Ang Paghihiganti

153 5 0
                                    

Dumaan ang dalawang taon at nasa 4th year college na kami pareho ni Echo at magkaklase pa rin sa lahat ng subject..

Sa dalawang taon madami ang nangyari, si Echo nagtapat ulit sa nararamdaman nya at sinabing mahal na mahal nya pa rin ako pero di ko na pinansin ito kasi pride pa rin ang umaangat sa akin, ikaw ba babalikan mo pa rin ba yung taong minsan ka ng niloko? Syempre hindi diba? Pero habang tumatagal mas lalong nakikilala ko si Echo higit pa sa Echong nakilala ko noon, minsan nga eh nakokonsensya na ako kasi pinapahirapan ko sya lagi kumbaga naghihiganti na ako sa lahat ng mga ginawa nya sa akin, andon yung ipapagawa ko sa kanya lahat ang mga homeworks ko, pinaparesearch ang mga walang kwentang bagay at ipapaprint out gamit ang  pera sa sarili nyang bulsa, pinapalaba, pinapaluto, lahat ng gusto kong ipagawa sa kanya ginagawa nya palibhasa uto-uto akala nya naman mamapapatawad ko pa sya, pwes hinding hindi na! pero sa totoo lang ang sipag nya pala, pinapagalitan ko sya basta palpak ang trabaho nya, minumura pag may maliit na mali lahat ng bagay ginagawan ko ng mali, minsan nga di na sya nakakapasok dahil na oover fatigue at nilalagnat eh, pero wala akong pakialam kasi ginusto nya yun eh, sya naman tong namilit na gawin ang lahat ng gusto kong ipagawa kaya duh! Go lang ng go sa pagpapahirap! Minsan pinapahiya ko sya sa school, nilalagyan ko ng bubble gum ang upuan nya at minsan ginugupitan ang buhok nya kaya ngayon di na pantay pantay ang pinakamamahal nyang buhok di naman sya nagagalit tumatawa lang naman sya, pero ganun pa rin sya makulit pa rin pero hinahayaan ko lang ang pagiging makulit nya nandon pa rin yung tatawagin nya akong baby pero okay lang kasi hawak ko naman sa leeg hahaha! At eto pa di nya alam na may boyfriend na ako at pinapaasa ko lang sya na sasagutin ko pa sya, hahaha, masama na kong masama ang isang sakit ay nakakapagpabago ng isang tao.

Sunday 5:45 PM

Tinext ko si Echo na magshopping kami sa mall, at gusto kong ASAP syang pumunta

At nag reply naman ito ng “Okay Baby! I will be there ASAP!”

Hayy.. uto-uto talaga..

Nagtext kagad sya “Baby dito na ako sa mall.. saan kana cass?”

Nireplyan ko naman na mahuhuli ako at maghintay lang sya.. pero sa totoo di ko talaga sya sisiputin..

Pinatay ko ang cellphone ko..

11:35 PM

Matapos ang date namin ng boyfriend ko

Hinatid ako ng boyfriend ko sa bahay namin.. hinalikan nya ako sa labi atsaka nag I Love You at umalis na ito.

“Sino yun?” Malungkot na tanong ng isang lalaki

Paglingon ko si Echo pala nasa harap ng bahay namin..

“..ahh boyfriend ko! pakialam mo!?”

“pinagmukha mokong tanga sa mall Cass! Ilang oras akong naghintay don, at nakapangilang text na din ako sayo! Pero di ka man lang nagreply”

“lobat yung cellphone, hahaha! uto-uto ka naman kasi! Hahahaha!”

Ngiti lang ang isinukli nya at agad naman nyang nilisan ang bahay namin

Ewan ko ba kung bat sya ngumiti na sa halip ay magalit sya eh nginitian nya lang ako..

Masaya ako dahil nasasaktan ko sya, pero sa bawat pagpapasakit at pagpapahirap ko sa kanya triple ang sakit na nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit pero kinakain na ako ng konsensya ko, Mahal na mahal ko pa rin si Echo pero bakit pout ang nangingibabaw?

Sa school, di ko inasahan ang masasaksihan ko..

Nahuli kong may kahalikan ang boyfriend ko sa gymnasium ng school namin. Sinugod ko sila, at sinabunutan ko ang kasama nyang babae

Nasayang na Pag-ibig sa Huling Pagkakataon (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon