Chapter 14: Nathan

628 7 1
                                    

Nathan's POV

 Finally nakita ko ulit siya, pero this time malapitan na. Yes, sinadya kong mabunggo niya ako, nakita ko kasi siyang nagmamadaling naglalakad papasok bitbit ang mga libro niya at dahil hindi ko alam ang gagawin ko kaya humarang nalang ako sa dinadaanan niya then ayun, nalaglag yung mga gamit niya. Alam kong hindi maganda yung ginawa ko pero anong magagawa ko? hindi ko alam kung paano ko siya makakausap kaya nagawa ko yun. Tinulungan ko siyang pulutin yung mga libro niya and to be honest, I love the way her eyes widen. Ewan ko kung bakit lumaki ng ganun yung mata niya pero ang cute niya nun, naalala ko yung first time na nakita ko siya sa mall

Flashback

  Nasa mall ako para hanapan ng regalo si Melissa. Birthday niya kasi that day at wala pa akong regalo. Oo kapatid ko si Melissa, half sister to be exact. Magkapatid kami sa ama. My father married her mother a year after nilang magdivorce ng mom ko, but that doesn't mean na kailangan kong kamuhian ang sino man sa kanila, A big NO dahil alam ko naman na in the first place na hindi talaga mahal nila mom at dad ang isa't isa. Biktima lang sila nang so called arranged marriage.

So ayun nga. Naghahanap ako nang regalo. Wala akong maisip na pwedeng iregalo sa kaniya kaya sapatos nalang. Pumunta ako sa isang shop at nakakita ng isang sapatos na tingin ko ay magugustuhan naman siguro ni Melissa. Tinanong ko yung saleslady kung meron pang mas maliit na size dahil masyadong malaki yung size na naka display

 "Miss meron ba kayong mas maliit sa size nito?" tanong ko sa saleslady

"Meron pa po sir, ano po bang size ang hinahanap niyo?" tanong niya

"Size 8" tipid kong sagot habang tumitingin pa ng iba sapatos

 "Sige sir, sandali lang po at ikukuha ko kayo" sabi ng saleslady saka naglakad papuntang stockroom

"Oh anak nakapili ka na ba?" rinig kong sabi nang isang babae kaya napatingin ako kung saan nanggaling yung boses

"Ayy butiki! Mommy naman nanggugulat!" nakita kong nagulat yung isang babae kaya napangiti ako, tumingin siya sakin kaya napaayos ako at tinanggal ang ngiti ko, ayaw ko siyang ma-offend at baka sabihin pinagtatawanan ko siya

Nakita kong bumulong siya sa mama niya saka nagpatiunang lumabas ng shop leaving her mom na nagtataka, tumingin sakin ang mama niya, nginitian ako saka sinundan ang anak niya palabas

End of Flashback

 At dun ko sya unang nakita, and I think, it was love at first sight. Simula nun sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko alam ang pangalan niya kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula, then dumating yung araw ng pasukan namin, I'm a 3rd year civil engineering student, kaka-park ko lang ng kotse ko ng makita ko ang babaeng nakapagpaibig sakin... nakita ko syang bumaba ng kotse nila at dumiretso papasok sa school.

Sinundan ko siya hanggang sa papasok, mukhang hinahanap nya yung room nya, lalapitan ko sana sya para tulungan kaso lumapit na siya sa isang babae at nagtanong, pinanuod ko lang sila hanggang sa magpakilala sila sa isat isa, dun ko nalaman ang pangalan nya... Kim... Kim Chiu.

simula nun ay palagi ko na siyang pinapanuod, palagi ko siyang binabantayan, naiinis ako pag nilalapitan siya ng kung sino man lalo na ni Xian... alam kong may binabalak siya kay kim base sa mga kilos niya, may posibilidad na masaktan si kim sa kanya sa oras na paibigin niya si kim. knowing xian, babaero siya at hindi marunong magseryoso sa babae, kagaya ng ginawa niya kay melissa, pinaasa niya ang kapatid ko, na nalaman ko nalang na pinagpustahan lang pala nila, I wanted to punch that jerk's face that day pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ano pa ba ang magagawa ko? hindi mababago ng suntok ko ang pananaw niya bilang isang playboy, kaya ayaw kong mangyari kay kim ang nangyari sa kapatid ko, gagawa na ako ng paraan para maunahan ang xian na yan bago pa niya saktan si kim.

 I will make her fall for me and I will never break her heart, hindi ko hihintayin na masaktan siya bago ko siya saluhin dahil pwede namang mahalin ko nalang siya at hindi na siya masaktan pa.

At ngayon ko sisimulan iyon I may sound like a antagonist trying to steal the protagonist’s maiden but I’m not, yet, I’m the prince who’s going to save the princess from falling for a wrong prince.

--------------

☆ミ ☆彡Edited: April 08 2014 ☆ミ ☆彡

✘♥✘♥

-Jie ♡

I Fall In Love with You (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon