Para sayo na Umaasa

16 0 0
                                    

Nasasabik,
Naghihintay,
Sa iyong pagsintang
Walang hanggan.

Araw-araw na tanaw
Inspirasyon ang bigay.
Mga ngiting binibigay
Saya'y walang humpay.

Nasasabik,
naghihintay,
Iyong bigkasin
Ako'y sinisinta rin.

Sa tuwing sisilayan
Ngiti'y di mapigilan
Halos mapatalon sa tuwa
Sabay sa talbog ng dibdib.

Nasasabik,
Naghihintay,
Damdami'y mapansin
Ng pusong hawak na ng
Iba.

Dibdib ay tinutusok.
Mga ngiting akala'y
Akin.
Ay para pala sa
Kanya.
Sa babaeng nasa likod ko
Na iyong sinta.

Nadudurog man,
Patuloy minasdan.
Babaeng iyong ninais
Mahirap pantayan.

Ano ba namang laban ko
Sa kutis na kay kinis,
At masaganang likod,
Samahan pa ng pang modelong tindig.

Ngunit,
Ako'y nasasabik
At naghihintay
Dahil iyong pinaramdam
Na ako'y may halaga rin.

Tunay ba ang lahat?
Lahat ng pinakita't sinabi.
O Isang laro lamang?
Isang libangan at laruan
At isang palabas lang
Para masabi mong ika'y gkainaman,

Ngayon,
Aking natutunan
Mundo'y mapaglaro
Kaya ang T.A.N.G.A mong puso
Ay iyong pangalagan.

HeartBeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon