Chapter 15

4.6K 272 39
                                    

AN: Sharan! Pinas scene na. Nandito na naman si Klarisse. Hahaha.

Btw, thanks to @neraowsum sa bagong cover ng story na 'to.

Enjoy! :)

===============================

YANA'S POV:

"Ano nga ulit yung bibilhin mo, Ineng? Cookies ba o muffins o yung paborito mong brownies?" kung itatanong nyo, yes, nandito na ako sa Pinas, at isa pang yes, nandito ako sa bakeshop nila Klarisse.

Isang linggo na rin after nung umuwi ako dito. Matapos kasi yung eksena namin si Sofia, sinigurado ko na hindi kami magkakasalubong or magkukrus yung landas namin. Yung sa subject ko na classmate ko sya, pinasa ko lang yung last project nung prof tapos hindi na ako pumasok.

May mga times na palihim ko syang pinagmamasdan kapag namimiss ko sya pero umaalis din ako agad dahil nakikita ko pa rin yung sakit sa mga mata nya.

Naguguilty ako dahil lagi ko syang nakikitang malungkot. Ilang beses ko din gustong sapakin si Xander dahil umaaligid na naman sya kay Sofia pero naisip ko, wala na akong karapatan. Ako yung nagdesisyon ng ganito. Masakit, pero ako yung pumili nito.

So yun nga, after ng graduation, nagdecide agad akong umuwi dito and after one week ng pakikipagtalo sa sarili ko, eto ako ngayon, sa loob ng bakeshop ng pamilya ng tatay ko.

Ang totoo nyan, nandito ako everyday. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin kayang sabihin sa asawa ng tatay ko na anak ako ng asawa nya. Siguro dahil hindi ko alam kung ano yung gagawin nya sa akin. Kung itataboy na ako or susumbatan na isa ako sa dahilan kung bakit nasira yung pamilya nila. Mas gusto ko sana kung kay Klarisse ko sasabihin. At least diba, sya, kadugo ko. Wala syang magagawa kundi tanggapin ako. Kapatid nya ako. At isa pa, hindi ko naman talaga ipipilit na tanggapin nila ako kung saka-sakali. Gusto ko lang malaman kung papa'no magkaroon ng isang kapatid o kung tatanggapin ako ng asawa ng tatay ko, isang nanay na gagabay sa'yo at magpapakita ng totoong pagmamahal na kahit minsan, hindi ko naranasan.

"Brownies and apple iced tea." sagot ko na lang sa kanya. Yeah, wala talaga akong lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoo. Bahala na, bahala na si Batman.

Ngumiti naman sya at tumango. Inabot ko naman yung bayad ko after nyang iabot yung order ko.

"Hindi mo na kailangang magbayad." nakangiting sabi nya matapos nyang tanggihan yung bayad ko. Ha? Bakit? Nagpapalugi na ba sila? Libre 'to?

"Why?" takang tanong ko naman sa kanya. Buti na lang at walang masyadong customers ngayon kaya walang nakakarinig sa pinag-uusapan namin.

"Malaki ka na pala. Nung huli kitang nakita, halos nasa high school ka pa lang ah. Nung una, hindi kita nakilala dahil mas lalo kang gumanda pero nung pinagmasdan kitang mabuti, tama ako sa hinala ko na ikaw talaga yan, Alyana." nakangiting sabi pa nya kaya mas lalo akong na-shock. WTF?! Kilala nya ako? Papa'no?

Mas lalo naman syang napangiti nung makita nyang nanlalaki yung mga mata ko.

"Nung bata ka, dinala ka isang beses dito nung asawa ko at sinabi nga nya na anak ka nya sa ibang--I mean, sa Mama mo. Nung una, syempre, nagalit ako dahil niloko nya ako. Pero naisip ko naman na wala kang kasalanan kaya hindi ako nagalit sa'yo. Sa damuhong ama nyo lang ng Klarisse ko." natatawa at naiiling na sabi pa nya.

"Uhm--" shit, wala na naman akong maisip na sasabihin. Na-caught off-guard na naman ako. Bakit kasi hindi ko naisip na pwedeng may idea na sya about sa akin. Sa amin ng nanay ko.

"Kumain ka na lang muna don. Tamang-tama, 30 minutes na lang at magsasarado na ako dito. Hintayin mo na ako at nang makapag-usap tayo. Hindi ka naman siguro magpapabalik-balik dito ng ilang araw kung wala kang sasabihin." sabi pa nya at wala na akong nagawa kundi tumango na lang. The f*ck?! Seryoso ba 'tong nangyayaring 'to?!

P.S. Don't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon