XII

1.2K 36 14
                                    

Paglabas ni Mika ay hinanap niya si Jessey. Nakita niya ito na nakaupo sa isang bench nakayuko at tila umiiyak. Agad niya itong nilapitan at inakbayan. Nagulat naman si Jessey kung kaya’t agad nitong tinignan kung sino yun at nang makitang si Mika pala ang kanyang katabi ay agad itong yumakap dito at ipinatong ang ulo sa balikat ni Mika at patuloy na umiyak.

MIKA: Shhhh... tama na ang pag-iyak Jess...

JESSEY: *humihikbi-hikbi* I’m sorry. Di ko lang talaga mapigilan eh. Nasira ko pa yung gabi ni Jem. Imbis na dapat mag-celebrate, ito ako, gumawa ng eksena... Hay...

MIKA: Huwag mo ng isipin yun, naiintindihan ka naman ng mga friends natin eh.

JESSEY: Hay, baka nagsasawa na sila kakaintindi sa akin. I’m such a cry baby. Kainis!

MIKA: Ano ka ba, kilala mo sila, alam mong never silang magsasawa sa’yo. Saka andito naman ako, lagi kitang iintindihin kahit anong mangyari.

JESSEY: Thank you Mika ah. Akala ko kasi, kaya ko ng magpakasaya eh. Pero habang naiisip ko na andito ako masaya kasama kayo, andun si Ara, hindi pa rin okay. At hindi natin alam if magiging okay pa ba siya. Excited pa naman akong mapakita sa kanya na okay na tayo.

MIKA: *napangiti* Alam mo, alam ni Ara yun. Sure ako dun. Saka diba pinag-usapan na natin ‘to. Alam kong mahirap Jessey, kasi kahit ako nahihirapan eh pero hindi pwedeng huminto ang mundo nating dalawa after what happened to Ara, kasi for sure siya mismo eh babatukan tayo. Hehehe! You know her well, alam mo kung anong gusto niyang gawin natin. I’m not saying that we should forget her, coz in the first place hindi natin yun magagawa, ang tanging magagawa natin eh harapin ang bawat araw na may ngiti at may pag-asa. Harapin natin ang bawat umaga na may bitbit na tapang upang harapin kung ano mang darating sa ating buhay.

JESSEY: Paano mo nagagawa yan?

MIKA: *nagtataka* Ang alin?

JESSEY: Yan.. yung pagiging malakas at positive mo despite everything. I mean, aside from what happened to Ara, hindi rin naman ganun ka-ok yung sa family mo and yet ito ka, napaka-positve ng outlook mo.

MIKA: *medyo natawa* Hay Jessey, kung alam mo lang. Siguro right now I’m positive and strong pero may mga panahon pa rin na hindi ko napipigilan yung emotions ko. Lalo na after everything na nangyari sa family ko, specially with my dad. Tapos minsan kapag mag-isa ako, di ko maiwasang hindi pa rin sisihin ang sarili ko eh.

JESSEY: Mika... im sorry...

MIKA: No... no... don’t apologize, totoo naman eh. Pero alam ko naman, Ara is not blaming me kaya kahit papaano okay naman ako. Kapag sobra na lang talaga yung emotions na nararamdaman ko, yun lang talaga. Kaya minsan nasusuntok ko yung pader sa dorm, buti na nga lang matibay pagkakagawa dun eh. Hahaha!

JESSEY: *biglang hinawakan ang mga kamay ni Mika at sinuri ito* Kaya pala eh. Akala ko noon dahil lang sa training yun pala dahil sa pagsusuntok mo sa pader. Mika, please wag mo ng uulitin yun.

MIKA: *sumaludo pa* Yes Ma’am! Diba lahat naman ng sinasabi mo ginagawa ko. Hehehe!

JESSEY: Mika, I’m being serious...

MIKA: *napabuntong hininga* Okay...

JESSEY: *hinawakan ang mga pisngi ni Mika upang iharap sa kanya* Kapag mag-isa ka o kaya nakakaramdam ka nanaman ng matinding emotions, you call me okay. We’re a team. Hindi pwedeng ako na lang ang lagi mong tutulungan, syempre andito rin ako for you. So never, ever, hesitate to call me okay?

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon