Chapter 7 "Look Back"

154 6 0
                                    

KATE'S POV

Ok... nasa bahay na ako ngayon ni Chase..Pinabitbit kasi nya yung bag nya...

Sabi na nga ba ang pagsisisi ay laging nasa huli...

Hhmm alam ko magkapatid sila ni Anne, pero bakit ganun di sya mabait tulad nung ate nya.

Nakakainis eh.. late na lang ng late..Yun na lang lagi nakikita.di nya ba mapansin na pagod na ako,gutom sa pinapagawa nya sa akin.

Pinasunod nya lang ako.

Ilalapag ko na sana yung bag nya sa may sala nila ng nagsalita sya...

"Wag mo dyan ilapag ang bag ko sumunod ka sa akin"at tumaas na sya ng hagdan.

So sinundan ko na lang sya... At nagbukas na sya ng pinto na sa pagkapalagay ko ay kwarto nya...

Pagkabukas nung kwarto nya ay...

Mamangha na sana ako dahil madami syang libro, pero napakagulo ng kwarto nya..

Kwarto talaga ng isang lalaki...

"Ilapag mo na lang dyan" tinuro nya yung bangkuan nya.

Nilagay ko na dun yung bag nya..aalis na din sana ako ng hinigit nya ko sa braso...

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako anung oras na!"..

Tumango tango lang sya...

"Isarado mo yung gate ha?"..

"Opo"..at nagdiretso na akong umalis at bumaba..

Nandun na ako sa may pinto ng bumukas eto...

"Oh Kate?" nagulat namang nakita ako ni Anne...

"Hi Anne.. geh alia na ako ha?" at umalis na ako..

Pagkadating ko dun sa may gate.. may nakita akong lalaki.Sino kaya eto?

Nakatingin lang din eto sakin... madilim na kasi, medyo labo pa man din mata ko pag ganto..Pero si David ata eto?

Isinasara ko na yung gate nila ng lumapit naman sakin..

"Oi"sabi neto sakin sabay patong nung braso nya sa balikat ko.

Inalis ko din naman yung braso neto... "Bigat ha"sabi ko..

"Anu nga palang ginagawa mo dito?"tanong nya sakin..

"Naghatid ako ng bag eh"sabi ko..

Bigla lang etong medyo napatawa... abnormal ata to...

Lakas ng impluwensya ni Chase aba..

 

Naglalakad na kami ngayon, pahiwalay na sana ako sa kanya ng mag offer sya na ihatid nya ako pauwi...

Why not??? Sayang pamasahe,pati malayo pa lalakarin ko papuntang sakayan...Kaya go na lang..

Iniabot na nya sakin yung isa nyang helmet.

Nakasakay na kami pareho...Nagsimula na syang magpaandar neto..

"Nga pala, nagdadate na ba kayo ni Anne?"tanong ko..

"Hinde pa eh, hatid sundo palang"sabi nya habang diretso parin ang tingin nya sa kalsada..

"Liko ka na lang dit-o"sabi ko sa kanya pero dire diretso lang sya...

"Wag ka muna umuwi,samahanan mo muna ako"sabi nya..

Ahmm ok??..At bumaba kami ng 7-11.

Pagkababa namin ay dumiretso na sya sa mga shelves at kumuha ng kakakinin.

We've Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon