Inlove mo 'to.

12 0 2
                                    


Heyyow~ I'm Ynah Flaire Abella. 17 years old. Half feelingera half ambisyosa. Nagmamahal, sinasaktan. Mabait-- wait, di ko na idedescribe sarili ko. Feel free to aproach me kung may tanong kayo hihi.

<My room, 6:00am>

Eto naa!! Iikot nanaman buhay ko sa school :< Ikaw din ba? Aral ka mabuti ah?

So, nagready na nga ako para sa school. Tanga lang ang hindi makakaalam na may pasok ngayon and guess what, ang aga ko lang nagising ngayon kasi ang galing ng alarm ko! Sermon lang naman ng mama ko! *Oh, anong oras na! Di ka pa ba gigising dyan? Labas na labas na yung ara---/le faints;

<Adeleide University, 7:14, Monday pa din malamang>

Nasa school na'ko mga bessy hinihintay ko nalang na mapansin ako ni senpai at senampai pero sa totoo lang hinihintay ko lang yung bessy ko dumating para duh sabay na kami pumunta ng building namin.

Ohye. Antagal ah.

--

"Oi pangit! Andyan ka na pala? Aga mo ah?" Ani ni Zes, na kanina ko pa hinihintay. Hays.

"Malamang alangan namang wala pa'ko dito eh kanina pa'ko naghihintay." pambabara ko.

Tsk. Ambagal kasi kumilos.

First subject na, syempre dito samin pag first day, half day lang kaya yung mga teachers dun lang sila sa mga advisory classes nila.

Ms. Syareihn you can now go to the guidance-- joks lang haha.

(∩o∩)

"Ms. Syareihn could you please introduce yourself infront?"
sabi ni Ms. Buena sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Then, tumayo na'ko at pumunta sa harapan at di ko namalayan na..

Shet, tinagusan ak--Joke lang.

Unti nalang ang sasabihin ko dahil naturingan akong Vice President netong school dahil madalas na nagdo-donate sila Mamichu dito sa school. Mapera school namin eh or MAHILIG SA PERA haha.

"Hi! I'm Ynah Syareihn 16 years of age.." at nag-introduce na nga ako gaya ng sinabi ng prof

(︺︹︺)

Pagkatapos magintroduce yourselves mga kung ano-anong kabalbalan nalang pinagsasasabi't pinagsusulat ng teacher ko.

At nang matapos siya ay..

*Adeleide's canteen, 9:15am*

At dahil nagugutom na'ko kumain ako ng rice, syempre may magpapalibre kaya ubos ang pera mga beh.

Habang kumakain ako pumasok na yung ibang mga lower graders students na scholar at dahil wala akong pake, kain lang ng kain nagulat nalang ako ng merong may nagdabog.

"Kingina ano ba 'tong ulam niyo?!? Lasang aso naman yung karne!!" pasigaw na sabi nung lalaking medyo mapayat pero.. GWAPO!!

At yung mga kasama niya ay para bang naaligaga na akala mo ay pag hinayaan lang nila yung kasama nila gumanyan ay magiging dragon ito.

Mukhang transferees ang mga ito dahil di ko sila masyadong namu-mukhaan

"Sir, it is overcooked." sabi ng lalaki dun sa nagdabog kanina.

"Hoy Flare! Tapos ka na ba kumain?!?" nagulat nalang ako ng bumulong sa'kin ang mga classmate ko kasama na si Zes. Oo, buong magkakaklase kami sa isang table unti lang naman kami dahil mga regular students kami.

"Ay oo, tapos na ako, ayos naman yung pagkain ah? Anong nangyari dun?" at dahil sa ako nga ang tumatayong student council ng Grade 10 at Vice President ng school pinuntahan ko yung mga lalaki kahit na di pa tapos yung pagkain ko.

Di na nagalinlangan mga classmate ko at sumama nalang sila sa'kin dahil alam naman nilang ako dapat ang maging referee dito hehe (≧∇≦)/

"Uhm, excuse me.. Anong nangyayari dito?" pabulong kong tanong dun sa katabi ko.

Malaking hiya ito para sa'kin kung hindi ko mapapatahimik tong mokong na'to.

"Ano ba 'tong mga pagkain niyo sa canteen niyo!! Lasang aso yung mga karne!" sigaw ulitnung lalaking nagdabog kanina.

"Aba di mo pa nga tinitikman, nag aalburuto ka na diyan!" Natahimik ang lahat dahil sumigaw ang kaibigan kong si Zes ng kung ano-ano.

Di pa naman talaga niya natitikman.

╮(─▽─)╭

"Sshh.." pagpapatahimik ng nutritionist kay Zes

"Oh ngayon papatahimikin niyoko?! Galing ba kayong mental?! Sino ba kayo para sabihing pangit ang lasa ng luto dito sa canteeㅡ" natigil naman si Zes ng magsalita ulit si Dabog Boy

"Eh etong pagkain niyo! Ganito ba pinapakain sa mga estudyante dito?!?! Ang pangit ng lasa!!" sigaw ni dabog boy.

"Tama na yan." mahinahong sabi ko.

"Oh ano?! Sino ka naman?!?!" pasigaw ulit na sabi nung lalaking nagdabog

"Ssh JL 'yan yung vice president dito.." mahinang sabi nang isang lalaki sa likod nung JL na nagdabog kuno.

"Sinasayang niyo lang ang oras niyo sa mga ganyang kalokohan, di niyo ba nakikilala kung sino ang nasa harap niyo? Kung kilala niyo lang ang vpres." ani nung nasa likod.

"Lasang aso ba talaga? O natitikman mo lang sarili mo?" Nakangisi kong sabi.

Totoo naman eh, mukha siyang aso. Bulldog kumbaga haha.

"Hindi po, Sorry po vice president." sa wakas, uminahon na din 'tong bulldog.

Takot naman pala eh hahaha. Ba't kasi walang dumadaang prof? (╯︵╰,)

And nga pala nasaan na yung President?

ㅡㅡ

Ang lame at boring? 'Wag na kasi basahin. Practice ko lang naman HAHAHAHA. Mga nasa limang stories nabubuo sa utak ko eh. Baka makalimutan ko bigla sa dami ng projects, kaya tinry kong ipon-in dito :> Kaya 'wag mo na ituloy pa ang pag-scroll papunta sa baba :>

SOON TO BE STORIES OF MINE.Where stories live. Discover now