Kabanata 10

7 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ang magiging kilos ko sa harapan niya. I'm not the friendly type of person so I don't know how to talk to her without anything to say.

Kumagat siya sa kanyang clubhouse sandwich at muling pinasadahan ang malaki naming cafeteria. Napaka natural niya lang, at kung umasta siya parang close kami. Hindi ko alam ang mararamdaman.

"I missed this cafeteria." Aniya. "It's been a while since I've been here. Pero wala pa ring pinagbago, maganda pa rin. Kung pwede lang bumalik ng high school no?" Atsaka bumaling sakin.

"Ah. Oo." Mabilis kong sagot.

"Are you enjoying our school, Ally?" Tanong niya muli sa akin. Tango lang ang naisagot ko. Hindi talaga ako makapagsalita. I'm star strucked too. Napakaganda niya kasi.

"Why aren't you talking? Ayaw mo ba akong kausap?" Inosente niyang tanong.

Mabilis akong umiling. Inangat ko ang mga kamay ko at sinabayan nito ang pag-iling ko. "No... Hindi ganun." Lumunok ako at yumuko. "I don't know what to say."

"Oh. I see." Tumango tango siya. "So, I'll just ask tutal hindi ka nagsasalita."

Sumimsim ako sa aking juice. I cut my classes for today because of her.

"Do you really love my brother?"

Halos mabulunan ako sa naging tanong niya. Umubo ako at nilapag ang baso ko. I didn't expect that!

"Uh, I'm, uh..." Hindi ako makatingin. Should I tell a lie? Or what? Kinagat ko ang ibabang bahahgi ng labi ko. "I like him." Mahinang mahinang sambit ko.

"Like. Do you think that's enough for the two of you to be in a relationship? Just because you like each other?"

Muli akong umiling. I'll tell her the truth. Besides there's no sense in lying. Kapatid naman siya ni Adrian, so I guess she'll understand. Right?

"I like him, but he didn't like me." Paglilinaw ko. "We're uh, we're fake. Ginagawa lang namin to para maprotektahan ako, kasi nabubully ako dito sa school."

Tumango siya at muling kumagat sa kanyang sandwich. "Hindi ka ba natatakot na mainvolve sa mas malalang gulo if ever?"

"Gulo?" Napatanong ako. "Anong mas malalang gulo?"

"Nothing. You know maraming may gusto sa kapatid ko. Baka imbes na mabawasan ang mga nambubully sayo, madagdagan pa. His fans will hate you. That's what they do."

"Napag isip isip ko rin yan. Pero hindi ko pa alam ang mararamdaman ko." Saglit akong napangiti ng maalala kung gaano siya kaconsistent sa paghatid sundo sa akin. "I'm still enjoying his company."

"Enjoying huh? Sa una lang yan. Pag dumating na ang araw at nadamay ka na sa gulo, hindi na nakakaenjoy yun. Nakakawalang gana na yun."

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. "I still don't want to think about that."

Nagkibit balikat lang siya. "Kamusta naman ang trato sayo ng kapatid ko sayo? I'm sure he's not nice. His the worst."

"He's good. Tolerable."

Nagtaas siya ng kilay sakin at maya maya'y humalakhak. Tinikom ko ang bibig ko, gulat sa kanyang reaksyon. May nasabi ba akong masama?

"Now I can really tell you like him."

Tipid akong ngumiti. I really like him, yes. At iyon lang ang tanging totoo sa kung anong meron kami ngayon.

"Nagtataka lang ako e. Kasi alam mo ang kapatid ko hindi siya mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. He doesn't care even if there are people killing each other. As long as hindi mo siya papakialaman, hindi ka rin niya papakialaman. So, I wonder why is he helping you..." Tumingin pa siya sa itaas na para bang nag-iisip.

Crashing To His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon