CLS - VII

779 25 2
                                    

Inaantok na inihiga ko ulo ko sa table. Bored na ako. Sabi ko na ba eh. I’m not fit to sit and work in a four cornered office room. Nilalagnat na yata ako dahil sa boredom.

Wala akong ginagawa kaya bored ako? Sa totoo lang, marami. Maraming pinapagawa si Dylan. Sabi ko nga Bossy ito di ba. Pero wala ako sa mood magtrabaho ngayon. Kung kailan ako magkakamood ewan ko rin. Namimiss  na kasi ng mga kamay ko mga brushes ko eh.

Tumingin ako kay Dylan na tutok na tutok sa ginagawa nito. Ang dami nitong binabasa at pinipirmahang mga papeles araw-araw. Hindi ba ito napapagod?

Bakit kaya ang guwapo pa rin ni Dylan kahit sobrang seryoso ngayon? Narinig ko ang pagkabog ng aking puso.

Nagulat ako ng biglang tumingin sa akin si Dylan. Agad kong binawi ang tingin at tumingin sa ibang direksyon. Obvious ka Ela gurl!

At mas bumilis pintig ng puso ko sa nangyari.

Nagpalipas ako ng ilang minuto pagkatapos ay dahan-dahang tumingin ulit kay Dylan.

Syete lang! Pagtingin ko, nakatingin din pala ito sa akin!

Feeling ko naghahabulan na kung ano man yung nasa puso ko dahil sa sobrang bilis ng pintig nun.

 Waaaaaaa! Kung matagal na itong nakatingin, nahuli niya siguro akong dahan-dahan na tumingin dito.

Ganito na din lang pala eh di lakasan na lang ng loob!

“Bakit mo ako tinitignan?” agad kong tanong dito. Pag nahuli, eh di baliktarin. Mwahahahaha!

Kunot-noong tumayo ito at naglakad patungo sa akin.

Hala! Bakit ito lumalapit? Anong gagawin nito?

Lalong narattle naman ulit puso ko. Syemays talaga oh.

“A-anong gagawin mo?!”medyo kinakabahang tanong ko dito.

Hindi ito umiimik at kinuha nito kamay ko. Pagkatapos ay binuksan nito iyon at may nilagay. Agad din nitong sinara mga palad ko at muli itong nagtungo sa table nito at nagtrabaho ulit.

Nagtatakang tinignan ko ang nakaclose na palad. Anong nilagay nito dun? Pinakarimdaman ko iyon. Pa-rectangle shape nun at medyo matigas pero hindi iyong gaanong matigas. Hindi ko mahulaan kung ano iyon kaya dahan-dahan kong binuksan palad ko.

Susme!

It’s a CHOCNUT!

The Chocnut Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon