Chapter 28

2.9K 226 17
                                    

AN: Pasensya na kung di masyadong makaupdate. Busy lang talaga. Pero sinusubukan ko naman. Enjoy. :)

YANA'S POV:

"So, young lady, pwede mo bang ipaliwanag sa amin yung nangyari kanina, at yung 'nangyari' sa inyong dalawa ng pangalawa ko?" oh wow. Nag-air quote pa talaga si Mr. President habang si Tita Mariella, ayun, nilalantakan yung ube cake na binili ko dun sa nadaanan kong bakeshop bago pumunta dito.

Pagkatapos nga kasi naming ihatid si Aerin dun sa rest house nila, pumunta na agad ako dito. Ayoko kasing mawitness yung kadramahan nung babaeng yon dahil lang isang 'asshole' yung ex kalandian nya.

Pagpasok ko nga ulit dito, sumilip-silip pa ako dahil baka biglang may bumaril na lang sa akin dahil nga sa pagsasabi ko kanina na pakakasalan ko si Aerin. Kung makikita nyo lang kasi yung galit sa mata ni Liv kanina, kahit kayo, matatakot para sa buhay nyo. Though, kasalanan din naman nya yon kapag ganun yung nangyari sa kanila. Kung sinubukan nyang ibaba yung pride nya at pinakinggan yung paliwanag ni Aerin, hindi sana sila ganito.

So, ayun nga. Habang sumisilip-silip ako, nakita ako ni Mr. President kaya niyaya nya ako dito sa may garden nila. And eto ako ngayon, nasa hot seat. Goodluck sa akin diba?

"Well Sir, first of all, I would like to apologize for eavesdropping and for interrupting your family meeting a while ago. I just couldn't bear the things that your eldest was telling Aerin that time. I was just trying to help. And I was right, pagpasok ko po, naramdaman ko agad na kailangan ni Aerin ng kakampi. Nakita ko po kung gaano s'ya nasaktan sa nangyayari," paliwanag ko sa kanila.

Tumango-tango naman mga ito sa akin. Thank God at naiintindihan nila.

"So yung naisip mong solusyon is sabihin sa panganay ko na papakasalan mo yung babaeng mahal na mahal nya, tama?" ako naman yung tumango.

"Gusto ko lang naman pong maisip ni Liv na s'ya po yung mawawalan kapag hinayaan nya pong masira silang dalawa. Alam naman po nating lahat na kahit naman po galit s'ya, mahal na mahal pa rin po nya si Aerin. Minsan lang talaga, iba yung tigas ng puso and ulo nung anak n'yo." naiiling na sabi ko pa kaya natawa naman sila pareho.

"Well, sa akin n'ya 'yon namana. And knowing our daughter, maiisip nya din kung ano yung dapat n'yang gawin. Kailangan lang nya talaga ng panahon." sabi naman ni Tita Mariella.

"Sana po, wag nyang masyadong tagalan dahil baka mapagod din po si Aerin. Kita ko po kasi kanina yung sakit sa mga mata nya hanggang nung makauwi kami. Pagdating na pagdating nga po namin kanina sa kanila, ayun, malungkot po na dumerecho sya dun sa kwarto nya." nakita ko naman yung pag-aalala sa mga mata nila kaya nagsalita ulit ako.

"Pero wag po kayong mag-alala. Kasama po nya yung kapatid ko and yung mga kaibigan namin don, and sigurado po akong hindi nila papabayaan si Aerin." Mukhang nakahinga naman sila pareho ng maluwag dahil sa sinabi ko.

"So, enough of Aerin and Skylar. Ngayon, gusto kong marinig yung version mo sa nangyari sa inyo ni Sofia. Ipinaliwanag sa akin ng Ate Yumi mo yung ibang detalye, pero mas gusto ko pa rin na marinig kung ano yung sasabihin mo." medyo sumeryoso yung mukha nilang dalawa kaya bigla akong napalunok. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Mas natatakot ako ngayon kesa nung time na nagkwento ako kay Klarisse.

Kinakabahang ngumiti ako sa kanila habang pinagpapawisan ng malamig. Grabe, ang lamig-lamig dito sa Tagaytay pero grabe yung pawis ko. Iba pala talaga kapag magulang na nung taong mahal mo yung pagpapaliwanagan mo no?

"We're waiting, Ms. Lopez. Gusto naming malaman kung ano yung nangyari sa inyo ng pangalawa ko at kinakailangan nya talagang umuwi dito para lang lumayo sa'yo." mas kinabahan ako sa tono ni Tito William. Bakit parang feeling ko, may PSG na biglang babaril sa akin kapag nalaman nila yung lahat-lahat?

P.S. Don't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon