"What?!" Inis na usal ni Glaze habang kinakalabit siya ni Walter.
"Pahingi ako niyan." Ani nito habang inginunguso nito ang hawak ni Glaze na Ferrero.
"Oh." Wika niya saka niya inabot kay Walter ang isang dosenang Ferrero. Tuwang-tuwa naman ang loko at agad niyang binuksan ang box nito saka siya kumuha ng isa at inabutan si Jiroh at Maeve.
Hindi na bago kay Glaze ang makatanggap ng bulaklak at chocolates. Minsan may nakikita na lang siya sa may locker niya minsan may maglalagay sa kanyang upuan.
"Ang sweet naman ng manliligaw mo at napakagalanti." Mapaklang ika ni Jiroh habang tinitignan nito ang bouquet ng tulips na nasa harapan nila.
"Sus ayos nga eh! May daily supply tayo ng chocolate." Bungisngis ni Maeve saka isinubo ang nabalatang hawak niyang ferrero. Medyo ok na rin ito matapos ng break up nila ng ex niyang gago 3 weeks ago.
Hindi naman pinansin ni Glaze ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya. Hindi kasi niya maiwasang isipin ang note na nakalagay sa bouquet.
"No. It can't be." Bulong niya sa sarili saka niya ipinilig ang kanyang ulo.
"Hey, you okay?" Tanong sakanya ni Jai. "You're spacing out."
"Yeah. Don't mind me." Sagot nito.
It's been two years since she last heard about that person. They lost communication but she never bother to reach out because for her it's not worth of her time anymore. She wondered if her sister knew that he's already here. Well she doesn't care anymore, it's none of her business anyway.
Mabilis lang na lumipas ang oras at natapos naa rin sa wakas ang kanilang klase. The four of them agreed to go out since sa school lang naman sila madalas magkakasama gusto rin nilang lumabas at kumain sa The Grumpy Joe to freshen up. They meet at the school's lobby saka sila sabay-sabay na nagtungo sa campus grounds. Naglalakad sila papunta sa kotse ni Jai ng bigla na lang may humila at yumakap kay Glaze.
"What the---"
"I miss you Glazey baby." Masayang wika nito. Isa lang naman ang kilala niyang tumatawag sakanya ng ganoon at walang iba kung hindi si Clay.
"Clay." She said at ngumiti naman ang lalaki sakanya saka siya inakbayan.
"Oh. Hi Maeve." Ani Clay saka kumaway.
"Whoa. Clay ikaw na yan? Kailan ka pa dumating galing States? Kasama mo kambal mo?" Sunod-sunod na tanong ni Maeve sakanya.
"Yep. Pogi ko ba?" Mayabang na ika nito at inirapn naman siya ni Maeve. "Kahapon lang and yes Glen is here." Wika niya saka itinuro ang papalapit na Glen sa kanila.
"How are you Glazier?" Tanong ni Glen ng makalapit ito sakanila. Glaze look at him coldly bago ito nagsalita.
"Fine." She said coldly.
"Blrrr. So cold." Singit naman ni Clay sa siyang ikinasama ng tingin ni Glaze.
"By the way. Glen, Clay. This is our friends Walter and Jiroh." Ani Maeve. Tumango naman ang mga ito sa isa't isa.
"What brought you here?" Glaze asked Clay.
"I want to see you." Nakangiting wika ni Clay.
"You already saw me so let go. May pupuntahan pa kami." Ani niya dahil hindi parin nito tinatanggal ang kamay nito na naka-akbay sa kanya.
"Oh. Sorry my bad." Ani nito. Nagpaalam naman sila Maeve sakanila.
"Glazier." Tawag ni Glen ng pasakay na siya sa loob ng kotse. Tumigil naman siya at tinignan ang lalaki. "Ahm. Nothing." Glen said saka ito nagbaba ng tingin at tuluyan naman ng pumasok si Glaze sa loob ng kotse.
"Hey, take care of my baby Glazey!" Pahabol ni Clay bago sila umalis.
"ANO ba Terry ang ingay mo manahimik ka nga buti sana kung nasa tono ka e!" Inis na wika ni Maeve kay Walter kanina pa kasi nito sinasabayan ang Invinsible na kanta ng Linkin Park.
"Whatever!" Sagot naman nito.
"By the way, matagal niyo na bang kilala yong mga yon?" Tanong ni Jai habang nagdradrive.
"Yup. Childhood friends." Sagot naman ni Maeve.
"That Glen seems familiar." Walter said. "Oh. I remember he's a football player right. Nakita ko na siya dati ng magkaroon ng match sa school namin."
Nakita naman ni Jai si Glaze mula sa rearview mirror na tahimik at blangko ang mukha habang naka headphone at nakatingin sa labas ng bintana. He knew something's up on her mind sa halos tatlong taon na kaibigan niya ang dalaga alam na niya kung may iniisip ito ang mahirap lang alamin ay kung anong emosyon ang meron ito ngayon. Glaze is really good in hinding her feelings and emotions. Tinignan ni Jai ng makahulugan si Maeve na agad namang nakuha nito.
"I'll tell you later." Maeve mouthed to him and he nods.
Limang minuto ang nakalipas bago dumating si Stacey. Tuwang-tuwa ito ng makita niya si Glen. Tumakbo ito saka dinamba ng yakap si Glen.
"I miss you so much babe." Ani Stacey saka niya hinalikan sa labi si Glen. Lumapit naman si Stacey sa nakasandal na Clay sa kotse saka niya binati ito at akmang yayakapin ito ngunit umiwas si Clay. Tumango lang ang lalaki sakanya saka pumasok sa loob ng kotse at nagsuot ng headphone.
Tila napahiya naman si Stacey sa ginawa ni Clay. "Ahm. What happened?" She asked.
"Don't mind him. Pagod lang yan." Sagot ni Glen saka niya iginiya sa may passenger seat ang dalaga.
Clay is a nice and jolly guy and he's the exact opposite of his twin brother. Kung titignan mas mature kumilos si Glen kaysa sa kanya at hindi rin sila magkamukhang dalawa. Clay got his features on their father while Glen got their mother's. Mas popular si Glen kaysa sa kanya sa school. Isa kasi itong varsity player samantalang siya ay isang nerdy type at ang madalas niyang kasama ay si Maeve at ang masungit na si Glaze noong hindi pa sila nag migrate sa States.
Napangiti siya ng maalala niya si Glaze. Dati madalas pa itong ngumiti at tumawa minsan ito pa nga ang nagjojoke but everything changed ng tumuntong na sila sa college. He still remembered how Glaze became cold and stoic. And now that he's back, he's going to bring back the Glaze that he knew.
BINABASA MO ANG
How to be Cold (Slow Update)
Teen FictionI'm Glazier Dinklage. Half-American, Half-Filipino and a certified cold hearted. If you're reading my blog now then it means that you're willing to learn the steps on becoming a cold hearted bitch/jerk.