She-- He's a warfreak.

0 0 0
                                    

Bukas na ang unang araw ng pasukan. Hindi ako transferee, anak ng owner ng school, or kung ano man 'yan, napakacommon na kasi nun like wtf.


Bibili sana ako ngayon ng mga school supplies para bukas. Hindi ko alam kung anong unang bibilhin kaya pumunta nalang ako ng Starbucks, umorder lang ako ng Java Chip Frappuccino 'coz wala lang. Conyo ko ba? Haha.

Pagtapos kong maglamyerda, bumalik na ako sa NBS para bumili ng mga requirements ko para bukas. Habang tumitingin ako ng kahit anong librong pwedeng basahin ay may nakita akong lalaking nakatalikod plus naka-jacket na black. Ang creepy lang kasi nakalagay din pati yung hoodie niya tapos may cap pa siya. At the same time weird.

Nagkukunwari akong tumitingin-tingin ng mga libro kahit na kanina ko pa siya pinagmamasdan, mabuti naman at hindi niya ako masyadong napapansin dahil nakatalikod siya sa'kin.

Napansin ko din na may pinagmamasdan siyang isang babae dun sa kabilang dulo nasa may mid-30's yung babae I think? Tapos medyo maganda, makinis yung balat, tapos madaming alahas na nakasabit sa katawan niya tapos may kasamang bata na siguro nasa 3 years old na.

Hindimasyadong napapansin nung babae yung lalaki kasi busy eto sa kanyang pag-tingin sa mga librong pambata na nasa harapan niya at tinatanong niya ang bata kung ano ang gusto neto.

Nakita kong medyo nag-unat unat yung lalaki kaya medyo tumataas-taas yung damit na suot suot niya at nakakita ako ng parang kutsilyo kaya medyo natakot ako, sino ba namang hindi matatakot sa kutsilyo? Like duh. Pa'no kung masaksak ako nun?

Nakita kong nakapili na yung babae at yung anak niya kaya pasimple akong naglakad papunta dun sa lalaki ng kunwari di ko siya napapansin at busy ako sa pagtingin sa pwedeng bilhin ko'ng libro kaya sinadya ko siyang banggain at kaboom!

Dahil hindi masyadong nakakabit yung kutsilyo niya dun sa pants niya dahil nagunat-unat pa siya at hindi medyo lumabas yung kutsilyo ay dun ko naisip yung paraan na gagawin ko dahil kanina ko pa napapansin na may masamang balak 'tong lalaking 'to. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko yung kutsilyo ng walang kahirap-hirap at nilagay ko sa isang lalagyanan ng mga libro at naglakad sa kabilang side kung nasaan ang mag-ina kanina.

Nakita ko yung lalaki na hinarang yung mag-ina kaya napamaang ako. Tinignan din ako ng lalaki kaya napaiwas ako ng tingin at nagpanggap na walang nakita.

Huli na nang mapagtanto ko na meron pa pala siyang dala-dala pang isang kutsilyo na mas malaki. Nakatakbo na yung bata pero yung nanay ay hawak hawak na nung lalaki at sasaksakin na sana ito

"W-w-w-wahag." halos hindi na maintindihang sabi nung babae.

Pero hehez, haller andito pa'ko pinigilan ko yung lalaki pero alam ko namang mas malakas yung lalaki kaya hinintay ko munang makatakbo yung babae ngunit parang tila naestatwa ito sa hindi ko alam na dahilan.

"Mukhang may madadagdag pa sa mga mapapatay ko ngayong araw ah." nagulat ako ng nagsalita siya.

At nakakita ako ng isang anino ng lalaki sa may tabi, nakatitig sa'min.

Ngumisi ako ng mapagtanto kung sino 'yon.

Kamusta ka na, A?

SOON TO BE STORIES OF MINE.Where stories live. Discover now