No title.

3 0 0
                                    

"Ang gwapo ko talaga kahit kailan~" nasa harap ko ang isang lalaki ngayon na pinupuri pa ang kanyang sarili.

Ay waitㅡ siya pala si Jyrous Dela Vega. Kaibigan ko. Hehe.

"Ang gwapo ko, noh Chichi?" nang-aasar na tanong niya sa'kin habang tinitignan ang sarili niya sa salamin ng isang restaurant kung saan kami kumain.

"Di ko alam." sagot ko.

"Sabi ng nanay at tatay ko gwapo daw ako," nakangisi niyang sabi "Ikaw lang ata yung babaeng 'di naga-gwapuhan sa'kin eh."

"Tss." binigyan ko siya ng i-don't-care look sabay akyat sa jeep.

Sasakay kami ngayon sa jeep dahil antanga nitong isang 'to. Alam na nga niyang grounded siya ta's ako pa pagdadalhin ng kotse

Ehem. Di ako marunong mag-drive.

"Manong, bayad pㅡ"

"Hoy Chi! Huwag mo 'ko iwan!"

\(〇_o)~

"Kuya, patigil po muna nung jeep!" natataranta kong sabi.

"Ba't mo naman ako iniwan Chichi ko?" hingal niyang tanong sa'kin.

"Tss. Ang bagal mo kasi." sabay irap ko sakanya.

Nagtawanan naman ang mga tao dahil sa amin, or sa kanya lang? At kaniya-kaniyang sabi ng 'Ang sweet nila' 'Magjowa ba yan' 'Akin ka nalang koya' 'Arte ni ate'

"Manong, bayad po. Dalawa. Dyan lang sa may Dela Vega Bldg." ((ala na'kong maisip HAHA kahit ano nalang))

Pagkatapos ng 15 minutos ay nakarating kami agad sa building ng tatay nitong si Jyrous.

Nagmamadali namang humakbang si Jyrous habang naglalakad kami or should I say na ayaw niya lang talaga apakan gilid ng tiles kasi, you know, isip bata.

"Hahahaha! Dead ka na!"

Nagtataka akong nilingon siya ng magsalita siya at tinaasan ng kilay.

"Goodmorning Sir, Ma'am." bati ng employees at ng guard sa'min.

"Morning." sagot naming dalawa.

Pagkatapos 'non ay sumakay na kami ng elevator para makarating kung saan naroroon ang opis ng kaniyang tatay. May pinapakuha lang ang kaniyang tatay na mga papeles at sinamahan ko lang siya kasi inutusan lang ako ng tatay niya, yun lang..

"Anong gagawin mo 'pag nakakita ka ng ipis sa elevator?" nakangisi niyang tanong habang itinataas ng sabay ang kaniyang dalawang kilay.

"Malamang tatakbo."

Hindi na siya sumagot pagkatapos n'on at hinintay na lang namin na bumukas ang elevator.

ting!

Nasa loob na kami ng elevator at kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin sa'kin 'tong si Jyrous. Kinapa ko naman ang mukha ko nang nagtataka dahil sa ginagawa niyang 'yon.

"Ba't ka ba tingin ng tingin?" asar kong tanong ng nilingon ko siya.

"Kasi gwapo ako."

(〇_o)

Napatili nalang ako ng may makita akong ipis na nasa paanan niya. Buti na lamang ay kami lang ang nasa loob ng elevator.

"Sa'n ka tatakbo ngayon? Hahaha!"

Huli na nang mapagtanto kong laruan lang pala 'yon na dala-dala niya kanina pa.

SOON TO BE STORIES OF MINE.Where stories live. Discover now