CLS - III

878 25 1
                                    

Napangiti ako ng mapait ng maalala lahat ng nangyari noon....

“Ang dami ng nagawa pala sa akin talaga ni Ginger. Oras na para turuan ito ng leksyon!”

Lakas loob na lumapit ako kay Dylan.  After TEN LONG YEARS, ngayon ko lang ulit siya makakausap.

“Baka matunaw si Luya sa katitingin mo!”

Gulat itong napalingon sa akin. Gosh! Lalo yatang naging guwapo si Dylan ngayon. Mas masculine na itong tignan at hindi na mukhang totoy.

“Mikaela? ………And Luya – do you mean Ginger?”

Mikaela? Asan na yung Miki? Nakalimutan na rin pala nito iyon.

“Ako nga…Oo si Luya – Si Ginger!”

“Don’t call her like that. And what are you doing here?”

“Kumakain ako dun (sabay turo sa table ko)  tapos nakita kita. Hindi na kasi ako makatiis eh.”

“Makatiis saan?”

“Sa iyo! Iyang katitingin mo kay Ginger! Bakit andito ka at pinapanood lang siya?!”

“Why, is there a problem with it?”

Susme! Tanga nga talaga itong si Dylan!

“YES! Andaming problema. Tanong ko nga. Mahal mo ba si Ginger?”

“Hey, why are you asking that?”

“Just answer it okay!”

Natigilan ito at muling nilingon si Ginger na masaya pa ring nakikipagflirt sa iba. Tapos sumagot ito habang tinitignan si Ginger. “Yes….”

May kumurot sa puso ko ng marinig iyon. Aishhh! It’s not the time for that.

“Okay… Clear na yan ha. Mahal mo siya. Eto naman next question, alam ba niyang mahal mo siya?”

“What are you really pointing out?” naguguluhan nitong tanong.

“I’m asking because I might have the answers to your problems.”

“Aren’t you being quite hilarious? You are trying to solve my problems but you can’t solve yours?”

Naapakunot-noo ako sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin? Pakiexplain nga please? What do I have that I can’t solve huh?”

The Chocnut Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon