Chapter 11

165 3 1
                                    

Chapter 11 – Game Master

Ilang ulit kong tinanong sa sarili ko.. Kung sino ba ang dapat mong piliin.. Ang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin ka at mag-effort para sayo..

O yung lalaking matagal mo nang pinapangarap.. pero sinaktan ka nang minsan.

Ayokong manakit. Dahil kahit anong setup may masasaktan. May luluha. Makakasakit ako. Magiging makasarili ako. Pero, hindi ba yun naman ang goal ng bawat tao sa mundo? Ang maging masaya? Siguro, masayang nakikitang masaya ang mga taong mahal mo, masayang magsakripisyo. Yun bang tipong okay ka lang, kasi masaya sila. Yung tipong masaya ka na para sakanila.

Pero kalokohan yon. Isang pagpapanggap. Dahil sa puso mo, hindi ka pa rin e. Napupuno pa rin ng kalungkutan. Nababalot ng what ifs, at if only.

Gusto kong sumaya, at hindi ko na hinahangad na maging pang walang hanggan iyon. Kahit sandali lang, sapat na sa akin. Kahit hindi na katulad ng love story ni lola at lolo. Masaya na ako dun. Okay na ako.

Kahit temporary happiness lang, pwede na. Kasi kahit sabihin nating temporary iyon. Kasiyahan pa rin naman diba? Hindi ba?

Dumiretso ako sa condo ni Cloud. Oo, tama kayo, pumapayag ako sa gusto ni Cloud. Sa setup na gusto niya. Pero walang Vince at Shannel na masasaktan.

Sa larong kami ang game master, pero kami ang parehas na matatalo.

Hindi na siguro makasarili ito. Sandali lang naman e. Sandaling panahon.

Nagdoorbell ako ng dalawang beses ngunit wala pa ring lumalabas. Kumatok na lamang ako. At bumukas ang pinto.

Si Shannel. Nawala ang mga ngiti nito sa labi ng Makita ako. Ngunit maging ako, naglaho ang excitement at tuwa na nararamdaman ko.

Napalitan ito ng galit, awa at pagmamahal. Siguro abnormal na itong puso ko para maramdaman iyon ng sabay-sabay.

“Anong kailangan mo.”

“Kailangan ko lang makausap si Cloud. Hindi mo ba ako papatuluyin?” Huminga siya ng malalim. At pinapasok ako sa unit ni Cloud.

Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Siguro ay naliligo ito.

Nagpunta naman si Shannel sa kusina at dinalhan ako ng maiinom. Umupo ito sa tapat ko ngunit wala ni isa ang nagsasalita sa amin.

Bumuntong hininga ito..

“Ally, I’m so sorry.” Ani nito habang nakayuko.

Gusto kong sabihing okay lang, na naiintindihan ko. Pero hindi, tumitig lamang ako sa mga malulungkot niyang mata.

At nakaramdam ako ng guilt sa puso ko..

Pero sandali lang naman ito? Sakanya nito, sandali lang ang hinihingi ko.

“Shannel.. Kailangan naming mag-usap ni Cloud.. Kaming dalawa lang.. W-wag kang mag-alala, i-ibabalik ko siya sayo.” At nag-iwas ako ng tingin. Ang hirap sabihin. Nagngingit-ngit ang kalooban ko sa sakit.

Damn. Ibabalik na parang laurang hiniram. Tumango na lamang ito at kinuha ang bag at lumabas.

Hinintay ko na lamang na lumabas si Cloud. Tatlong araw.

“Shan-“ naputol ang sasabihan niya ng makita niya ako. “Nasaan si Shannel?”

Hindi man lamang nito pinansin ang presensya ko at hinahanap pa si Shannel. Minsan ay gusto kong isipin kung mahal ba niya talaga ako.O ginagawa niya lang excuse si Shannel para gumanti.

That Cliche StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon