Chapter 4

180 5 1
                                    

First

Pauwi na ako ng school, at dahil nga naman minamalas ako, biglang bumuhos ang malakas na ulan. At wala akong dalang payong. 

Tumakbo ako papuntang parking lot para hanapin ang kotse ko, ngunit ng hanapin ko ang susi sa bag ko ay nawawala ito. Mukhang naiwan ko pa sa locker. Napasabunot na lamang ako sa inis. 

Paano na ako ngayon!? Tumakbo muna ako sa may waiting shed dahil basang basa at nilalamig na rin ako. 

Wala pa ring dumadaang taxi. Napapikit ako sa pagkairita. Think Alliyah. Think. Hindi pupuwedeng maghintay ka nalamang jan hanggang mangisay ka sa lamig. 

Ngunit bago pa man ako makapagisip ay sumulpot sa harapan ko ang isang BMW. Plate number pa lamang, kilala ko na ang may-ari. Binaba niya ang isang bintana.

"Come Alliyah, ihahatid na kita."

Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at sumakay na. Inabutan niya ako ng jacket.

"Are you alright? Bakit ka nagpaulan?" kitang kita ko ang concern sa mga mata niya. I just shrugged it off. Mahirap mag-assume. Mahirap umasa. Lalo pa ngayon na may girlfriend na siya.

"Im fine Cloud. Naiwan ko kasi ang keys ko sa locker." Tumango lamang ito.

Nagpapahatid na lamang ako sa condo ko. Mom will surely scold me kapag nalaman niyang naiwan sa school ang kotse ko. "Cloud?" tumingin naman ito sa akin..

"Pwede bang patayin natin ang aircon? Ang lamig kasi." Umoo ito at kaagad na pinatay niya ang aircon.

Itinuon ko na lamang ang aking pansin sa mga nadaaraanan namin hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. 

-

Paggising ko ay may mabigat na nakapatong sa akin. Nang marealize ko ay nasa condo na pala ako habang yakap-yakap ako ni Cloud. Iba na rin ang mga damit ko. 

Liningon ko siya habang mahimbing na natutulog. 

Ang gwapo gwapo niya talaga. Hindi ko mapigilan ang paghanga sa kanya. At ang peaceful peaceful nya. Sobrang sarap niyang picturan. Ngunit mali ito Alliyah, hindi mo siya dapat pinagnanasaan. 

Itataas ko na sana ang mga bisig niyang nagkukulong sa akin ngunit lalo nitong hinigpitan ang yakap niya na tila ba ayaw niya akong mawala. 

"Cloud.. let me go."

"No..hmmm.." at ni hindi man lamang siya nagabalang idilat ang mga mata niya.Siguro naman ay hindi naman masama kung i-enjoy ko na lamang ang moment na ito. Minsan lamang darating ito.

Ngunit, ginagawa niya rin ba ang mga ganitong bagay kay Shannel? Protective din ba siya at sweet? Sa mga naiisip ko pa lamang ay nais ko ng umiyak.

Bakit ba sadyang masokista ang tao? Isiniksik ko na lamang ang ulo ko sakanya at yumakap din. Hanggang makatulog ulit ako.

Paggising ko ay may mabango akong naaamoy. Wala na rin si Cloud sa tabi ko, marahil ay umalis na rin ito. Tumayo ako ngunit agad rin akong nakaramdam ng kaunting pagkahilo. Siguro ay napahaba ang tulog ko. Naaninag ko rin ang wall clock at alas otso na pala ng gabi!

Pinilit kong bumangon at nagidre-diretso sa banyo. Nang makapaghilamos ako ay medyo nahimasmasan na rin ang aking pakiramdam. 

Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko si Cloud na nagluluto. 

Ang cute cute niya sa apron na spongebob. Hindi ko napigilan ang pag ngiti. Tumikhim ako dahil hindi niya pa rin napapansin ang presensiya ko.

"Oh Iyah, gising ka na pala.  Halika, matatapos na ring tong niluluto kong soup." 

Napakunot ang noo ko, Iyah? Ngunit agad din itong napalitan ng ngiti. Iba ang tawag niya sakin. Feel ko tuloy ang special ako. 

Umupo ako sa tapat niya. Nagluto siya ng sopas at talaga namang mukhang masarap. 

"Okay ka na ba? Kanina kasi nilalagnat ka."

Siguro ay kaya medyo masama ang pakiramdam ko. Umupo siya sa harap ko at sinerve ako ng soup. Kinuha rin niya ako ng tubig at gamot. Feeling ko tuloy ay isa akong prinsesa. Ang sarap sigurong maging boyfriend ni Cloud. Sobrang maalaga. Sobrang mapagmahal. 

Sinabayan niya ako sa pagkain at ipinagtalop ng mansanas at orange.

"Kumain ka rin ng prutas ng magkalaman ka naman."

"Excuse me!? Sexy kaya ako!" pagkontra ko naman sa sinabi  niya. Na-mamaintain ko ang katawan ko dahil na rin sa pag-gy-gym. 

"Sus, puro buto ka nga e! Sige, doon ka muna sa sala at lilinisin ko lang tong mga to."

Sinabi ko ay hayaan na lamang niya ngunit sobrang kulit niya. Kaya sige, bahala siya. Hahaha.

Umupo ako at binuksan ang TV. Hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Paano na nito makakauiwi si Cloud? Napabuntong hininga na lamang ako. 

Isinalang ko ang DVD para makanood na din ng movie dahil walang magandang palabas.

Tinapos ko ang pagkain sa mga prutas at kumuha ng mga chichirya sa cupboard. 

"Cloud, nood tayong Divergent, tara!" Tumango lamang siya at sinabing susunod siya.Nagsimula ang palabas. Tungkol ito sa limang faction - ang Erudite, Amity, Candor, Dauntless, at Abnegation.

Siguro kung papipiliin ako ay sa Amity or Erudite na lamang. Hindi ako nababagay sa Candor, dahil hindi ako honest. Marami rin akong tinatago. Tulad na lamang kapag nasasaktan ako, magsisinungalin at magisisnungaling ako sa nararamdaman ko. Hindi rin ako sa nababagay sa Dauntless, masaydo akong duwag--

Naputol ang aking pag-iisip ng biglang umupo si Cloud sa couch at inakbayan ako. 

"Nabasa mo na ba ung mga book niyan?"

Tumango ako. Oo naman. Tahimik lang kaming nanonood ng biglang lumabas si Four. Nangiti ngiti ako, ang hot niya talaga!

"Ano namang nginingiti-ngiti mo jan, eh mas gwapo pa ko jan." At saka ito tumawa. Hinayaan ko na lamang, dahil, totoo. 

Nanood lang kami hanggang sa dumating sa part na naghahalikan si Tris at Four. Okaay. Awkward. 

Napatingin ako kay Cloud na tila ba hindi mapakali. At bigla siyang tumitig din sa akin. Napaawang ang labi ko sa mga sinasabi ng mata niya. Punong puno ng emosyon. Hindi ko maintindihan.

Ngunit, ang susunod na nangyari ang mas hindi ko naintindihan dahil hinalikan niya ako.Nanlaki ang mga mata ko. Ang first kiss ko!

That Cliche StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon