Chapter 5

202 5 1
                                    

 Baby

Pagkakamali. Paulit ulit sa isipan ko yon. Ang lahat ng nangyari, ang paghalik niya sa akin, isa lamang iyong pagkakamali.

“Alli-yah..Im sorry, mali ito. Hindi.. Isa itong pagkakamali. Sorry.”

Pumatak nanaman ang mga luha ko. Hindi nga siguro talaga pupuwede. Mahal niya nga talaga si Shannel. Mahal na mahal. 

Ang swerte ko naman. Isang pangyayaring di ko malilimutan ay itinuturing niya lamang na isang pagkakamali.

"Alliyah, tahan na." at niyakap ako ni Erin. Alam ko naaawa siya sa akin. Sumubsob na lamang ako sakanya. Ang sakit sakit kasi. 

"Shhhh. You deserve better Ally."

Kung bakit kasi nagpapakita siya ng motibo para mahalin ko siya lalo. Kung bakit paasa kasi siya. O sadyang assuming lamang talaga ako at binibigyan ko ng dahilan ang lahat ng gestures niya. Baka naman friendly lang talaga siya.

Pero hindi! Hindi naman siya ganoon kay Erin, Pam, Tricia, o kahit sinong babae. 

Siguro kay Shannel. Pero bakit pati sa akin? Hindi paba siya kuntento kay Shannel? O baka naman alam na niyang gusto ko siya kaya nageenjoy sa paglalaro sa feelings ko? 

Hindi ko na talaga alam. 

"Bes.. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.." at umiyak lamang ako sakanya habang hinahagod niya ang likod ko. 

"Distance and Acceptance bes. Layuan mo na muna siya, at paunti-unti, subukan mong tanggapin na may mga bagay na kahit anong pilit o gusto natin, hindi mapapasaatin." 

Hindi na lamang ako umimiik at tahimik na umiyak. 

Nang mahimasmasan ako at niyaya ko si Erin na mag-shopping. Siguro nga ay kailangan ko ng ituon ang atensyon ko sa ibang bagay. Siguro nga ay kailangan ko ng makalimot at magmove on. 

Marami pang iba jan.. Pero hind sila si Cloud.. Pero, they could be better than him. I deserve better. 

Namimili kami ng mga damit sa forever21 nang makita namin si Vince na may kaakbay na babae. Kitang kita ang hubog ng katawan nito at ang maganda nitong mukha. 

Kinawayan ni Erin si Vince ng lumingon ito sa amin. At unti unting pumorma ang mga ngiti sa kanyang labi. 

May binulong siya sa babaeng kasama niya at pagkatapos ay umalis na ito saka siya lumapit sa akin.

"Hi baby." bati nito sa akin. 

"Alam mo Vince, ideal ka na sana e, kaso babaero ka." Untag ni Erin sakanya. Ngumiti lamang si Vince at inakbayan ako. "Ganon talaga pag gwapo. Haha."

Bigla namang tumawag si Marga kay Erin at nagpapatulong ito kaya umalis na lang bigla si Erin.Hindi ko alam kung totoo o gusto lamang ako nitong magkaroon ng time kay Vince.

At dahil siya rin naman ang kasama ko, mabuti pang i-enjoy koa nalamang.

"Baby, saan mo gustong kumain?"

"Vince, stop calling me baby, mamaya kung ano pang isipin ng iba."

"Ayaw mo nun, boyfriend mo ang nakagwapong tulad ko?"

"Ayaw. Gusto ko yung magiging boyfriend ko, seryoso sa akin."

"Seryoso naman ako Alliyah. Seryoso ako." At habang sinasabi niya pa ang mga ito ay talagang seryoso ang mukha niya. 

Nginitian ko nalamang siya dahil na-aawkward ako at niyaya sa Sbarro.

Habang kumakain kami ay panay ang titig niya sa akin pagkatapos ay ngingiti ito. 

"Bakit Vince?"

"Ang swerte ko siguro kung girlfriend kita no." At saka siya ngumiti ng nakakasilaw. 

--

Sa mga sumunod na araw ay lagi akong sinasamahan ni Vince. Araw araw din siyang may dalang flowers. Minsan ay nawe-weirduhan na ako sakanya.

"Vince, nililigawan mo ba si Ally?" Tanong ni Cloud sakanya. Kumalabog naman akong puso ko dahil dito. 

Why bother Cloud? Ano bang paki mo? Pero sa dulo ng isip ko ay natutuwa ako. Stupid Alliyah.

"Oo. Bakit?" diretsong sagot naman ni Vince at talagang ngumiti pa ito. Tumango na lamang si Cloud at umalis.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain. Baka curious lamang siya. 

"Vince.. Nililigawan mo ba ako?" tanong ko dito.

"Oo naman. Kita mo araw-araw kitang hinahatid sundo. Sagot ko lahat ng meals mo, may flowers and chocolates pa! At eto pa, wala na akong dinadate na mga babae." ngiting-ngiting sagot nito.

Gustong magtatalon ng puso ko sa tuwa. Talagang seryoso siya sakin. Ngunit gusto ko ring maiiyak. What if, I cant love Vince the way I love Cloud? 

Ayokong maging pantakip butas siya. He deserves better.

"Baby, why are you crying?" hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko at pinunasan niya ito gamit ang hintuturo niya.

"Nothing.. Vince.."

"Hmmm.. Stop crying." at tumabi siya sa akin at hinalikan ang mga luha ko. 

Yumakap lamang ako sakanya. I dont deserve this. He's too loving.. 

"Mahal ko si Cloud.." sabi ko rito habang umiiyak. Sana ay magets niya..

"I know baby.. I know. Shhh. Tahan na. Im willing to wait.."

Umiyak na lamang ako. How long will it take me to move on? How long will it take him to court me? Paano kung hindi niya ako mahintay? At masaktan ko lamang siya?

Umiling na lamang ako. 

I dont know anymore.. I dont know..

**

Ang hirap magmahal ng may ibang mahal ano ho? =))))

That Cliche StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon