon? Nagpapaalam naman yon kapag lalabas s'ya," wika ni Mama

Nagpunta ako sa mga kwarto ng kapatid ko para magtanong kung nakita ba nila si Lottey... Kaso hindi raw nila nakita...

Nag-aalala na ako para sa kanya!

"Ma, alis po muna ako... Hanapin ko po baka nandon yon kila Jillian," pagpapaalam ko

"Oo nga... Yon lang din naman ang pinakang close niyang kaibigan," Sang-ayon ni Mama sa naisip ko "Ingat ka, Chard," wika ni Mama

Kaya naman tuluyan na akong lumabas ng bahay.

***

Pagkarating ko sa bahay nila Jillian... Nagkataon namang palabas siya ng gate nila...

"Kuya Richard?" Takhang tanong niya nung makita ako

"Nandiyan ba si Lottey?" Tanong ko sa kanya

"Wala kuya eh..." Tipid niyang sagot

"Ganun? Saan kaya nagpunta yun?" Tanong ko sa sarili ko na sapat lang para marinig ni Jillian

"Bakit kuya? Wala po ba sa inyo si Charl?" Nag-aalalang tanong niya

"Wala eh... Hindi namin makita eh... Kaya nagbakasakali akong baka nandito sa inyo," sagot ko

"Tawagan mo kaya kuya? Kasi wala naman kaming usapan ni Charl na may gagawin kami," wika ni Jillian

Oo nga noh! Bakit hindi ko naisipang gamitin ang cellphone ko para tawagan si Lottey?

Massyado akong kinain ng sistema ko kakahanap kay Lottey!

Kaya naman agad kong ni-dial ang cellphone number ni Lottey...

*Ring... Ring... Ring...

The number you have dialed is either unattended or in uncoverage area

Wika ng operator!

Hindi maganda ang kutob ko...

Nasan ka na ba kasi Lottey?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dear CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon