MULI

111 5 0
                                    

3rd Person Point of View

Sa bayan ng Alquia, ay isang napakagandang diyosa ang talagang araw araw ay namamasyal at namamangha sa kagandahan ng bayan. Araw araw siyang umaalis sa Olympus upang bisitahin ang bayang ito.

Para sa kanya, itinuturing na niya itong pangalawang tahanan dahil sa napakaraming tao ang tunay na naniniwala at inaalayan siya ng mga gamit na talaga namang nagugustuhan niya. Siya si Aphrodite, ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig.

Habang namamasyal si Aphrodite sa bayan ng Alquia ay may napansin siyang kakaibang aura sa likod ng kanyang templo.

"Ano kayang nagaganap sa lugar na iyon?" tanong niya sa kanyang sarili. Walang pagdadalawang isip na pinuntahan ni Aphrodite ang nasabing lugar. Pagkakita niya sa dalawang taong nag-aaway ay napangiti na lamang siya.

"Ang pag-ibig ng mga tao ay tunay na mahiwaga at napakamisteryoso." natatawa niyang sabi habang pinagmamasdan ang dalawang taong patuloy na nag-aaway ngunit kakikitaan ng kislap ang kani-kanilang mga mata. Halatang nag-iibigan silang dalawa, sa isip isip ay nasabi ni Aphrodite.

"Eh b-bakit magkahawak ang inyong mga kamay?" naiinis na sumbat ng babae sa lalaki.

"Sinabi ko naman sayo na siya ay isa lamang sa aking pinsan na nangangamusta at nais magpasama sa pamamasyal sa ating bayan. Isa pa ay may kasintahan na iyon." pagpapaliwanag naman ng lalaki habang patuloy na hinahawakan ang kamay ng babae.

"Huwag mo 'kong hawakan! Ipinanghawak mo na yan doon sa babae mo!" nagtatampong sumbat na naman ng babae. Hindi pa rin ito mapilit ng lalaki.

"Kapag nagagalit ang isang tao, tuluyang nagsasara ang isip at puso nito." bulong ni Aphrodite na pawang pinaaalalahanan ang sarili sa mga katangiang kanyang napapansin sa mga tao.

"Please, Michelle. Patawarin mo na ako. Hindi ko iyon babae. Sabi ko naman sayo, pinsan ko lamang iyon, makinig ka naman sa akin." pagmamakaawang muli ng lalaki.

Nakita ni Aphrodite ang pagkislap ng mata ng babae na pawang inlove na inlove sa lalaking nasa harap niya ngunit binabalutan ng takot at galit ang kanyang puso't isip.

"Oras na!" natutuwang sabi ni Aphrodite at hinipan ang nabuong enerhiya sa kanyang palad papunta sa babae.

Agad lumambot ang puso ng babae at pinatawad na ang lalaki. Masaya silang nagyakapan at magkahawak kamay na umalis sa harapan ni Aphrodite.

"Ang sayang tumulong sa mga taong tunay na may pagmamahal sa kani-kanilang kasintahan." natutuwang sabi ni Aphrodite at nagsimula na muling mamasyal sa bayan.

Ngunit bawat puntahan niya ay palagi niyang nakikitang may magkasintahan doon at masayang nagmamahalan.

"Bakit ganon? Sa halip na matuwa ako dahil sa mga taong tunay na nagmamahalan ay nalulungkot ako dahil wala akong minamahal." malungkot na sabi ni Aphrodite.

Muli [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon