♡ CHAPTER 13 ♡
“Guys ako na bibili sa counter, dito na lang kayo” pumunta na si Jeeron doon sa may counter at ako at si bruha lang ang naiwan dito sa table at ano pa nga ang ineexpect ko edi puro panglalait lang naman ang gagawin niya sa akin.
“Nice to see you again…. Ms.VDA!” Hay here it goes again magsisimula na naman siya nang away at iba-bolckmail niya na naman ako kaya dedepensahan ko na lang ang sarili ko.
“Thank you!”
“Parang masyadong walang taste naman pala ang taga-VDA at ikaw ang nanalo noh?” grabe ‘to at di ko naman gusto na iboto nila ako eh atyaka mas masaya nga ako kung ‘di ako nanalo para wala masyadong pumansin sa akin kasi mas masaya ako maging normal student lang.
“Siguro? Di ko alam” ayaw ko na mag-salita mamaya baka mag-putak na naman ‘to ng sobra
“Looks like na lumiit ang bibig mo kesa kaninang umaga?” ano ba yan di na nga ako nagsasalita ‘di pa rin ako nito titigilan
“Ano ba problema mo sa akin? At ano bang gusto mo mangyari?”
“Ang gusto ko mangyari ay lumayo ka kay Jeeron at gusto lagi kitang pinapahirapan” grabe pala topak nito ang lakas! Yun ang gusto niya? Eh parehas ko na ‘di magagawa yun noh? Tanggap ko pa na lagi niya akong asarin pero palayuin sa friend ko? Ano ba trip nito?
“Ayoko! pahirapan muna ako pero ‘di ako lalayo sa friend ko”
“May the best and beautiful girl win”
“Teka.. contest ba ‘to sa tingin mo?”
Buti na lang dumating na si Jeeron at dala-dala niya ang mga pagkain na inorder niya sa counter medyo natagalan lang siya kasi mahaba ang pila pero puwede na din yun kasi bumalik na siya
“Jeeron, you do not tell me na pala-asar pala si Mia” ha? Anong pinagsasabi nito, di na nga ako nang asar ako pa ngayon ang nang-asar?
“Mia? Totoo ba yun na mahilig kang mang-asar?” ha? Naniwala naman siya sa bruha na ‘to?
“Oo… pero slight lang naman! Ikaw talaga BFF Melissa!” hay… kailangan ‘to para di niya na ako asarin at palayuin kay Jeeron kasi naman kasi ba’t kailangan pang may mag-segway na babae sa buhay ko?
Kumain lang kami at halos walang kibuan at ako naman dahil nga super gutom ako kaya subo lang ng subo at mukhang wala atang may balak mag-salita sa aming tatlo kaya ang tahimik namin at biruin niyo yun na-tahimik din si Melissa akala ko parang utot ang bibig nito eh tuloy lang ng tuloy walang preno.
“Uhmm… Congrats Mia kanina kasi ikaw ang Ms.VDA” salamat naman at may nag-salita na din sa aming tatlo kasi parang ‘di ko na ata kakayanin yung katahimikan dito.
“Ikaw naman, ikaw din congrats kasi ang galing mo mag-piano kanina”
“Oo nga Jeeron, kaya I really like you kasi you always mesmerize me” what? Ang daming alam may pa-mesmerize pang nalalaman ‘to
“I’m gonna go to the comfort room muna guys” buti na lang umalis mo na si Melissa kasi ‘di pa kami nag-uusap ni Jeeron na katulad ng dati at ang dami kung katanungan sa kanya
“Jeeron nililigawan mo ba si Melissa?” sana naman ang sagot niya ay yung inaasahang kung sagutin niya…. Please… please… please….
“Uhm.. oo kaso ‘di niya pa rin ako sinasagot matagal ko na siyang nililgawan” Oh My Jaj ba’t ganoon ba’t parang wala naman akong nababalitaan na may nililigawan siya?

BINABASA MO ANG
Mr. Secret
Novela JuvenilAng story nang isang simple High School girl sa VDA na mayroong crush matagal na pero hindi niya parin alam ang pangalan nito. Malalaman niya kaya ito? o Habang buhay na Mr. Secret nalang ito?