Kabanata 8

5 0 0
                                    

"Ate you should eat this po, para lumakas ka." Masiglang sinabi ni Zia at nilagay sa plato ko ang kalabasa.

Ngumiwi ako ngunit pinilit kong ngumiti. I'm not a vegetable eater. Hindi ko lang talaga gusto ang mga lasa nila. Inusog ko sa gilid ng pinggan ko ang ilang pirasong kalabasang nilagay niya. I don't want to offend her ngunit hindi ko talaga gusto ang gulay.

"You know what, Ate? I saw Kuya Adrian kanina before I went to my classroom. Pinapalibutan siya ng mga girls." Sumimangot siya at kumagat sa okra niya. Sarap na sarap siya sa ulam niyang puro gulay. "They don't respect your relationship."

"It's okay, Zia. We can't blame those girls. Gwapo si Adrian at malakas ang dating. Hindi mo mapipigilan ang mga nagkakagusto sa kanya." Sinabi ko.

"I know that, Ate. Pero kahit na gusto nila si Kuya Adrian, they should still respect you and your relationship. . . Tsaka bakit parang hindi ka naman nagseselos? Don't you love him?"

Muntik ko ng mailuwa ang kinakain ko sa kanyang tanong. Kinuha ko ang juice ko at sumimsim dito. Tiningnan ko ang inosenteng mukha ni Zia. "Zia, Adrian is just my boyfriend, hindi ko hawak ang buhay niya. And besides we're still young. Our relationship might end."

Binagsak niya ang kanyang kutsara at tinidor. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. "Are you saying that you might break up with him?" Malungkot ang kanyang tinig.

Bumuntong hininga ako at pinunasan ng tissue ang aking bibig. Bagsak ang kanyang mukha habang nakatingin sa kanyang platong wala ng laman. "I'm just saying that there's a possibility that our relationship won't last. Kasi nga mga bata pa kami. Hindi naman dahil kami ngayon, kami na habang buhay. Nagbabago ang mga tao, ang feelings. There's nothing permanent in this world and you have to accept it."

"I know." Mahina niyang wika. "Kung sana lang hindi na nagbabago ang mga tao. Or kung sana kaya mo na lang gawin ang lahat ng gusto mo." Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumiti siya. "Basta Ate promise me, that we will always eat together ha?"

Tumango ako. I really like how innocent and bubbly she is.

"Tapos ka na bang kumain?" Narinig ko ang boses ni Adrian sa gilid ko.

Nilingon ko siyang tamad na nakatayo habang nakapamulsa. Magulo ang kanyang buhok at blanko ang mukha.

"Kararating mo lang?" Gulat kong tanong.

"Hi Kuya Adrian!" Masayang bati ni Zia at kumaway pa.

Tiningnan siya ni Adrian. Tumaas ang kilay niya at kinuba ang tissue sa lamesa. "Punasan mo ang mukha mo, ang dungis mo." Aniya. Muli siyang lumingon sa akin. "Ano? Tapos ka na bang kumain?"

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko. "Hindi pa ako tapos." Sabi ko at muling nagpaikot ng pasta sa aking tinidor. Umalis siya sa gilid ko at pinanood ko siyang kuhaan ang isang estudyante ng upuan. Nanliit ang mga mata ko.

Binuhat niya ang bangko at nilagay yon sa gilid ko. Alam kong katulad ko, pinapanood din siya ng mga estudyante ngayon sa cafeteria. Naupo siya sa upuan at tumingin sa akin.

"Bilisan mong kumain." Utas niya.

Ngumuso ako at umirap. Imbes na sumubo ng pagkain ko ay hinarap ko siya. "Ang dami daming upuan, Mr. Silvestre. Hindi mo dapat kinuhaan ang gumagamit na niyan.

"Hassle pa pag naghanap pa ako. Dun na lang sa malapit, tutal makakahanap pa rin naman sila ng mauupuan." Balewala niyang sambit.

Sinulyapan ko si Zia na ngiting ngiting nakatingin sa amin. Umiling ako. Ano bang nakita ng babaeng to sa lalaking to? Ts. Dapat tinatanong ko rin yan sa sarili ko e.

Crashing To His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon