Sino nga ba si Mr. John “Echo” Ramirez sa buhay ko? Sya yung crush na crush ko simula elementary hanggang 3rd year high school, oo nagustuhan ko sya dahil sa mabait na, matalino na, gwapo pa at higit sa lahat matulungin at maalalahanin sa kapwa sino ba naman ang di magkakagusto nyan? Eh halos lahat ng babae at bakla sa school namin eh pangarap na maging boyfriend sya eh, naging magbestfriends kami simula nung grade 5, sya na palagi kong kasabay tuwing uwian, ang taga pagtanggol sa akin basta inaaway ako ng mga kalaro ko, ang taong mataas ang pasensya lalo na pag nagtatampo ako, nung 1st year highschool kami doon ko nalaman na may gusto din pala sya sakin, kinikilig ako lalo na pag kinakantahan nya ako ng Lucky by Jason Mraz ang ganda ng boses nya, at naging kami nga masasabi ko talagang perfect ang relasyon namin dahil sa magandang communication, nagkikita araw-araw, nagkakatampuhan pero di talaga namin tatapusin ang araw ng hindi nagkakaayos at higit sa lahat napaka sweet ni Echo sa akin sa bawat araw na dumadaan, nawindang ako nung tinawag nya ako ng baby at simula non yan na ang naging tawagan namin pero best talaga ang unang tawagan namin, 2nd year highschool na kami at going strong pa rin ang relasyon namin, pero totoo nga na good times goes so fast lahat ay nagbago simula nong nalaman ko ang masamang balita na buntis si Cheska at si Echo ang ama, parang gusto ko ng tapusin ang buhay ko sa mga panahon na yun, sobrang nasaktan ako, pero di ako nawalan ng pag-asa kasi mahal ko talaga si Echo, pero sya na mismo ang nagsabi na di na nya ako mahal at kailangan na naming bumitiw sa isat isa, di ko lubos maisip na ang mga katagang iyon ay lumabas mismo sa bibig ni Echo, bakit ganun isang araw lang nagising sya sa katotohanang di na nya ako mahal? Pero sa totoo lang nung 3rd yr hanggang nag 4th year kami halos araw-araw nagsosorry si Echo dahil sa nangyari at halos araw-araw pinapakita nya sa akin na nagsisi na sya ginawa nya sakin, at gusto nyang pakinggan ko ang explanation nya, pero gusto ko mang pakinggan pero alam kong di na ito importante. Ang sakit, halos gabi gabi ako umiiyak di na halos kumakain. halos dalawang taon ko na syang di nakikita at di ko pa rin sya nakakalimutan at ngayon ay nagbalik sya sa buhay ko, sa dalawang taon na di naming pagkikita wala ni isang araw na di ko sya iniisip at ang kalagayan nya at hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin sya pero sa tuwing nakikita ko ang mukha nya bumabalik lahat ang masasamang bangungot sa nakaraan ko, sa tuwing naririnig ko ang boses nya natatakot akong masaktan ulit, siguro mapapatawad ko pa sya pag nakahiganti na ako sa lahat ng kagaguhan na ginawa nya.
Kinabukasan..
di ako nakapasok gawa ng mataas na mataas ang lagnat ko, nasa kwarto lang ako buong araw, walang magawa.. hayyy
mag aalas singko na ng hapon ng biglang pumasok si mommy sa kwarto at sinabing may bisita daw ako, tinanong ko sya kung sino pero di nya sinabi sakin.. tas biglang..
May streamer na ang nakalagay ay “Get well soon! Cassie!” At may lalaking pumasok sa kwarto ko na may dalang malaking balloon na hugis heart na nakatakip sa mukha nya at bigla syang “BWA!” na tila pinapatawa ako pero pinigilan ko lang yung tawa ko, pero sa loob loob ko natatawa na talaga ako.
Inirapan ko sya at biglang sumigaw ng “bat ka ng dito!?!? Umalis ka!”
“kakarating ko lang baby ha! Papaalisin mo kagad ako? Di mo man lang ba ako namiss?” Pagpapakyut nya
Gustong gusto ko ng tumawa pero pride pa rin ang nangibabaw sa akin..
“Pwede ba echo!!! Tigilan mo na ako!!!!!!!!”
“holo baby! Nakakatakot ka para kang dragon kulang nalang bumuga ka ng apoy eh.. hehehe! Pero sige aalis ako basta mangako ka na magpapagaling ka at papasok kana sa susunod na araw”
Di ako umimik..
“ayaw mong mangako? Hola sige dito talaga ako matutulog sa tabi mo! Yiiee gusto mo yata nuh? Pakipot ka lang baby ha!”

BINABASA MO ANG
Nasayang na Pag-ibig sa Huling Pagkakataon (Short Story)
RomanceIts been two years since the last time that she saw the man who ruined and broke her heart into pieces. And the two reunited. And She made a big mistake that turns into regrets. The Revenge that made her Regret~ (c) 2014