Chapter 10: The News

1.8K 27 9
                                    

Kim's POV

Hindi ko na pinasukan ang next subject ko at umuwi nalang sa bahay, sinabi naman ni maja na siya nalang daw bahalang mag sabi ng excuse sa professor ko na hindi ko pinasukan. Mabuti nalang at pag-uwi ko ay wala pa ang parents ko dahil ayokong makita nila ang hitsura kong mugtong-mugto ang mata kakaiyak

Nandito ako sa kwarto ko ngayon, naga-advance reading sa mga lectures ko, sinusubukan kong kalimutan ang masamang pangyayari sa araw na ito, hindi ko talaga lubusang maisip na ang unang araw ko sa pagpasok ay ang unang araw ng kahihiyan na natanggap ko, dahil ni minsan hindi ako pinahiya ng kahit sinong tao tapos ang isang melissa montenegro lang ang gagawa sa akin nang ganun? Hindi ako papayag na hindi din maka-ganti sa kanya, kung gaganti siya sakin eh di mag-gantihan kami dahil hindi ako ipinanganak para pahiyain at hindi lumaban. 

Maya-maya ay narinig ko na ang pagbusina nang kotse nila papa, inayos ko ang gamit ko saka humiga sa kama at nagkunwaring tulog dahil kung haharapin ko sila ngayon, paniguradong mapapansin nilang umiyak ako, hanggang sa narinig ko ang pagkatok ni mommy sa kwarto, hindi ko iyon pinansin at nanatiling nagtutulog-tulugan. Narini kong bumukas ang pinto at ang paglakad ni mommy palapit sakin, saka ko naramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko

"Napagod ka siguro, sabi sakin ni Yaya gilda maaga ka daw umuwi dahil masakit ang ulo mo" narinig kong sabi ni mommy habang ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko, narinig ko siyang bumuntung-hinginga bago nagsalita muli "Magpagaling ka anak" sabi pa niya saka humalik sa noo ko saka tumayo, narinig ko nalanga ng pagsara ng pintuan.

Dumilat ako at umupo mula sa pagkakahiga "Hay kim bakit mo ba iniiyakan ang isang gaya ni Melissa? she doesn't deserve your tears, nagsisimula palang siya kaya dapat lumaban ka para sa huli, hindi ka matatalo" sabi ko sa sarili. 

Xian's POV

8:20 palang nasa school na ako, magpa-practice kasi kami ng basketball. Nasa gym kami ngayon kasama sila Matteo Kian at  Erick ng may biglang sinabi si matteo

"Bro have you heard the news?" tanong ni matteo saka tumingin sakin at nag dribble ng bola

"What news?" naguguluhang taong ko saka ko inagawa sa kanya ang bola

"Pinahiya kahapon ni Melissa si Kim" sabi naman ni Erick saka kinuha sakin ang bola saka shi-noot iyon sa court

"What!?" gulat kong tanong sa kanila "Anong nangyari?" tanong ko pa

"Hindi daw kasi sinasadyang natapunan ni Kim si Melissa ng soda sa damit niya, You know Melissa, maliit na bagay pinapalaki" sabi naman ni kian saka pinass sakin yung bola

"then anong ginawa niya?" tanong ko saka nagdrible sabay shoot

"Sinigawan niya, sabi ilang beses na daw nagsorry si kim but she keep on shouting on her kahit na nakikita na niyang umiiyak si kim" nagulat naman ako sa sinabi ni matteo, umiyak si kim?

"tapos? tinulungan niyo?" tanong ko pa

"Of course, hindi naman kami ganun kasama para hindi siya tulungan" sabi ni Kian

"You should have called me para ako na ang nagligtas sa kanya at ma-fall na siya sakin at manalo ako sa pustahan" sabi ko saka inagaw sakin ni Erick ang bola

"G*go ka ba xian? hindi ka na naawa kay kim, paano kaya kung sa kapatid mo gawin iyon? hindi ka magalit?" tanong sakin ni Erick

"Paano ako magagalit kung kahapon palang nasampolan na siya ni Amethyst" sabi ko

"What do you mean?" Tanong ni Kian

"Sinagot sagot siya ni Amethyst kahapon sa parking lot, ipinamukha na hinding hindi na niya ako mababalikan" kuwento ko sa kanila

"So that explains kung bakit ang init agad nang ulo ni Melissa kahapon at sakto naman si Kim at napagbuntungan niya nang galit at inis niya" si matteo saka bumalik sa bench at nagpunas nang pawis at ganun din ang ginawa namin

"pero you will not believe na si kim ang kauna-unahang babaeng sumagot kay melissa, maliban sa kapatid mo na madalas namang makaaway nun" sabi ni matteo

"Really?" sabi ko

"Yeah, Infact mukhang napahiya pa si Melissa sa sinabi ni kim" sabi ni Kian saka uminom ng tubig

"Sinabi niyang wala siyang karapatan na mamahiya nang tao at napakasama ng ugali niya. at ang pinakamalupit na sinabi niya ay 'Hindi mo ikakaganda yan at mas lalong hindi mo ikauunlad yan'" sabi ni Erick

"Mukhang matapang siya bro" dugtong pa nito Niligpit ko ang gamit ko saka naglakad palayo at nagshower saglit saka nagbihis.

"Bro san ka pupunta?" rinig kong sigaw ni matteo

"Basta!" sagot ko saka tumakbo. Hmmm matapang? I like that, Challenging though

Melissa's POV

Bored na bored akong nakikinig sa klase ngayon habang tinitingnan nang masama si Amethyst na nasa tabi ko pa, bakit kasi sa dinami dami ng apelidong meron sa mundo, naging magkasunod pa ang first letter ng surname namin, kaya kahit ayaw ko, napilitan akong maupo sa tabi niya dahil utos ng professor namin like 'what the hell?!' collage na kami, sa elementary at highschool lang uso ang alphabetical order sitting arrangement!

"Isa pang tingin sakin melissa and I assure you, mabubutas ng coloured pens ko ang contact lens mo" Banta niya sakin habang nagda-drawing ng mga dress sa sketch pad niya

"As if naman na kaya mong gawin yan, akala ko ba ayaw mong madikitan ni dulo nang kuko mo ang katawan ko" sabi ko naman raising my eyebrow

"Ano bang sabi ko? diba coloured pens? saka mata mo ang tinutukoy ko ngayon dear, hindi katawan. Bingi na nga tanga pa tsk tsk" sabi niya pa sakin

"Arghhh!! I hate you to death Amethyst!" sigaw ko sa kanya

"Don't worry dear Melissa, The feeling is so mutual" sabi niya nang nakangiti habang nilalaro ang coloured pens niya.

"Arghh!" nasabi ko nalang saka padabog na lumipat nang upuan

Xian's POV

Tumakbo ako palabas nang gym para hanapin si kim, wala lang. para tanungin siya kung okay lang siya, syempre kailangan kong palabasin na worried ako sa kanya para madali siyang ma-fall sakin, in that case, mas madali ko siyang mapapasagot pag niligawan ko siya. Ang galing mo xian! ang tinik tinik mo talaga!

Kung saan-saan na ako naghanap pero hindi ko siya makita, to the point na hindi ko na pinansin yung magandang chix kanina na gustong magpa-date sakin, tsk! Hanggang sa mapadaan ako sa likod ng Business Management building kung saan nakita ko siya, sa ilalim nang puno. Tatawagin ko sana siya nang mapansin kong tulog pala siya, lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi nito, tiningnan ko yung mukha niya, mukha siyang anghel na natutulog, napaka-amo at inosente nang mukha niya. Hindi ko napigilang haplusin iyon na naging dahilan nang pagkagising niya

"Xi-xian? anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong saka ko agad tinanggal ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya

"Ah Ano- ano kasi" Sh*t xian bakit ka nauutal?! umayos ka!

"Ha?" tanong niya

"Ano, itatanong ko lang kung okay ka lang ba? nabalitaan ko kasi yung ginawa sayo ni Melissa kahapon, kahit kelan talaga iyong babaeng yun, napaka-warfreak" sabi ko

"Okay lang naman, hindi naman niya ako sinaktan. pinahiya lang" mapait niyang sabi saka nilagay sa bag niya ang mga gamit niya "Sige Xi, alis na ako, ibabalik ko pa kasi itong libro sa library" tukoy niya sa librong nakatulugan niyang basahin

"Gusto mo samahan kita?" pagaalok ko sa kanya

"Naku hindi na, magkikita naman kami ni maja sa library, thank you nalang. Sige bye" sabi niya nang aktong aalis na siya ay hinawakan ko ang braso niya saka itinanong ang gustong gusto ko talagang itanong sa kanya.

"Kim iniiwasan mo ba ako?"

------------

☆ミ ☆彡Edited: March 31 2014 ☆ミ ☆彡

✘♥✘♥

-Jie ♡

I Fall In Love with You (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon