eins ✹

18 2 5
                                    

12:28 A.M (Weewoo's dormitory)

Binato ko ang bag ko sa loob at ng nakita ko na nasa loob na si bag, nagsimula na akong umakyat sa bakod. Dahan dahan kong nilipat ang paa ko sa kabila para iposisyon ko ang sarili ko pagtalon paloob. 

Pagkalapag ko narinig akong punit at-- kingina. Yung pantalon ko. 

"Hala gago.." mahina kong sabi at hinawakan yung sira sa bandang binti ko. At saktong paghawak ko, may tumulong dugo. Grabe, araw ko talaga ngayon. 

Pinulot ko yung bag ko at pa-ninja na tumakbo sa harap ng pintuan. At syempre, hinanap ko ang mahiwagang tool para mabuksan ko ang pintuan. Kinalkal ko ang bag ko at sa ngalan ng kaswertihan, wala ang susi sa bag. Sinubukan kong pihitin ang door knob at nagulat ako ng nabuksan ko. 

Bakit hindi nila nilock 'tong pinto? Paanong kung magnanakaw na lang pala ako, tanginang mga 'to.

Hindi ko na sinayang ang chansa at dahan dahan akong pumasok. Tahimik kong nilock ang pinto at pagharap ko ay nakapatay na ang ilaw dito sa sala pero may isang ilaw na iisang nakabukas na natatanaw ko mula dito, sa kusina.

Hindi lang 'yun ang napansin ko dahil may naamoy rin akong gumising sa diwa ko. Yung amoy ng spaghetti na nanggagaling sa kusina. Mabilis kong tinahak ang papunta ang kusina at doon ko natagpuan ang soulmate ko.

Spaghetti, my ruv. Bakit ka nakakulong sa microwave?

Para akong tangang dahan dahan na pinuntahan yung microwave at may mga kumakanta sa loob ng utak ko ng 'hallelujah'. Pagkabukas ko pa lang ng microwave ay lalong lumabas yung amoy ng spaghetti at napapikit ako. Dizee zeet, my ruv--

"Ehem." 

"AY GAGO!" Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko at nilingunan ko ang demonyong nagmamay-ari ng boses na 'yon. At wala na akong tinutukoy na iba kung hindi ang leader leader-an ng dorm, si Myungsoo na malibs. 

Ititnaas niya yung kanang kamay niya na hawak ang susi ko saka niya binulsa ulit yung dalawa niyang kamay. "Ano sa tingin mo ang oras na ngayon?" 

"Uh.. 12:31 A.M?" 

Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Paniguradong uutos-utusan na naman ako nitong feeling leader na 'to kapag hindi ko siya binigyan ng magandang excuse.

"Si Choa kasi.. ano. Di ba, ano.. na-- natalisod! Natalisod siya, oo. Tapos.. sabi niya. Bilhan ko daw siya ng plemex. Hindi kasi ako makahanap eh. Ngayon lang ako nakabili kaya.. ginabi na ako." Pinaglaruan ko yung kamay ko at sanang bilhin niya yung dahilan ko.

Paniguradong paglilinisin na naman niya ako ng cr. Kung hindi naman, ako pagsasampayin niya ng mga damit na sobrang dami.  Ganyan halos lahat hinahatol sa akin ng gagong 'yan tuwing may nilabag akong batas NIYA. Samantalang napapansin ko rin na ako lang lagi yung pinaparusahan ng lintik na 'to. 

Tulad ng isang beses, nakahubad si Jimin (na lalaki ah). Bawal syempre 'yon kahit tshirt niya lang nakahubad. Halong babae at lalaki itong dorm na to. Ang ginawa ni Myungsoo, kinausap lang siya tapos ayun lang! Walang paru-parusa. 'No showing unnecessary part of your skin' nasa rule 'yon. Pero feeling ko rin, okay lang 'yon kasi necessary na parte naman ni Jimin 'yun ahehehehe.

"Nakikinig ka ba?" Napatingin na ako sa kanya ng ginamitan niya na ako ng nakakairita niyang tono. "Ang sabi ko simulan mo ng maglinis simula bukas sa--"

"YOOOOOOO!" Sumulpot na lang bigla sa likod niya si Hobi at kaswal siyang inakbayan. Kailangan ko pang kumurap ng dalawang beses para i-adjust ang mata ko dahil parang lalong lumiwanag ang kusina ng dumating siya.

"Ayo, Dong Dong. Kauuwi mo lang?"

Wag niyo na akong tanungin kung bakit ganyan ang tawag niya sa akin. Tiningnan ko siya ng 'tulungan-mo-ako-sa-impyernong-nararanasan-ko' at mukhang nakuha niya naman dahil kinindatan niya ako.

"Hyung.. grabe talaga 'yan si Dong Dong noh. Kahit kailan, napakagaling niyang maging sakit sa ulo. Tingnan mo, gabi na. Gantong oras ba umuuwi ang mga babae ngayon? Aigoo.." Kitang kita ko kung paano tumalim yung tingin sa akin ni Myungsoo at sa tingin na 'yon alam ko na, patay na ako.

Jung Hoseok, sinusumpa kita. 

"Dong? Saan mo 'to nakuha?" Mula sa ngisi niya ay naging seryoso ang mukha ni Hobi ng tumingin siya sa kaliwa kong binti. Tiningnan ko din ang tinitingnan niya at ngayon ko lang napansin ang sugat ko. Mas dumami ang dugo kumapara sa kaninang nasa labas ako at saka ko lang naramdaman yung sakit ngayong nakita ko. 

Lumapit sa akin si Hobi at lumuhod siya para tingnan yung sugat ko. Hindi niya naman ako hinawakan, as if papayagan ko siya. Bastang tiningnan niya lang tapos tumayo na siya at walang pasabing binuhat akong bridal style.

"Ibaba mo, Hoseok." Sa kaninang tahimik pang Myungsoo ay nagsalita na.

"May sugat siya, hyung."

"Maguusap pa kami."

"Gagamutin ko muna siya."

"Hindi pwede, ako lang ang pwede" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Wait, anong 'siya lang'? Mukhang nagulat din siya sa nasabi niya kaya pasimple siyang tumikhim at balik walang emosyon. "Ibaba mo na siya."

"Naiintindihan kong may sasabihin ka pa sa kanya tungkol sa magiging parusa niya pero wag ka namang selfish, hyung. May sugat si Dong Dong. Ipagpabukas mo na lang." Hindi na hinintay ni Hobi yung magiging sagot ni Myungsoo dahil naglakad na kami paalis ng kusina.

Bago pa kami makaalis doon, kahit di ko siya tinitingnan ay pakiramdam kong ang sama ng tingin sa amin ni Myungsoo

  --✹ 

Kanina pa siya nakatitig sa sugat ko. Hindi ko alam kung gagamutin niya ba o titigan niya lang ng ganiyan para gumaling. "Hobi.. kung hindi mo kaya, okay lang. Ako na lang." 

"Ako na." Nilayo niya sa akin ang hawak niyang bulak dahil aabutin ko na sana. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya ng simulan niyang idikit ang bulak sa sugat ko. 

Hindi talaga maganda na nagiging seryoso sa kanya. Sa akin, okay lang yung maingay at magulo na Hobi. Hindi ko lang talaga siya masabayan kapag ganto na siya. Gusto kong magsalita at kausapin siya pero alam ko namang mas ikakagalit niya kapag may nasabi akong mali tapos magaalala na naman siya.

"Saan ka talaga galing?" Napadiretso ko yung likod ko ng tinanong niya ako. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin at kapag ganyan si Jung Hoseok, galit siya sa akin. 

"Umuwi kami ni Choa sa kanila."

Nakuha ko ang atensyon niya, tiningnan niya ako pero bumalik ulit siya sa pagagamot sa sugat ko. "Sa Incheon ng ganitong oras? Dong naman.. Ilang beses ba kitang pagsasabihan. Babae ka--"

"At ang babae ay hindi dapat nagagala ng hating gabi." Sabay naming sabi. Nginitian niya ako kaya gumaan ang loob ko sa ginawa niyang 'yon. 

Binendahan niya na ang binti ko at tumayo na siya dala ang first aid kit. "Dyan ka lang, magluluto ako ng kakainin mo." 

Tumalikod na siya pero bago pa siya makalayo, hinila ko siya paharap sa akin kayang napaluhod siya saka ko siya yinakap ng mahigpit. Magsisimula na sana 'tong drama na 'to ng pinanganak ang anak ng epal sa mundo.

"Tapos ka na, Hoseok, di ba? Maguusap na kami. "

  --✹ 

This chapter is dedicated to mah sistah en mah suffortah.. ayatokki! Hindi ko alam kung alin rereplyan ko don sa last chapter. HAHAHAHAHA. Thank you~ ♡

Microwave foodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon