♡ CHAPTER 6 ♡

633 17 0
                                    

♡ CHAPTER 6 ♡

Linggo na pala akalain niyo ang daming nangyari na masaya,

malungko, at nakaka-selos sa mga past days pero dapat

awat na sa mga past because past is past you need to move

on kaya ito ako ngayon sa bahay nakahiga at siyempre alam

niyo na as usual pag naka-higa "BORED" kaya yun nandito 

lang ako sa Peaceful na kuwarto fini-feel ang auro ng

katahimikan sa bahay.... hmmmm feel it, smell it, love it

you hit me like I'm wrecking ball!

yeah you, you wre-e-eck me

you wre-e-eck me

Ano ba yan panira ng moment sino na naman

yong tumatawag na toh nasira tuloy pagfi-feel

ko ng katahimikan sa kuwarto na toh...

"Hello! sino toh?" medyo pagalit kong nasabi dahil nasira nga yung moment ko 

"Hi Mia! si Jeeron toh?" Si jeeron pala yun nakakahiya naman kaya yun di ako mapakali kaya umupo ako, tumayo, gumulong sa  kama dahil sa sobrang kilig :")

"Oh! Jeeron ikaw pala, bakit ka napa-tawag?"

"Gusto sana kitang imbitahan sa birthday ng mommy ko, kasi sabi ng parents ko close daw sila ng parents mo?"

"Close parents natin?"

"oo, magka-classmates daw sila nung high school nakuwento kasi kita"

"Uhhh ganun ba?"

"Oo, so ano sasama ka ba?"

"Kailan ba yung birthday ng mom mo?"

"mamayang 5pm pa naman kaya may time ka pa magpre-pared"

"Ano ba yung theme nang birthday ng mom mo?"

"Floral for girls and black suit for boys"

"Kailangan naka-dress ako?"

"yup pero nasa sayo naman yun kung ayaw mo"

"Sige sama ako pero puwede ko ba isama si Ashley?"

"oo naman mas masaya nga yun eh, pati parents mo daw papuntahin mo"

"Sige pupunta ako"

"Ok thanks! bye may aasikasuhin pa ako para mamaya ehh bye!"

"bye!"

Ano kaya susuutin ko? eh wala naman akong

masyadong alam sa mga dress na pang party,

kanino kaya puwede nagpa-tulong? ah alam

ko na kay Ashley.... tatawagan ko na nga

"Hello Ash?"

"Yah?"

"Ash samahan mo ako sa birthday ng mama ni Jeeron"

"Oh sure, ano ang theme?"

"Floral daw for girls"

"Sige why not, kailan ba?"

"mamayang 5pm?"

"mamayang 5pm!!!"

"aray naman sa tenga! oo mamaya"

"bilisan mo na pumunta ka na dito now na bye!"

Bigla nalang ako binabaan excited naman yun

Mr. SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon