Ang Muling Pagkikita

250 7 5
                                    

Ako nga pala si Cassidy, at mas kilala sa palayaw ko na Cassie, Freshman student sa sikat na Unibersidad dito sa Lungsod ng Maynila, at Psychology ang kursong kinuha at napili ko..

Sa School…

First day ko ngayon sa school Masaya na kabado at excited ako kasi may makikilala na naman akong bagong mga kaibigan bagong lugar basta happy ako, at dahil nga sikat ito na Unibersidad madaming estudyante, abala ang lahat sa paghahanap sa kanya kanyang room nila para sa susunod na subject na papasukan nila at isa na ako doon, masasabi ko talagang parang isang lata ng sardinas ang hall way dahil sa sikip. Halo-halong boses ang mariring mo, may mga magtropa na naghahabulan, nagkukulitan, nagbabatukan, may mga magbestfriends na nagtatawanan ang iba umiiyak. Nakipagsiksikan ako para lang mahanap ang room na hinahanap ko at nagtanong-tanong ako sa mga higher level student kung saan nga ba ang room na hinahanap ko.. at sa wakas nahanap ko na talaga ang assigned room ko para sa first subject ko.. pagpasok na pagpasok ko talaga sa room may narinig kagad akong pamilyar na boses na sumisigaw ng..

“Miss Cassidy dela Vega Welcome to University of Santo Tomas!!! Ting ning ning ning ning ning ning ning ning ning!” Sigaw ni Echo at nagpaputok ng confetti

Nahiya naman ako dahil sa pagsisigaw nya, nainis ako kaya inirapan ko na lang sya, arrrgghhhh! Grabe kailan kaya ako titigilan nitong mokong nato mula highschool ganyan na sya, at sa daming Unibersidad na pwede nyang pag pilian eh ang Unibersidad pa talaga na pinapasukan ko.. kakainis!!!

“Cassie! dito ka umupo sa tabi ko” Mungkahi ni Echo

“pwede ba Echo tantanan moko!” Galit kong sabi sa kanya

“ang sungit naman ni Cassie baby ko!” Paglalambing nya

“anong baby!? Pwede ba Echo wag mong sirain ang araw ko!”

Galit na galit na talaga ako pero ayaw nya paring tumigil

“eto nga pala oh! (inabot nya sakin ang bouquet ng bulaklak na alam kong mamahalin talaga) binili ko yan para sayo kasi alam kong susundan mo talaga ako dito sa Unibersidad nato.. kaya eto oh.. hehehehe!”

Arrrghhhh!! Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin… di ko na sya pinansin, tinalikuran at umupo sa ibang upuan

“ang sweet ng boy no??” narinig kong tsismisan ng mga babae sa likod

“oo nga eh.. ang gwapo pa nya.. ahihihi”

“eto naman si gurl pa choosy pa.. ang gwapo kaya nya.. ang swerte nya pa kasi binigyan sya ng bulaklak”

“onga eh kung ako siya hayyy.. tatanggapin ko talaga yan!! Ilalagay ko pa sa ref para lang ma preserve.. yiee hart hart!”

Di ko na pinansin yung mga tsismisan ng mga babae sa likuran ko..

“Hi Miss” Boses na narinig ko

Tiningnan ko kung saan galing ang boses, pero takte!! Si Echo pala.. oo nga pala ang galing nga nya palang mag imitate ng ibang boses

“Echo!! pwede ba!!” pagmamaktol ko at tinulak ko sya

“Okay baby.. mamaya nalang.. hehehe!” Boses nyang naglalambing

Arrrgghhh! Nakakabadtrip talaga tong mokong nato!!

Natapos na ang first subject ko at my vacant akong 1 hour para sa next subject ko.. pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain pero occupied na lahat ang table sa canteen kaya lumipat ako sa bench na may table na malapit lang din sa canteen, inalapag ko sa mesa ang mga pagkain na binili ko ng may biglang tumakip sa mga mata ko..

“sino to??” Galit kong sabi

Pero walang sumagot

“pwede ba!!! I have no time for jokes!”

Nasayang na Pag-ibig sa Huling Pagkakataon (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon