VIII

1.3K 25 14
                                    

Naalipungatan si Mika at na-realize niyang nasa gym pa sila at ng tinignan niya si Jessey at napangiti lang ito. Masarap ang tulog nito na nasa kanyang balikat ang ulo. Tinignan naman niya ang oras napansin niyang medyo late na kaya tinext na lang niya sila Mela at sinabing sa dorm na lang nila niya papatulugin si Jessey dahil nga late na rin at mukhang pagod si Jessey. Dahil ayaw na rin niyang gisingin si Jessey sa masarap nitong pagkakatulog ay naisipan niyang buhatin na lamang ito. Tinext niya si Kim upang mag-antay sa may pinto ng dorm nila dahil baka hindi niya ito mabuksan dahil nga buhat niya si Jessey.

Unti-unti na ngang binuhat ni Mika si Jessey na bridal-style. Mabuti na lang at tila mahimbing talaga ang tulog nito kung kaya’t hindi nagising si Jessey. Hindi rin naman nahirapan si Mika sa pagbuhat dahil malapit lang naman ang dorm nila sa gym ng pinagpapracticean nila at magaan lang din naman si Jessey. Medyo nahiya nga lang si Mika dahil may mga kaunting taong nakakita sa kanila. Pagdating sa dorm ay nakita niya nga si Kim na nag-aantay.

KIM: Oh bakit dala mo si Jessey? *pagtataka nito*

MIKA: *pabulong* i’ll explain later, pabukas po muna Ate Kimmy nung door sa room para maihiga ko dun si Jessey.

KIM: Ok sige...

Nang maihiga na ni Mika si Jessey ay lumabas muna siya para magkausap sila ni Kim.

KIM: Oh, so bakit andito si Jessey. Lasing ba yan? Kaso di naman amoy alak. Imposibleng sasama kasi yan sa’yo eh, alam naman nating galit yan sa’yo.

MIKA: *natawa* Di po siya lasing. Saka nagkausap na kami kanina, we’re actually okay now. Ang sarap nga po sa pakiramdam eh.

KIM: *tinignan si Mika ng seryoso* Ano ibig sabihin niyan ha? Bakit kasama mo yan, alam ba yan nila Mela?

MIKA: Chill Ate Kim, alam ko yang iniisip mo. Masaya na ako na ok kami, para kay Daks. Alam mo naman na matagal ko ng gustong maging okay kami para kay Ara eh. Saka tinext ko na si Mela.

KIM: Siguraduhin mo lang ah...

MIKA: Oo naman! Saka hindi ko gagawin kay Ara yun noh. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

KIM: Sige, sabi mo eh. Basta sinasabi ko sa’yo ah, hinay-hinay lang baka mamaya di na mapigil yan.

MIKA: *naka-smile* Don’t worry Ate Kimmy, alam ko yun... O sige po tutulog na rin ako ah.

KIM: Oh sige... matulog ka na ah. Magpahinga ka na. Oo nga pala, nakausap ko na si coach. Balik ka na raw sa training. Pinaliwanagan ko kasi siya, sinabi ko yung dahilan kung bakit mo nga nagawa yun, eh ayun, naliwanagan naman. Mukha ngang susugurin pa yung sinuntok mo eh kasi nainis din dahil sa sinabi about Ara.

MIKA: *todo smile* Talaga po? Yahooooo!!!!

KIM: *natatawa* Oh sige na pahinga ka na...

MIKA: *niyakap si Kim* Thank you Ate Kimmy!!! Sorry sa mga nasabi ko noon ah.

KIM: Kalimutan mo na yun... At pwede tama na ang yakap, si Mela lang pwede yumakap sa akin ng matagal.

MIKA: *umalis sa pagyakap* Ang landi lang Ate Kim ah... Sige na po, good night!

Pumunta na nga sa kwarto si Mika. Kasalukuyan siyang nakahiga at nakatingin sa ceiling.

MIKA’s POV:

Daks, Ok na kami ni Jessey oh. Pwede na tayong lumabas tatlo ng walang nangyayaring gulo. Hehehe! Balik ka na Daks. Miss ka na namin. Masaya ako ngayon kasi ok na kami ni Jess, pero mas masaya kapag andito ka.

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon