You're my sweetypie.

11 0 0
                                    

ㅡPasilip sa mga sweet momentsㅡ
"Si Graey ay pangiitt~" With feelings ko pang kanta ng may narinig akong kalabog sa pintuan ng washroom kung saan ako naliligo ngayon. Wait..

Parang suntok 'yon ah?

"Sino ba yan?!?!" pinagmumukha 'kong galit ang boses ko para 'di na pumalag pa kung sino man ang sumuntok sa pinto habang nagbibihis ako dito sa loob.

"Uy Graey" Rinig kong bulong ni Kuya.

Ah si Graey lang pala... AY PUNYETA SI GRAEY?!?! Ba't ba naririnig ko boses nila? Sobrang lapit naman ata nila dito? Hindi ba soundproof 'tong pinaliliguan ko? Syete naman oh.

Pagkatapos ko ay nakita ko si Kuya at Gette sa may carpet nakaupo nanonood ng Naruto.

"Sino yung sumuntok sa pinto?" tanong ko habang nagpapatuyo ng buhok na 'kala mo'y lalaki.

"Wala yun.." sagot nilang dalawa sa'kin.

"Nashan pwo shi Kuya Gyaey?" sabi ng..

BATA?!?!

Nagtataka akong tinignan ang bata, si Gette, at si Kuya

eh?!?!

Nagulat nalang ulit ako ng biglang may pumutok sa labas...

NA FIREWORKS?!?! WTF?!?!

Paglabas ko nakakita ako ng tarpaulin na may STOLEN PICTURE ko! at picture ni Graey it means..

PICTURE NAMIN!! WTF?!?! TAKE ME NOW LORD! MAY PICTURE PALA KAMI?!?!

At mamaya-maya lamang ay nakakita ako ng anino ng isang tao sa likod ng puno akala ko ay ito si Graey ngunit..

ㅡPRESENTㅡ

Asdfghjkl elo po? Keiyra speaking~ You're one and only Keiyra Ivy Gonzale on the line~ And my shuwitie kuno na si Graey Azarcon.

ㅡㅡ
May bagong prof daw ngayon sabi ng mga schoolmates ko. At ang maganda prof namin siya sa isa naming mga subjects! I'm so excited bruh~

Dahil nga sa texts ng mga kaibigan ko, tinamad ako pumasok kasi pa'no ba naman? Baka pagpasok ko sa school tilian lang yung maririnig ko habang dumadaan yung prof na 'yun diba? Kaya lalamya-lamya pa 'kong naligo't nagbihis. Kumakain ako ng napansin ni Kuya na parang wala akong gana..

"Hoy Keiyra, ayusin mo nga 'yang pagkain mo. Ansama na ng titig sayo ni Ate Indang sayo oh."

Oo nga pala, si Kuya Kervine Ian Gonzale. 19 years old. Hindi ko masasabing pangit, 'di ko din masasabing gwapo. Para sayo, gwapo. Para sa'kin, medyo pangit. Plus, hi pala dun sa fansclub ni Kuya 'wag niyo po ako ibash. Mabuting tao po ako, pinapakain ko idol niyo tatlong beses sa isang araw.

"Hayaan mo lang," ani ko habang walang ganang ngumunguya. "Pake niya ba kung wala akong gana?"

"Sshhh~" sabay lagay ng hintuturo sa daliri na animo'y nagpapatahimik ng aso

ಥ_ಥ

"Oh? Ang aga niyo ah? Himala? Bagong buhay na ba kayo?" si daddy na inaayos ang kaniyang necktie. "Katapusan na ba ng mundo? Patingin ako nang dyaryo inday." utos ni Daddy habang hindi pa rin maayos-ayos ang kaniyang necktie.

"Oh, look what we have here~ Ang aga niyo magising mga babies kooo" si Mamshie kasama si Gette, bunso namin. Sabay halik-halik sa'min ni Kuya sa pisngi at pagdating kay Daddy ay sabay smack sa labi nito at inayos ang necktie ni Daddy and I found it sweet

ಥ⌣ಥ

Sumabay na si Mommy sa'ming kumain pagtapos nung #KelegMuchScene nila.

Nang matapos kami mag-breakfast ay hiningi ko ang susi ng sasakyan ni kuya dahil nakalimutan niya daw yung suklay niya.

Can't leave without comb, gano'n?

At dahil ako'y isang mature na bata ay pinatunog ko muna ng pinatunog ang sasakyan at hinintay masuway ng guard namin haha. Nagulat ako ng bigla ding bumukas ang pintuan ng driver's seat at nakita ko si Kuya 'don. Nakasunod lang pala siya sa'kin. Tch.

Wala na kaming kibuan ni Kuya habang nagdri-drive siya kasi natatakot akong baka malibang siya sa pakikiusap sa'min ay mabangga kami jokies hahaha.

After 25 minutes nakarating din kami sa school. Inihatid muna ako ni Kuya sa building namin at tsaka humarurot papunta sa Building nila, medyo malayo-layo din yung building nila sa building namin sa kadahilanang sa gitna pa namin ang Elementary Department at kailangan niya pang ihatid si Gette dahil Grade 6 pa lamang ito.

Habang naglalakad ako ay natanaw ko na yung tatlo kong Prendschu na kumakaway-kaway. Lmao

"KKKEEIIYYRRAAAA!!!" sigaw nilang tatlo habang papalapit ako. Nagsitinginan naman ang mga tao dahil doon at napapikit naman ako dahil sa sobrang lakas no'n.

"Ang ingay, leche." singhal ko sa kanilang dalawa nang makalapit ako.

"Ayun yung bagong professor oh~" Sabi ni Lexi nang nagpupuso-puso pa sa hangin na parang binibigay dun sa 'prof' ang mga puso niya. Tss.

Medyo gwapo nga pero, mukhang hindi naman prof 'to? Naka civilian lang siya at naka salamin pero 'di naman ata 'to prof?

"Prof ba 'yan?" ani ko habang sa tingin ko ay ang itsura ko ngayon ay diring-diri na.

"Oo daw," ani ni Yannah
"Alam naman namin na hindi siya mukhang prof pero prof talaga siya as in P.R.O.F.E.S.S.O.R." pangungumbinsi ni Jovs, kaibigan kong bakla.

"Tch. Tara na nga." aya ko sa kanila.

Pumasok kami sa loob ng room at ang lahat ay may kanya-kaniyang ginagawa kaya hindi nila kami napansin ngunit may isang nakapansin sa akin at sumigaw ng..

"Si Keiiyyrraa!!" at nagkanda-ugaga na yung mga babaeng sa tingin ko ay fans ni kuya?

Sari-saring tanong ang tinatanong nila sa'kin ngunit wala akong nasagot maski isa dahil nahihirapan na akong huminga sa sobrang dami nila at tumatama ang likod ko sa doorknob..

At naramdaman 'kong biglang parang nawala yung doorknob at napaatras ako bigla at may natapakan akong kung kanino man iyong paa at..

Nagsigawan na ang mga babae dahil si 'prof kuno' pala yung dumating -_-

"Sorry sir," walang gana kong sabi habang nakatingin sa sapatos ko "Di ko po sinasadya."

"Sir??" nagtatakang tanong niya sa'kin at pag-angat ko ng tingin ay nakatingin siya deretso sa mga mata ko. Punong-puno ng pagtataka ang kaniyang mata -_-

"Yes, sir." pagdidiin ko sa salitang 'sir'

"Miss, I'm just also a student here, don't call me 'sir'" inis niyang sabi at dumeretso sa limang lalaki na kanina pa siya tinatawag sa loob ng room

(҂⌣̀_⌣́)di pala siya professor? bwiset.

SOON TO BE STORIES OF MINE.Where stories live. Discover now