Chapter 8.

7 1 0
                                    

Sylvia's POV

Alam ko namang matagal nang mayroong nararamdaman ang dalawang yun para sa isa't isa...

Bakit hindi nila muna kami kinonsulta bago maging sila 'di ba?

Papayag naman kami! Wala namang kaso sa amin dahil alam naming lahat na hindi talaga sila magpinsan...

Ang alam nila eh magpinsan talaga sila!

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ng asawa ko!

"O bakit parang aligaga ka dyan?" tanong ng asawa ko pagpasok ko ng pinto

"Nakakainis kasi yung bunso mo!" reklamo ko sa kanya

"Oh ano na namang ginawa nung bunso mo?" tanong nya sa akin pabalik

"Sila na ni Lott," nagtatampo kong Sabi

"Oh eh di yun naman talaga ang nakikita natin sa kanila?" Sabi nya sa akin pabalik

Tama naman sya pero 'di ba dapat konsultahin muna nila kami?

"Pero dapat nagpaalam muna sila sa atin 'di ba?" wika ko pabalik sa kanya

"Sabagay tama ka!" pag-sang-ayon nya sa akin

----------------------------------------------------------

Richard's POV

Pagkaalis ko sa kwarto ni Lottey... Agad kong tinungo ang kwarto nila Mama...

Ang ipinagtataka ko, bakit 'di ko ramdam na galit talaga si Mama? Bakit parang tampo lang yung emosyong ipinapakita nya?

Ang weird 'di ba? Expected ko kasi papagalitan at sesermonan nya kami ni Lottey!

Pero bakit sya nagwalk-out lang?

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto nila Mama...

Saktong narinig kong Sabi ni mama na...

"Sila na ni Lott," nagtatampong wika ni mama ni wala man lang halong galit sa amin ni Lottey

"Oh eh di yun naman talaga ang nakikita natin sa kanila?" Sabi naman ni papa

Hah? Ano raw?

Ineexpect na nila na magiging kami talaga ni Lottey?

Bakit? Paano?

'Di ba magpinsan kami ni Lottey?

"Pero dapat nagpaalam muna sila sa atin 'di ba?" sagot naman ni mama

Bakit parang payag sila?

Bakit parang okey lang sa kanila na may mamagitan sa amin ni Lottey?

"Sabagay tama ka!" pag-sang-ayon ni papa sa winika ni mama

Ang daming nabubuong tanong sa isipan ko!

Kaya minabuti kong buksan na ang pinto ng 'di man lang kumakatok!

Gulat ang reaksyong namamayani sa mga mukha nila!

Hindi siguro nila inaaasahang makikita nila ako!

"Mama, Papa may hindi po ba kayo sinasabi sa akin?" gulong-gulo na tanong ko sa kanila

Nakatingin lang sila sa akin!

"Bakit parang hindi kayo galit na mayroong namamagitan sa amin ni Lottey? Bakit parang okey lang sa inyo at ineexpect nyo pa talaga?" sunod-sunod na tanong ko

"Narinig mo yung usapan namin?" mahinahong wika ni papa habang bakas mo ang pagka-intense ni Mama

Tumango ako bilang tugon...

My Dear CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon