Chapter 13

110 5 0
                                    

Chapter 13 – Mahal kita 

“A-anong sinasabi mo V-vince? Halika, dito t-tayo sa guest room.” At lumabas siya ng kuwarto at hinila si Vince.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko ng magtama ang mga mata namin ni Erin. Tila ba nagtatanong, dahil hindi ko rin alam.

October pa noon, yon ay nong humiling si Vince na gamitin ko siya. At pagkatapos ko nong magtungo sa condo niya, ay hindi na pa kami muling nagkausap. Iniwasan ko siya, dawalang buwan. Dahil ayoko ng dagdagan pa ang nararamdaman niyang sakit. Ayokong maging makasarili sakanya.

Pinabayaan ko na muna siya. Ngayon lamang, ngayon lamang ko ulit siya nakita.

Gusto kong tumayo dito sa kinauupan ko at makinig sa pag-uusap nila. Pero mali. Hindi ko magawa, wala man lamang akong karapatan. Kahit pa sabihin nating mahal niya ako. Pero paano kung hindi na?

Paano kung may iba na siyang mahal?

Hindi ba, iyon ang gusto ko? Pero bakit parang hindi ko kaya, na may iba siyang babaeng kakahumalingan. May iba siyang babaeng mamahalin. Hindi ko kaya.

 Kung kinakailangan kong lumaban, lalaban ako.  Alam ko, mahal ko na si Vince. Hindi nga lang kasing tindi ng pagmamahal ko kay Cloud. Pero, sa puso ko, mahal ko na siya. At kailangan ko siya.

Matapos ang isang oras nilang pag-uusap, bumalik si Erin na nanlulumo. Pula ang mga mata niya, maging ang kanyang ilong at pisngi.

Mahahalata mo agad na dumaloy ang mga tubig mula sa kanyang mata. Alam mo agad.

“E-erin..” nag-angat siya ng tingin sa akin.

“B-bakit?”Hindi ko alam kung sa pandinig ko lamang iyon o sadyang may ibang kahulugan ang mga tanong niya. Lalo pa’t kaming dalawa na lamang ang natitira. Umalis na ang iba matapos lumipas ang tatlumpung minutong nag-uusap si Vince at Erin. Ani nila’y may mga importante pa silang gagawin.

“A-alliyah, m-mahal ka n-ni V-vince.” Kumunot ang mga noo ko sa sinabi niya. Alam ko na iyon. Pero bakit niya sinasabi ito sa akin.

“A-alam ko yon, E-erin.” Suminghap siya at pumatak ang mga luha sa mata niya. Hindi ko nagugustahan ang mga nangyayari. Hindi ko maintindihan.

“B-basta m-mahal ka niya, okay? A-at ikaw lang ang m-mamahalin niya.” At yumuko lamang ito.

“M-mahal ko din siya.” Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang mga lakas ko para sabihin iyon. Kanina lamang ay inaalo ako ni Erin sa pagkabigo kay Cloud, ngayon ay sasabihin kong mahal ko Vince. Masyado akong nagiging padalusdalos.

Pero, alam ko, sa puso, mahal ko silang pareho.

Natigilan si Erin sa sinabi ko. Tila ineexpect niya iyon, pero nagulat pa rin siya. Marahan siyang umiling.

“I-iba na lang ang mahalin mo A-alliyah.”  Hindi ko na maiwasan at tumaas ang kilay ko.

“A-at bakit? Handa ko ng b-bitawan si Cloud, E-rin. Alam mo yan. “ Natahimik lamang ito at umiyak. Kumunot ang noo ko. May namamagitan ba sakanila?

“E-erin..Dont tell me..”

“N-no! No Alliyah.. Mali ang iniisip mo.. Wala akong gusto kay V-vince!”

“Then what’s your reason? Dammit Erin, naguguluhan ako!”

“I-im sorry.. I-I cant tell you A-ally, I-im so sorry.” Gusto ko ng sumabog sa inis. Alam mo yon, yung binibitin ka. Yung may gusto silang sabihin, pero hindi nila magawang sabihin habang nakatingin ka ng diretso.

Hinablot ko ang bag ko at  nagmamadaling umalis sa bahay nila. Naiinis ako. Naiirita. Nagseselos. Sumakay ako kaagad sa kotse ko at pinaharurot ito patungo sa condo ni Vince.

I need to talk to him, I so badly need.

Mabilis akong nakarating dito at hindi ko tinigilan ang doorbell. Kahit pa may spare key ako ay feeling ko wala akong karapatang gamitin yon. I just felt betrayed sa pag-uusap nilang dalawa ni Erin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang nararamdaman kong iyon. But that’s it. I felt betrayed.

What if may relasyon pala sila. Natatakot ako. Nagawa nang minsan ng isang kaibigan ko. Posibleng maulit. Maybe, my trust issues are working on my heart, torturing my heart. But I cant help it, nasaktan na akong minsan.

Kinalampag ko na rin ang pinto ng wala pa ring nagbubukas. At dahil na rin sa pagkainis, at pagkagustong makausap siya at ginamit ko na ang spare key.

Bumungad ang madilim na sala niya sa akin. Malakas ang tugtog na nanggagaling sa kwarto niya, dali-dali akong umakyat at nadatnan si Vince na nakaupo sa isang sulok at may hawak na baril.

Napatanga ako sa nakita ko.

“V-vince..”

Nagulat siyang napaharap sa akin.

“A-alliyah, anong ginagawa mo.” Ani nito sa nanginginig na boses.. Wala rin tigil ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.

“Damn! Ako pa talaga ang tatanungin mo niyan. I-ikaw, anong ginagawa mo!! Bitawan mo yang hawak mong baril.. Baka masaktan ka!!”

“N-no.. Hayaan mo na ako Alliyah.. J-just go and be happy!” Utos nito na parang isang habilin din.

“H-how could I be happy w-without y-you?” Naglakas loob akong sabihin ito sakanya. Nararamdamn ko ang pagkahiya sa balat ko. Pero wala na, nasabi ko na.

Tumawa siya ng sarkastiko at sumama ang tingin ng mga mapupungay niyang mata. Pakiramdam ko ay ibang tao ang nasa harap ko. Ibang Vince.

“Damn you. Alliyah, Paano mo nagagawang sabihin yan e nagawa mo na nang dalawang buwan. You were better, hindi mo ako kailangan! Nakiusap naman ako sayo ah! Nagpapagamit. Nagpapakatarantado dahil sa lecheng nararamdaman ko. Ganon kita kasi kamahal! Tang-ina! Okay lang sa akin na kasama kita kahit iba ang mahal mo! Okay lang sakin maging instrument para sa putang-inang pagmamahalan niyo ni Cloud! Pero, nakakagago ka e! Binaba ko na ang pride ko at lahat lahat, iniwan mo lang ako sa ere. Fuck you Alliyah! Fuck you all!!!” At umiyak ito nang malakas sa harap ko..

Umagos din ang mga luha sa pisngi ko.. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko nasa tama ako. Akala ko tama lahat ng ginawa ko..

Pero bakit kahit anong gawin ko may nasasaktan ako?

“V-vince.. M-mahal kita..” Napatigil ito at hinagis ang upuan sa tabi niya. Napatalon ako sa gulat at tumabi..

“H-hindi ka pa ba pagod saktan ako ha?! Awa lang yan Alliyah! Naawa ka lang. At hindi ko  kailangan non! Umalis ka na!!” at itinapat niya ang baril sa akin habang lumalapit..

Hindi ako makakilos.

“U-umalis ka na sabi!!!” muling sigaw nito at ito ang mga huling salitang narinig ko.

**

Sorry, a bit busy 

That Cliche StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon