Ang Labis na Pagsisisi (Finale)

120 5 2
                                    

Sabado 3:45 PM

Nag-aaral ako ng biglang may tumawag sa akin, na ikinatuwa ko dahil /Echo is Calling/ ang nakalagay sa screen ng cellphone ko at dali-dali ko naman itong sinagot

“hello cass?”

“Echo!! saan kaba? Bat di kana pumapasok? Ano bang nangyayari sayo?”

“ayiiiee.. nag-aalala si baby sa akin kinikilig naman ako nyan.”

“Echo ano ba kasi ang nangyayari sayo? Ha?”

“wala namang nangyayari ah, tinatamad na kasi akong mag-aral kaya di na ako pumapasok”

Di ako naniniwala kay Echo dahil ang alam ko pryoridad nya ang pag-aaral at nangako syang kailanman ay di sya hihinto sa pag-aaral

“di ako na niniwala sa iyo! Pumasok kana bukas!”

“hola sige sige papasok na ako bukas, basta pumunta ka sa bahay namin at ngayon na!”

“okay”

Agad-agad akong nagbihis, gusto ko na syang makita, kasi sabik na sabik na ako..

Dumating na ako sa bahay nila at sinalubong naman nya ako kagad.

“maupo ka.. anong gusto mo? Juice? Coffee? Or AKO?” Tanong ni Echo sa akin

“ano ba gusto mo??..AKO..??” tanong nya sa akin

“tse! feeler! juice nalang!”

“sige saglit lang baby boss ha!”

Dumating na sya dala-dala ang Juice

“eto na po baby!”

“baka may lason to ha!?” Sigaw ko sa kanya

“holo grabe ka naman baby! Magagawa ko ba yun sayo?”

“malay natin! hmp!”

“syempre hindi no!”

“bakit mo nga ba ako pinapapunta dito?”

“ahh may tatanungin sana ako”

“ok ano yun?”

“Cass kailan mo kaya ako mapapatawad? Sana naman binasa mo yung sulat ko… yun lang kasi tanging paraan ko para masabi ko sayo yun.. kasi kung sa personal pagtatabuyan mo lang ako..”

“EJ okay na tayo, napatawad na kita noon pa man eh gusto na kitang patawarin pero nangingibabaw ang pride ko sa totoo lang miss na miss na kitang mokong ka! Gusto mokong mapatawad kita tapos lalayuan moko? Gago kaba huh!? wag kang lumayo sa akin kasi gugupitin ko talaga yang pinakamamahal mong buhok! Hahahaha I MISS YOU!”

“YEHEY!!!!!!!!!!!!! Mga kapit-bahay! Mga kapit-bahay! Bati na kami ni baby Cassie ko!!” pagsisigaw nya

“hahahaha! loko ka! ayiiieee so friends?” dagdag nya

“no!”

“ayy ang O.A” nalungkot yung mukha nya

“ayaw ko ng Friends! Gusto ko ng best friends!”

“yeyyyyyyy!!.” sigaw ni Echo na nagtatalon talon dahil sa tuwa

At sinabayan ko na din sya pagtatalon!

Masaya ako dahil naging kaibigan na ulit kami ni Echo, parang yun na yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Bumalik na kami sa dati ni Echo, naghaharutan, nagkukulitan, dating gawi..

Mahal na mahal ko pa rin sya pero wala akong lakas na sabihin ito sa kanya..

Lumipas ang tatlong taon tinatago ko parin sa sarili ko na mahal na mahal ko parin sya, at sa paglipas ng tatlong taon ay gagraduate na kami ni Echo at magtatapos bilang summa cum laude si Echo, proud na proud ako sa kanya hehehe! At ako naman ay Cum Laude… ang saya ko talaga!

Nasayang na Pag-ibig sa Huling Pagkakataon (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon