Chapter 23

5K 286 33
                                    

AN: Ay, may isa pa pala akong nasulat dito na hindi pa naman konektado sa ABD. Medyo matatagalan pa kasi don dahil bukod sa busy si Author P, may sakit pa sya, so hintay-hintay na lamang. Sa ngayon, nakatuon muna ako dun sa patayan ko na story. 😪

======================================

YANA'S POV:

"What are you doing here?" oh yes. I don't like wasting time kaya kinabukasan agad, nandito ako sa bahay nila Aerin para simulan ko na yung misyon ko.

I smiled at her. Nandito ako ngayon sa kwarto nya dahil dito ako pinaderecho ni Clarence. Medyo nagtaka sya nung una pero when I told her na pinapunta ako dito ng kapatid ko, nagsmile na rin sya at sinabi sa akin kung nasaan yung kwarto nitong si Aerin.

"I brought you sweets and gamot na rin for hangover." nakangiting sabi ko pa sa kanya.

This is not so me and kay Sofia ko lang voluntarily ginawa 'to. Pero I need Aerin. Kailangan ko sya at matutulungan nya ako para makapag-usap kami ni Kat ko.

She raised her brow and crossed her arms.

"What's the catch?" hmmm. I'm beginning to
like her. In fairness sa kanya, mabilis syang maka-gets ha.

"Why would you even think na may kapalit 'to?" I innocently asked her. Syempre, hindi muna dapat ako umamin diba?

"Alyana Lopez, tingin mo ba, hindi nagkukwento sa akin si Sofia tungkol sa'yo? Wala naman syang nasabi na may ganyang side ka. Well, sa kanya lang siguro dahil sabi mo nga kagabi, mahal mo sya. And I hope na hindi mo ginagawa 'to dahil may gusto ka sa akin dahil wala kang pag-asa." sabi pa nya sabay kuha nung gamot at tubig sa kamay ko at dali-dali nya itong ininom.

I snorted. She's so full of herself, no?

"Trust me Aerin, you're not my type. At sa'yo na rin nanggaling na may mahal na ako diba?" naiiling na natatawang sabi ko pa sa kanya.

"Nagsisigurado lang." she shrugged sabay kuha naman nung cupcakes and cookies na dala ko. "These are good. Saan mo binili?" tanong pa nya matapos isubo yung isang buong cupcake. Kidding. Kumagat lang sya. Ang baboy naman nya if ever isang buo talaga yung kinain nya diba?

"Klarisse's." kumunot naman yung noo nya.

"May bakeshop sila Klarisse pero yan, sya mismo yung nagbake para sa'yo. Para daw gumaling agad yung hangover mo." nakasmile ma sabi ko sa kanya.

She nodded at pagkatapos ay inubos na yung isang cupcake.

"She's good. Tell her that next time, caramel bar naman yung i-bake nya for me. Yun kasi yung favorite ko." nakasmile na sabi pa nya. "So balik tayo sa topic kanina. Bakit umagang-umaga pa lang, nandito ka na. What do you want from me?" kunwari naman akong nasaktan sa sinabi nya. She shook her head.

"Alyana Lopez, you're not a very good actress. Ako pa rin yung the best pagdating sa aktingan." napasimangot naman sya dahil sa sinabi nya. Yan, yun kasi yung puno't-dulo ng lahat.

"At wala akong planong talunin ka. Pero fine, panalo ka. May kailangan ako sa'yo kaya ako nandito." she smiled triumphantly.

"I'm always right." sabi pa nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "And don't even think of bringing up yung nangyari sa amin ni Olivia. Alam kong mali ako don." sabi pa nya kaya itinaas ko yung mga kamay ko.

P.S. Don't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon