XVIII

554 20 2
                                    

Nakarating na sa hospital sila Mika at Kim at nakita naman sila ni Mela agad.

MELA: Anong ginagawa mo dito ah? *nakatingin at nagagalit kay Mika*

MIKA: Mela... *napayuko*

KIM: My labs, hindi ngayon ang time para magalit ka kay Mika.

MELA: Bakit mo ba kasi siya sinama.

KIM: She cares for Jessey...

MELA: Cares for Jessey??? San banda? Coz the last time I check eh nilayuan na niya si Jessey at walang paki-elam dito. Hindi naman magkakaganyan yang si Jess if tinupad din ni Mika yung pangako niya kay Jessey. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto ko siyang damayan pero alam ko hindi ko naiintindihan yung pinagdaraanan niya dahil nga sa nangyari kay Ara. Tapos ikaw na nga lang yung natatanging tao na nakakaintindi sa kung anong nararamdaman niya pero ano, ha?

KIM: Mela... *pa-simpleng suway nito*

MELA: Pinagkatiwalaan ka ni Jessey, Mika. Pero anong ginawa mo ha? Pinabayaan mo siya! Nung simula pa lang na mag-inom-inom siya, alam mong she’s not okay, pero may ginawa ka ba? Wala... tapos malalaman ko nakikipaglandian ka lang pala! Ok lang naman sana na lumalandi ka eh, pero sana naman naging sensitive ka rin sa ibang tao. Tapos pupunta-punta ka dito tapos sasabihin mo sa akin, YOU CARE FOR JESSEY, what a BS!

KIM: Mela! Hindi ito ang tamang oras para diyan, alam mo yun.

MELA: *naiinis na nakatingin kay Mika* I swear, Mika, I really swear, kapag may nangyari kay Jessey, hinding-hindi kita mapapatawad.. *sabay iyak ng todo*

MIKA: Huwag kang mag-alala, kahit ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

KIM: *lumapit kay Mela at niyakap ito* Shhhh... wag kang magsabi ng ganyan...

MELA: Pero Kimmy... *umiiyak* Kung nakita mo ang nakita ko... Huhuhu!

KIM: Tahan na my labs, hindi yan ang kailangan ni Jessey ngayon, okay? Kailangan nating maging malakas for her. Ano ba kasing nangyari sa kanya?

MELA: Hindi ko alam eh, pero pagdating ko kasi, andun na lang siya sa floor tapos ang daming empty bottles ng alak. Parang sumuka pa nga siya eh, tapos nung tinatawag ko siya, she’s not responding. Kinabahan na ako tapos nilapitan ko siya at hinawakan ko siya sobrang pale na niya tapos nung tinignan ko sobrang bagal na lang nung pulso niya kaya tumawag ako ng ambulansya.

KIM: Tinawagan mo na ba yung parents niya.

MELA: I tried, pero walang sumasagot eh. Kahit nga yung dati nilang caretaker dun sa bahay nila tinry kong tawagan para humingi ng iba pang pwedeng contact number ng parents ni Jess pero wala ring naibigay eh. Nag-email na lang din ako kay tita. Saka nag-message ako sa kuya niya sa FB.

KIM: Hindi pa sumagot?

MELA: Wala pang sagot eh.

KIM: Hay..

MELA: Isa pa nga yan eh, feeling ko nakadagdag na rin yung pagka-miss niya sa family niya kaya sobrang lost ni Jessey. Sobrang busy ng family niya eh, andalang na lang niyang nakakausap eh.

KIM: *tumingin kay Mika* Ikaw ba? Baka may alam kang contacts ng parents ni Jessey?

MIKA: Wala eh...

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon