♡ CHAPTER 10 ♡

145 6 0
                                    

♡ CHAPTER 10 ♡

Today is the day na kailangan ko na bumili ng mga gamit, materials at mag-hanap ng gagawa ng aming Ipol tower own version kaya kailangan ngayon pa lang aalis na ako tutal wala namang pasok today at mukhang maganda na man ang panahon, di na ako magpa-pasama kay BFF kasi naman puro beauty things lang ang pupuntahan niya dun kaya aalis na ako pero kailangan ko muna magpa-alam kay mama at papa para makaalis na ako.

"Ma! Pa! alis na ako mamimili na ako!" sinigaw ko sa dining room habang ako naman ay palabas na ng pintuan dahil nga magmama-dali na ako dahil 3 days nalang ay School Anniversary na.

"Sige! basta bumalik agad at wag magpapa-gabi baka mamaya may date ka lang ha!" Inaasar pa ako ni Papa kung kailan naman paalin na ako.

"Hala pa?! grabe ka talaga, sge na alis na ako!"

Dumire-diretso na ako palabas ng gate at naghihintay ako ng taxi para mahatid na ako sa mall kaso halos 30 minutes na wala pa ring taxi na dumadaan eh.. maya-maya may biglang tumawag sa aking phone.

"Hello?"

"Mia, si Mike 'to sabi ng SSG na kailangan may mag-assist sa Designers kaya ako na nagpresenta para magka-sabay tayo, papunta na ako diyan"

"Ha! sige hay salamat kanina pa ako naghihintay dito eh"

Habang nasa kotse kami ay pinaandar niya agad yung radyo at pahaka-andar nito ay ang boses na ma'am OP ang narinig ko, naalala niyo siya yung DJ na lagi kong tinatawagan tuwing may problems ako at di ako makapaniwala nakikinig din pala si Mike nun?

"Nakikinig ka rin pala niyan?" di ko makapaniwalang sinaba yun sa kanya agad sakto nang pagka-andar niya nun.

"Oo naman, ikaw din? Grabe sabi kasi nila masyado daw oldie ang radyo pero di ako naniniwala" parang di rin siya na maka-paniwala na meron ding nakikinig nun

"Pero alam mo si Ms. OP nakaka-gaan yan ng feeeling lalo na kapag may problema ka" naka-ngiting kong sinabi habang naka-tingin ako sa labas.

"Bakit tumawag ka na ba sa kanya" OMG ba't ko sinabi yun baka malaman niya na isa ako sa mga caller ni Ms.OP, diba nga lagi siyang nakikinig dapat di ko sinabi yun eh.

"Oh so stupid talaga ba't ko sinabi" mahina kung sinasabi habang pinapalo ang noo ko nang paulit-ulit

"Huh ano? di kita marinig eh" sinabi ni Mike habang nagda-drive

"Ah wala! sabi ko di naman ako tumatawag eh, di mo lang siguro narinig siguro you know kailangan mo ng mag-linis ng tenga hehehe kasi medyo humihina na yung pan-rinig mo" pumi-pekeng tawa ako habang sinasabi ko yun sa kanya.

"Grabe ka naman baka kasi kailangan mo ng microphone ang hina-hina kasi ng boses mo eh! HAHAHAHA!"  tuwang-tuwa naman to grabe maka-asar kaya naka-simangot lang ako.

"Oh, nandito na pala tayo eh" sinabi niya bigla kaya natigil yung tawa niya.

"Oo na, halika na mamaya tumawa ka na naman na parang monster diyan eh" inaasar ko ulit siya habang lumalabas na ako ng kotse niya

"Sus! monster nga atleast gwapo naman" grabe toh! nag-mayabang pa talaga

"Wehh! halika na mamili na tayo at pagka-tapos kumain na din kasi gutom lang yan" hinawakan ko siya sa kamay at hinila na papunta sa loob ng mall.

Domiretso na kami sa National Book Store para bumili ng mga mga materials na kailangan naming bilhin at grabe talaga ang dami kong kailangan na bilihin punong-puno yung papel.

List for school Anniv.

 ~ CREEP PAPER

-  20 Black  - 10 violet - 10 Red - 20 Dark Blue - 10 White

~ GLITTERS   

   -15 Silver, 15 Gold,15  Blue

~ GLUE GUN & GLUE STICK

~TAPE ( 6 pcs. )

~ Tela

 - Red, Black, White

~ Maliliit na Bulbs

~ Karton ( 20 pcs. )

~ Cartolina ( Black 15 pcs., White 15 pcs., Violet 10 pcs., Blue 10 pcs., Red 10 pcs. )

Oh My Gosh ang dami naman pala nito hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko pero kailangan talaga maka-bili na ako kaya I better start na mag-hanap kung saan ko ito mabibili kaya pumunta na kami ni Mike sa puno ng school supplies para mag-hanap na.

"Grabe Mia ang dami pala niyan, siguro kung wala ako ang superman mo umiiyak ka na sa sobrang dami"   ang yabang naman nito superman talaga?

"Che! In your face! di ka si superman noh atsaka ang guwapo kaya nun at gentleman pa" hmmm... pero oo may point siya, siguro nga kapag-wala siya umiyak na ako dito dahil sobrang dami nitong pinapa-bili sa akin eh.

"Bakit ako guwapo din naman at lalo ng gentleman"

"Sus, oo na ikaw na guwapo" mahina ko nalang sinabi iyon at mukhang di niya naman ako narinig dahil busy din siya mag-hanap ng mga kailangan namin.

After 2 hours natapos din kami kaka-hanap ng mga gamit na yun sobrang pagod na pagod na kami at buti na nga lang may cart na pinahiram samin kaya hindi na kami nahirapan sa pagbubuhat ng gamit.

"Game itulak mo na yan, pagod na ako" siya na lang ang papa-tulakin ko kasi pagod na ako eh.

"Oh? ayoko nga parehas lang naman tayo  pagod eh"  anu ba yan tumanggi pa.

"O sige, akala ko ba gentleman ka?" Ha-ha-ha naka-points na naman yes!

"Oo na, ito na pasalamat ka malakas ka sa akin"

Hay! slamat pumayag din toh at habang naglala-kad kami bigla kong narinig na kumukulo na yung tiyan ko at niyaya ki siya na kumain na kami kaya yun pumayag din siya at pumunta na kami sa malapit na kainan.

Pag-katapos namin kumain pumunta na kami sa parking lot at habang papunta kami dun ay makikita mo na sobrang dami ng mga sasakyan dahil siguro dun sa mga artista sa loob kaya yun natagalan kami makapunta sa kotse ni Mike dahil may mga humaharang na kotse kaya yun patigil-tigil kami pero maya-maya ay naka-rating na din kami sa kotse at sa wakas pa-uwi na din kami sobrang pagod na din ako eh gusto ko na humiga sa kama ko.

"Let's go na, gusto ko na gmulong-gulong  sa kama ko. I am so Eggsoited!" nauna na ako pumasok sa kotse niya at siya ay papa-sok pa lang sa kotse dahil kaka-tapos niya lang mag-ayos ng gamit na binili namin

 Nasa harap na ako ng bahay at tinulungan niya akong mag-buhat ng mga gamit ko sa loob kaya nakita si Mike nina mama at papa.

"Oh Mike! kamusta na" binati agad ni mama si Mike nung pag-pasok nito sa loob ng bahay.

"Ok lang po tita, sige po una na ako"  lumabas na agd si Mike at ako naman hinatid ko siya hanggang sa kotse niya.

"Sige na alis na HA-HA-HA" biniro ko siya habang nasa gate na kami

"Grabe naman to" hahahaha natamaan siya doon? weak pala to eh

"Joke only! ito naman sige na papasok na ako" tumalikod na ako pero bigla niya nalang hinawakan yung kamay ko at napa-tigil ako tapos sinabi niya

"Thanks, you really made my day" napa-tigil ako sa sinabi niya hindi ko alam kung bakit pero pagka-lingon ko umaandar na ang kotse niya palayo kaya hinayaan ko nalang siya at ako ay natutulala pa rin dahil sa sinabi niya.

Hindi ko ba alam pero nng sinabi ni Mike yun napatulala ako,, hindi ko talaga alam kung bakit pero bakit nga ba ako nag-aabala doon pero ang saya niya din pala kasama ngayon siguro wala pa ako ngayon sa bahay kung wala si Mike kanina. Totoo nga na siya yung superman ko ngayong araw na 'to guwapo na gentleman pa.

Mr. SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon