CLS - IX

819 24 1
                                    

Right after ng incident na iyon, naglabas kaagad ng Memo si Dylan about the change of the company’s uniform. Ginawa nitong slacks na lang uniform ng girls. Marami nagtaka kung anong nangyari at pinalitan uniform ng company. Pero hindi na rin masyadong naging issue yun dahil mas maganda talaga yung pinalit na bagong uniform para sa lahat – mapababae man o lalaki.

Isang linggo na lang at darating na si Ginger from Paris. Wala pa rin itong kaalam-alam sa mga nangyayari. Siguro nga wala itong friends dahil kung meron eh di sana may nagbalita na about sa amin kay Ginger. But since wala, wala nga siguro itong friends. Sabagay, baka kasi inahas din ni Ginger lahat ng friends nito.

I’m still on the office right now. Kasama siyempre si Dylan. Pareho kaming tutok sa trabahong ginagawa. Nagulat kaming dalawa ni Dylan ng biglang bumukas na lang ang pintuan at niluwa nun si Ginger.

Diretso kaagad ito kay Dylan at hinalikan ito sa labi. “I’m back Dylan…. I miss you…”

Nagselos kaagad ako sa ginawa nito. MIKAELA! Wala kang karapatang magselos!

Nagulat yata si Dylan sa ginawa ni Ginger at hindi na ito makapagsalita.

Syet ka Dylan! Hindi ka pa puwedeng umamin kay Ginger. Sisirain mo plano natin niyan eh.

“Ehem….” Tumikhim ako para naman malaman ng dalawa na andun ako.

Napatingin sa akin si Ginger.

“ELA?! What are you doing here???” nanlaki ang mga matang tanong nito sa akin. Hindi yata ito makapaniwalang makikita ako dun.

“I’m working here as Dylan’s secretary….” Sagot ko naman.

“Oh…..” tumatango-tangong sabi nito. “I didn’t know about that. Why didn’t you tell me Dylan?” nagmamaktol na tanong nito kay Dylan.

Hindi malaman ni Dylan gagawin nito. Parang anumang oras ay sasabihin na nito kay Ginger ang totoo. Pute*k ka Dylan wag kang umamin, okay! Palihim kong pinandilatan si Dylan.

“I-I’ve been very busy Ginger… And I don’t know na kailangan ko palang sabihin about that.”

“Whatever!” sagot naman ni Ginger. “At least andito na ulit tayong tatlo….. Let’s go out Dylan.” Aya nito kay Dylan.

Naramdaman ko ulit na mukhang papayag si Dylan sa aya ni Ginger. Ano ka ba naman Dylan! Dumating lang si Ginger nakalimutan mo na mga sinabi ko noon na kailangang tumanggi kay Ginger. Gravityyyyy lang!

“I don’t think Dylan can do that.” Malamig kong sabi.

“Why?” taas kilay na tanong ni Ginger sa akin. “Dylan always go out with me…. Right Dylan?”

Tumingin sa akin si Dylan pagkatapos ay kay Ginger.

“Dylan….” Sabi ulit ni Ginger pagkatapos ay hinalikan ulit ni Ginger sa labi si Dylan. “Let’s go out now…”

ARGHHHHHHH! Nakadalawang halik na si Ginger ah! >__<

Si Dylan naman parang naengkanto na. Mas nainis tuloy ako lalo!

“I said, Dylan can no longer do that Ginger…”

“Tell me the reason then….” Naghahamong tanong ni Ginger.

“Well, because Dylan here….” Agad kong hinablot si Dylan from Ginger. “………. Is my boyfriend.”

“W-what???”

Ayts! Nakakatawa lang itsura ni Ginger talaga. Para itong batang inagawan ng kendi sa itsura nito.

“He is my boyfriend.” Ulit ko.

“I-IS THAT TRUE DYLAN?” galit nitong tanong kay Dylan.

“Er….” Hindi makasagot si Dylan sa tinanong ni Ginger.

Punyemes talaga! Wala akong choice kundi gisingin itong si Dylan at ipaaalala dito ang usapan nila.

Hinawakan ko ulo ni Dylan at agad itong hinalikan sa labi. Hindi ako marunong humalik kaya naglapat lang mga labi namin. Nagulat na lang ako ng after ilang segundo, gumalaw mga labi ni Dylan. This time ito na ang humahalik sa akin. Napapikit ako sa ginawa nito at nadala sa mga halik nito. Mygolly talaga! This is my first kiss!!!! And I’m getting my first lesson from Dylan. He kisses me passionately and he guides me what to do. Sa bawat halik ni Dylan, sumasagot din ako. I think I’m a good student. Lol!

“SO IT’S TRUE!” sigaw ni Ginger.

Agad kaming naghiwalay ni Dylan dahil kay Ginger. Ohmy! Nakalimutan kong andun nga pala si Ginger. I wonder how long Dylan and I kissed?

“Dylan, you just have to answer my question with yes or no. You don’t have to kiss her in front of me just to answer it!” Galit pa na sabi ni Ginger kay Dylan. “How the hell na naging kayo? Tell me Dylan, inakit ka ba ni Ela? Tell me?” hysterical na yata ito.

Nagulat din yata si Dylan sa reaksyon ni Ginger. Parang ngayon lang nito nakita ang violent side ng babae.

“I met her a long time ago. And NO – Miki didn’t seduce me. We clicked. And boom! Last thing we know, we love each other already. It’s not questionable since we’ve known each other since we are toddlers.”

“NOOOOOOOO! This can’t be happening.” Mangiyak-ngiyak ng sabi ni Ginger. Pagkatapos ay nagwalk-out ito at umalis na ng office.

Naiwan kami ni Dylan  sa loob.

“Miki, why did you kiss me?”

Awkward! Bakit kailangan pa nitong tanungin iyon?

“Because dumating lang si Ginger nakalimutan mo na yung iba kong sinabi sa iyo. I told you to deny any of her request. Pero kanina mukhang papayag ka na. Sayang lang lahat ng effort natin kung sakali. And see, I did the right thing. Ginger feels threathened now that she knows you are no longer available.”

“….Thanks about that…. I was really going to say yes a while ago…”

Bumalik ako sa table ko at sinimulan ng magtrabaho. Bumalik na din si  Dylan sa table nito at nagtrabaho na rin. Pero hindi pa umiinit puwet ko sa upuan ng bigla itong magsalita.

“Miki….” Tawag nito sa akin.

Tumingin ako sa direksyon ni Dylan.

“Yes?” nagtatakang tanong ko.

“Am I your first kiss?” he asked while smiling to me.

I felt my whole face blush because of what he said.

Busted!

The Chocnut Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon