Chapter 4 : Xian and Amethyst first day of school

2K 30 8
                                    

3rd person's POV

Lunes na ng umaga ng sa bahay ng mga Lim, Nasa hapagkainan na ang magasawang Rina at Marco ng bumaba ang anak nilang si Amethyst, nakabihis na ito at bihis palang niya ay halata na 'she really is Into fashion industry' 

''Wow Amethyst! you look fabulous! I like it'' Puri ni Rina sa kaisa isang anak na babae ''Halika umupo ka na dito at kumain ka na ng breakfast'' yaya nito sa anak saka nilagyan ng bacon and sunny side up egg ang plato nito      

''Thanks mom! Kanino pa ba ako magmamana?'' nakangiting sabi ni Amethyst saka umupo sa tabi ng mommy nya "That's enough mom, thanks" sabi pa niya 

''Amethyst asan ang ang kakambal mo? diba first day niyo ngayon bakit hindi pa siya bumababa dito?'' Tanong ni Marco sa anak sa ibinaba ang diyaryo na binabasa at uminom ng kape

''Naku dad natutulog parin ang magaling kong kakambal, kanina ko pa nga ginigising yun pero ayaw parin niyang bumangon sa higaan niya mukang may hangover pa ata yun, anong oras na umuwi kagabi, tapos lasing pa tsk tsk, malapit na nga po kaming malate eh'' parang nagsusumbong na sabi ni amethyst sa kanyang ama ''wait lang gisingin ko ulit'' sabi ni Amethyst, tatayo na sana siya ng pigilan siya ng daddy Marco niya

''Ako na Amethyst, ako na ang gigising sa kakambal mo, kumain ka nalang diyan ng breakfast mo, sumusobra na iyang si xian eh'' sabi ni Marco saka uminom muna ng kape bago tumayo at umakayat papunta sa kwarto ni Xian

'Hay nako Xian, sumusobra ka na talaga, hindi ko na alam kung anong gagawin sayo' sabi ni Marco sa sarili niya

"Xian?... Xian gumising ka na diyan" pagkatok ni Marco sa kwarto ng anak ngunit walang sagot

''xian! xian bumangon ka na diyan!'' sabi ni marco habang kinakatok ang kwarto ni xian, kinuha niya ang spare key at binuksan ang kwarto nito

"Alexander Xian! Wala ka bang balak bumangon diyan?!" galit na sabi ni Marco pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ng anak niya

''Dad ang aga aga pa para mangising, saka ang sakit pa ng ulo ko '' naalimpungatang sabi ni xian sa ama sabay hawak sa kanyang ulo na medyo masakit pa dahil sa hangover niya kagabi 

"Xian for pete sake bumangon ka na diyan at mag-ayos ng sarili mo! anong oras na, malelate na kayo ni Amethyst! Ano ba kasing pumasok diyan sa kokote mo nagpakalasing ka? alam mo namang may pasok pa kayo ng kapatid mo!" sermon ni Marco sa anak ngunit nanatiling pa ding nakahiga si xian at walang imik

"Pag hindi ka bumangon diyan xian, Icu-cut ko lahat ng credit cards mo at hindi ko na ipapagamit sayo ang lamborghini mo! don't make me do that xian" nagtitimping sabi ni marco na nakapagpabangon ng anak niya

"Fine! fine! mag-aayos na, just don't cut my credit cards and take my lamborghini away" sabi ni xian saka bumangon at nag-ayos

"I'll talk to you later before you go to school I want your answer kung bakit ka uminom kagabi!" sabi ni Marco saka tiningnan ang anak niya

''yes dad'' sabi ni xian saka tumayo at dumiretso ng banyo para maligo 

Lumabas si Xian ng banyo at nagsuot ng white V-neck shirt na pinatungan ng black leather jacket, white skinny jeans at black combat shoes, sinuot din niya ang black leather gloves niya, nagsuot ng shades saka kinuha ang bag niya at bumaba

-----

XIAN's POV 

Ang aga-aga ginising ako ni dad dahil malelate na daw kami ng kakambal ko, ang sakit pa naman ng ulo ko hanggang ngayon, uminom kasi kami kagabi ng kabarkada ko dahil inenjoy namin kagabi ang last day ng vacation namin. kaya mamaya sesermonan nanaman niya ako, kailangan daw niyang malaman kung bakit ako naglasing kagabi.

I Fall In Love with You (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon