[LIANNE'S POV]
makalaglag panga naman ang bahay ni Xyrus ...
mula sa gate nila hanggan dito sa may main door ng bahay nila ay sobrang laki !!!
siguro mukha na kaming langgam nito sa sobrang laki ng bahay nila ..
may fountain pa nga sa gitna bago makapasok sa main door nila ..
at isa pa, ang daming maids dito .. lahat sila binabati si Xyrus habang nakyuko ..
pagkapasok namin sa mala-palasyo nilang bahay ng may isang matandang lalaki ang sumalubong sa amin .. kung oobserbahan mo siya, hindi siya ganun katanda .. siguro nasa mga 65 years old na 'to .. hindi naman siya mukhang masungit, tama lang .. siguro, siya na yung sinasabing niyang lolo niya ..
natigil ako sa pagtingin nang biglang magsalita ang lolo niya ..
"anong sabi kong oras pag-uuwi ka dito sa bahay ?? " sabi ng lolo niya
"alas kwatro po ^__^" sabi niya habang nagkakamot ng ulo
"at anong oras na ??"
"5 na po T^T " mangiyak-ngiyak niyang sabi
"halika dito .."sabi ng lolo niya
"diba't sabi ko sa'yo na alas kwatro !!! bakit 5 ka na nakauwi ha ??!! pasaway ka talagang bata ka !!!" sabi niya habang pinapalo si Xyrus sa pwet .. parang bata lang ... =___=
"ah ehh .. sorry mawalang galang na po .." lakas loob kong sabi
tumingin sa akin ang lolo niya tapos tingin kay Xyrus ..
"walang hiya ka talagang bata ka !!! siguro nabuntis mo 'tong magandang babae kaya late ka nang dumating !!!! pasaway ka talaga !!!!"sabi niya sabay palo ulit sa pwet ni Xyrus
ahh ... alam ko na ..
may pinagmanahan si kumag ...
parehas silang OA kung magreact .. =__=
"ahh ehh mali po kayo ..." sabi ko
tumigil yung lolo niya sa pagpalo sa kanya ..
"ganun ba .." sabi niya
tinour kami ng Lolo niya sa bahay nila. Si Xyrus nasa kwarto niya, nagrounded..
maraming kwarto dito sa bahay nila at infairness, hindi land pala sa may malapit sa main gate ang garden nila kundi meron din sa bawat side ng bahay at kubo pa malapit sa likod ng bahay nila ..
ang presko dito sa bahay nila .. hindi ako makapaniwala na titira din kami ng mama ko sa ganitong lugar ... simple lang naman ang gusto naming bahay pero ito, sobra-sobra ito ....
masasabi kong may thank god at maswerte pa rin kami kahit papaano ..
kinuwento ko sa lolo ni Xyrus ang lahat. Totoo nga ang sinabi ni Xyrus, mabait nga ang lolo niya. Pumayag yung lolo niya na dito kami tumira para pagminsan wala siya, kami ang kasama ni Xyrus. Nalaman ko rin na wala na pala yung biological mom ni Xyrus. Namatay ito sa car accident nung 8yrs. old pa lang si Xyrus. Nag-asawa ulit yung daddy niya at ngayon nasa london yung parents niya. Nakwento rin ng lolo niya na nung 8yrs. old si Xyrus ay nagkasakit ito dahil sa kakulangan ng attensyon sa kalusugan niya. Palagi daw sumasakit ang ulo niya nun, alam ng lolo niya na baka paghinayaan ito ay magcause ito ng brain tumor. Kaya simula nun, hindi na siya nakapasok ng school. Maraming naikwento sa akin yung lolo niya tungkol sa kanya.
pagkatapos kong makausap ang lolo niya ay pumunta na ako sa loob ng guest room kung saan dun kami gustong patulugin ng lolo niya.
nakita ko si mama na tulog na. siguro sa pagod na rin at sa nararamdaman niya. sabi din nga ng lolo ni Xyrus o tawagin na natin sa pangalang si Lolo Ben ay siya na daw sasagot sa gastusin ni mama sa pagpapagamot at sa pag-aaral ko. Naisip ko lang na sobra-sobra naman ata yung tulong na naibigay nila samantalang wala man lang kaming maibigay na kapalit na tulong sa kanila. Bumalik ako sa may room ni Lolo Ben at may narinig akong usapan ..
"sir, pasensya na po ... gusto ko man pong magtagal dito kaso yung pamilya ko po, kailangan po nila ako dun.."
"hay .. wala yun noh .. at isa pa maganda na rin na unahin mo na yung pamilya mo ... pamilya pa rin ang importante sa lahat ... bibigyan na lang kita ng pamasahe mo papuntang cebu at ung sweldo mo .. basta mag-iingat ka .."
"opo sir, salamat ng marami sir ... ang kaso nga lang po sino po ang magiging personal maid ni young master?? "
"ay wag mo ng problemahin yun .. ako ng bahala dun .."
"sige po sir, salamat po ng marami .."
naramdaman kong palabas na yung maid na kausap ni Lolo Ben kaya nagtago ako. Siguro ito na ang magandang tulong na maiibigay ko para sa kanila ..
kumatok ako sa pintuan at pinapasok din naman ako agad ..
"oh iha, may problema ba ??"
"wala naman po, Lolo Ben, gusto ko po sanang makatulong sa lahat ng tulong na ibibigay niyo po sa amin ng mama ko .."
"hay bata ka, hindi naman ako humihingi ng kapalit sa lahat ng ibibigay ko ... karangalan ko ang tulungan kayo ng mama mo kaya wag ka nang mag-alala .."
"hindi po, gusto ko po kayong tulungan at saka po para mabawasan ang mga alalahanin ninyo po .. karangalan ko rin po ang tulungan ang isang taong mabait na katulad niyo .."
"hahaha ... hay .. mga bata talaga .. may makakapigil ba sa desisyon mo ??"pabirong sabi niya
napangiti na lang ako sa sinabi niya ..
"sige anong bang tulong ang maibibigay mo ??"
"gusto ko po maging personal maid ng apo niyo po .."
"naku, talaga ngang malaking tulong yan .. pero baka mahirapan ka sa paggiging personal maid ng apo ko .. may konting katigasan ang ulo ng isang yan at baka tumanda ka ng maaga sa kanya .."
"naku hindi po yan .. ako pong bahala sa apo niyo .."
"hmm .. sige ... pagtitiwalaan kita .. basta kung may problema ka sa kanya eh tawagin mo lang ako .."
"opo, promise po yan .."
"oh sige .. pwede ba kung bukas eh magsimula ka na ??"
"opo, opo !!"
"ok .. puntahan mo si Teresa sa my kusina .. ngayon na kasi ang huli niyang araw sa pagiging p. maid .. kunin mo sa kanya ung mga schedules kung anong oras ang gising ni Xyrus at ang oras ng paglilinis ng kwarto niya at marami pang iba kay Teresa mo itanong ha .."
"ok po .. sige po salamat po ulit ..^__^"
pagkatapos nun ay umalis na ako at pumunta na sa kwarto namin ...
BINABASA MO ANG
My Best Friend
Teen Fictionbest friend or best lover ??? family or best friend ??? kagustuhan ko or kagustuhan nila ??? love or death ??? anong dapat kong piliin ??