CLS - V

845 23 4
                                    

Bumalik kami ni Dylan sa building ng BRIGHT. Iniwan ko na yung  maleta ko sa kotse.

Nang makapasok kami, napadaan kami sa reception area. Syempre andun si supladitang receptionist.

Ubod ng tamis ang ngiting binati nito si Dylan. “Good morning Sir.” Saka ito nagpacute.

“Good morning…” matipid na sagot ni Dylan.

Hindi ko maiwasang umepal! Mwahahaha!

“Good morning…” Masaya ko ding bati sa receptionist.

Gulat na napatingin sa akin si suplada. Pagkatapos ay nagpabalik-balik tingin nito kay Dylan at sa akin. Lumapit ako kay Dylan at humawak sa braso nito.

“Good morning Ma’am…” mahinang sabi nung receptionist.

Mwahahaahah! Kita niyo, tinawag na akong Ma’am for the first time.

Nang makarating kami sa elevator ni Dylan, bumitiw na ako sa pagkakahawak sa braso nito. Kami lang tao dun dahil para kay Dylan lang yata talaga ang elevator na yun.

Pinindot ni Dylan ang top floor at natatawang tumingin sa akin.

“I know what you did there Miki. You are still the same.”

“Paano ba naman kasi. Pinagsupladahan ako nun kanina. Kakainis!”

“You need to hold your temper when you will act as my girlfriend.”

Hindi ako nakasagot dahil bumukas na elevator. BInati kami ng secretary ni Dylan. Akala ko sexy at bata pa secretary nito. Nagkamali ako dun dahil matanda na secretary nito.

“Welcome back Sir.”

“Ms. Amy, please bring me some coffee inside.” Bumaling sa akin si Dylan. “What would you like to have?”

“An orange juice please.”

“Okay po Sir.” Sagot nung secretary.

Pumasok na kami ni Dylan sa office nito. At wow! Pang- CEO talaga office nito. Lahat din ng andun mukhang mamahalin. Yung carpet pa nga lang, ang lambot-lambot ng apakan. Tapos nung umupo ako sa sofa, ang lambot dun. Mas masarap pa yatang higaan yun kaysa upuan. Very neat din yung table ni Dylan. Maayos na nasa lamesa mga papers na kailangan nitong basahin.

Umupo si Dylan sa upuan nito. Pagkatapos ay tinuro nito ang upuan na nasa harap ng table. Umalis ako sa pagkakaupo sa sofa at lumipat doon.

“So….” Umpisa ni Dylan.

“So? What?” naguguluhang tanong ko.

“Explain your plan on how to get Ginger attention and run after me.”

Mahal talaga siguro nito si Ginger ano? Ganun na lang ito kadesperado kasi.

“First, we need to have a story to tell. Katulad ng kung paano tayo nagkita ulit. Saan, etc. etc. Then please don’t tell Ginger about our relationship yet. Dapat hayaan natin itong makadiscover about our relationship.” Mas maganda dahil for sure mag-hyhysterical si Ginger kapag nalaman niyang kami na pala ni Dylan for a long time. And hindi man lang nito alam. Tulad na lang ng ginawa nito sa dati kong ex dati.  “To do that, we must go out a lot together. Mas maraming makakakita, mas maganda. For sure, iisa lang circle of friend niyo ni Ginger at may makakapagsabi din sa kanya tungkol sa atin.”

“Anong sasabihin natin kung paano tayo nagkita?”

“Well, we will tell her that we bump in the subdivision. Hindi naman malabo yun dahil nasa iisang subdivision tayo di ba?”

The Chocnut Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon